'PROLOGUE'

4 2 1
                                    

Flashback

Alam mo sa tuwing nagsusulat ako ng istorya na ginagawa ko, iniisip ko na tayong dalawa yung nasa librong gawa ko. Kasi don ko lang masasabing naging kasama kita, at doon ko lang din ma-iimagine na patuloy kitang makakasama at magiging tayo. Sa totoo lang kahit iyong simpleng moments na naiisip ko natutuwa na'ko, kasi nga inilalagay ko sa isip na tayo yon. Kahit minsan ay nahihirapan na ako dahil sa kakahimok sa sarili na totoo ang lahat. Pero heto't nagpapatuloy pa rin ako, at kung nais mong makita sana, nais ko lang naman na mapansin mo. Ikaw rin ang naging inspirasyon ko para sumulat ng mga istorya. Grabe ka kasi pinahanga mo ko lahat ng story na ginawa mo sobrang ganda, ang galing mo ring writer.

Kaya simula nang mabasa ko ang isang published mong libro, talagang tinapos ko agad basahin iyon. At nung araw ding yon palagi ka nalang naliligaw dito sa isip ko. Nu'ng una pinagsawalang bahala ko nalang pero bakit ba ayaw kang bitawan ng isip ko. Sa unang pagkakataon napaisip ako at nalito ng sobra, natanong ko sa sarili "I'm I fall inlove to you???". Because this is just my first time, to feel this way for you♡ω♡ . Nakakatawa diba pero sorry kasi pinilit ko naman na huwag mahulog sa'yo ehh. Pero talagang ayaw ka nang lubayan nitong makulit ko'ng puso, ikaw at ikaw lang talaga ang palagi niyang tinitibok. Lahat naman ng paraan ginawa ko na isa na ang hindi pagsipot sa'yo, nu'ng naglabas ka ng bago mong libro kahit na gustuhin ko mang magpa-autograph.

Natandaan ko pa noon, ayaw ko pa sa mga story na ganito kasi nga kathang isip lamang. Pero minsan niyaya ako ng bestfriend ko na pumunta sa bookstore. Kasi bibili daw siya ng libro na isinulat mismo ng idolo niyang author. Ayaw ko talaga sumama sa kanya no'n, but ayaw ko naman na magtampo siya sa'kin kaya sumama na'ko. Pagkapasok nga namin sa bookstore no'n hinanap na niya yung libro na gusto niya. Kasalukuyan namang abala noon ang bestfriend ko, nang makatawag pansin sa akin yung libro mo. Actually hindi ko agad siya kinuha kasi nga wala naman akong interes sa mga libro about love story. Pero hindi ko talaga napigilan ang sarili ko na hawakan manlang ito. Bukod kasi sa maganda yung cover page niya, parang naging curious ako sa title nung libro mo.

Hindi naman ito malungkot but interesting kasi iyong libro mo. Nagulat na nga lang ako nang biglang sumigaw itong bestfriend ko. Yun naman pala ay nakita na nito yung gusto nitong libro. Dahil nga sa gulat ko sa kanya ay hindi ko na binitawan ang libro. Hanggang sa makalapit siya sa'kin ay hawak-hawak ko parin ito.

"Wow best kelan ka pa nahilig bumili ng book, eh kanina lang ayaw mo naman ako samahan ahh" biro niya.

"Hahh di naman talaga ako bibili ahh" tanggi ko naman.

"Di ka bibili eh ano to ba't hawak mo? Hmmm" tanong niya sabay kuha sa libro na hindi ko namalayan na hawak ko pa pala.

"Wait best kay James itong libro ahh, ito yung limited edition na book niya ngayon" masaya niyang sabi.

"Sinong James idol mo?" tanong ko.

"Engot ka talaga best, palibhasa kasi walang interes sa social media kaya di updated" pang-aasar pa niya.

"Hoy FYI best may account talaga ako, bihira lang ako mag-on kasi for impotants lang" sabat ko.

"I know, best joke lang, well kung di mo naitatanong si James lang naman yung most writer slash author here in the Philippines. Pero di ko siya idol but gwapo siya best, gusto ko nga makita siya in person ehh" ngiting-ngiting sabi niya.

FEELING'S FROM FARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon