CHAPTER 2

19 2 0
                                    

[ SHAIRA ]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[ SHAIRA ]

"Javier."

May kalakasan na tawag ko dahil hindi ko inaasahan ang ginawa ni Javier na paghawak sa kamay ng transferee. Hindi ako nilingon ni Javier, lumakad ako palapit sa kanila pero biglang tumakbo 'yung babae.

Paglapit ko kay Javier, balak ko sanang hawakan siya ngunit naglakad na siya at malalaki ang mga hakbang.

"Bad mood, huwag mo ng sundan."

Awat sa akin ni Sanjie at ngumiti sa akin nagpatuloy maglakad kasunod si Allen, naiwan na nakatanaw ako sa kanila.

"Nakakainis yung babae na yon hindi pa ako tapos sa kaniya."

Nilingon ko si Ampi na kitang-kita sa mukha niya ang pagkainis, tinalikuran ko sila at naglakad na.

"Sandali, Shai!"

Habol nila sa akin at magkakasabay na kaming naglalakad, nasa isip ko pa rin ang ginawang paghawak ni Javier sa kamay no'ng babae na 'yon. Dahil ngayon ko lang nakita na may hinawakan siya at kahit ako hindi ko naranasan 'yun.

"Don't tell me na iniisip mo 'yung ginawa ni, Javier?"

Napahinto ako sa paglakad at hinarap si Jean, tiningnan ko siya mata pagkatapos ay hinawakan ko ang neck tie niya hinimas ko yon pababa. Sunod ay nginitian ko siya.

"Why?" Maya'y sabi ko at seryoso na ang mukha ko.

"Ha?" Takang bigkas niya at napatingin kay Ampi na umiling, sunod niyang nilingon si Kara.

"Hindi mo alam? Next time, stop talking nonsense." May diin kong sabi ko.

"Let's go, time na."

Aya ni Kara at hinatak sa kamay si Jean, hinawi ko naman ang buhok patungo sa likod dahil nairita ako sa sinabi ni, Jean.

"Tara na,"

Aya sa akin ni Ampi hindi sumagot naglakad na lang ako papunta na kami ngayon sa klase namin.

----------

Sa loob ng classroom busy ang iba sa pagkukuwentuhan habang wala pa ang teacher namin. Nandito ako banda sa pinakagitna, mga nasa likod yung tatlo at dito sa kanan ko nakaupo si Javier.

Wala pa siya at pasimple ang pagsulyap ko sa pinto dahil inaabangan ko siya ngunit iba ang nakita ko at yung babae na iniisip ko kanina ang nandito ngayon.

"Woah, nagkita tayo ulit.'

Dinig kong sabi ni Ampi, alam kong masaya na siya ngayon dahil may bago siyang laruan. Nakatingin ako dito sa babae, tama lang katawan niya katulad sa akin ngunit mas mataas siya sa akin magkasing taas sila ni Ampi, lagpas balikat ang buhok niya at wala siyang kahit na anong make-up. Simple lang ganda niya para sa akin.

"Magiging masaya na naman ang araw mo, Ampi."

Nilingon ko si Ampi at nagkatinginan kaming dalawa, ngumisi si Ampi at umayos na ako ng upo.

"Magpakilala ka naman sa amin,"

Panimula ni Ampi, hindi naman kumikilos itong babae na nanatili lang na nakatayo banda sa may pintuan.

"May bago pala tayong kaklase."

"Oo nga,"

"Saang school kaya siya galing?"

"Pakilala ka na miss,"

Sabay-sabay na sabi ng mga babae at napatingin ako sa lalaking naglalakad palapit dito sa babae walang iba kung hindi si, Frank. Ang isa ring tarantado dito sa mga kaklase namin at marami na siyang ginawang kalokohan lalo na sa mga babae.

Napangiti ako at napansin ko na nakatingin sa akin ang babae, hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya pero naiinis ako sa klase ng tingin na binibigay niya sa akin.

"Hindi na masama mukhang masarap ka,"

Nagbulong-bulungan ang lahat at umingay dahil sa ginawa ni Frank na iniikutan yung babae at pinagmamasdan ang katawan. Ngunit natigilan ako dahil natanawan ko si Javier, mabilis na tumayo ako agad at nilapitan itong babae.

"Stop Frank! Come on, maupo ka na."

Sabi ko at hinawakan ko sa balikat itong babae at inakay ko siya napansin ko sa gilid ng mata ko na pumasok na si Javier, nagkunwari akong hindi ko siya nakita.

"Dito ka na lang,"

Sabi ko at doon ko lang napansin na magiging katabi rin niya si Javier, ngunit wala na akong magawa dahil naupo na itong babae. Paglingon ko si Javier, saglit na sinulyapan lang niya ako at naupo na sa puwesto niya.

Bumalik ako sa upuan ko at palihim na tinitingnan ko sa gilid ng mata ko si Javier.

"Shai, what are you doing?"

Nilingon ko si Kara na nagtataka marahil dahil sa ginawa ko.

"Shut up."

Mahina ngunit mariin na pagkakasabi ko at wala naman na akong narinig sa kanila nang pumasok na ang teacher namin.

"Good morning class,"

Hindi ako nakatingin kay sir dahil doon ako nakatingin sa transferee at kay Javier na seryoso lang mukha habang nakaupo.

"Sir may new classmate kami ngayon gusto namin siyang makilala."

Nilingon ko ang nagsalita si Jean, nakangiti siya. Binalik ko naman ang atensyon ko sa unahan, tahimik ako at naghihintay na malaman kung ano ang pangalan niya.

"Tama kayo Miss. Cruz?"

Lumingon ako doon banda sa babae na tinawag ang surname, nakita ko na tumayo siya.

"Come on hija dito ka sa tabi ko at magpakilala ka na."

Lihim na napangisi ako dahil sa sinabi ni sir, Villa. Dahil ganito siya kapag may bagong babae at lalo na kapag type, hindi ko na bibilangin kung ilang estudyanteng babae na ang nagalaw niya. Hindi na ako magtataka kung isa rin ang transferee na 'yan ang biktimahin niya.

"Magpakilala ka na."

Napalingon ako muli dahil sa boses ni Javier, hindi ko inaasahan ang sinabi niya at ang iba rin 'ay mga nakatanga lalo na sir Villa na hindi nagustuhan ang sinabi ni, Javier.

"Hayaan mo siyang magpakilala dito sa harapan, Mr. Guevarra."

"Magpakilala ka na,"

Muling sabi ni Javier hindi ko alam pero sobrang naiinis ako sa inaasal ni Javier at bakit niya ito ginagawa.

"Ok, miss Cruz. Magpakilala ka na diyan para makapagsimula na tayo ng klase natin,"

Napahawak ako ng mahigpit sa palda ko dahil sa inis.

Ano'ng mayroon sa babae na yan at ikaw pa mismo ang nakikialam sa mga dapat o gustong gawin dito?

Why Javier?

"Navi Cruz."

Navi Cruz? Hindi ko kakalimutan ang pangalan na 'yan.

"Ang ikli naman wala ka bang mas mahabang sasabihin? Dagdagan mo naman at-"

"SHUT UP!"

Malakas na sabi ko na kinalingon nilang lahat, I don't care kung ano man ang iisipin nila pero naiinis na ako. Panay sila bulungan at mas lalo akong naiinis dahil sa mga bulungan nila.

"I have a emergency meeting class,"

Asar na tumayo ako at dire-diretso papuntang pinto inunahan ko ng lumabas si Mr. Villa dahil wala ako sa mood at isa lang gusto kong gawin ngayon.








Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 22 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

EL Conde High SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon