'MOMENT 1'

1 1 0
                                    

POV [Mia]

Bumababa na ako sa first floor, katatapos ko lang ayusin ang kwarto ko. Mamaya na ulit ako magsusulat, sa ngayon kakain na muna ako guys kagutom na ehh. Pinag-iisipan ko pa kung makakasama ako mamaya kay Brittany. Sana matapos ko ang iba ko pang gagawin, para makasama naman ako tutal minsan lang naman ito.

"Best anong niluto mo?" tanong ko.

"Oh Best, buti bumaba kana tulungan mo ko rito" puna niya.

"Gutom na ko Best, ano ba niluto mo?" tanong ko.

At nilapitan ko siya sa kitchen.

"Ampalaya na may itlog ito Best, nakain ka ba nito?" sagot niya.

Sabay tanong at baling sa'kin.

"Oo naman Best bakit hindi, isa iyan sa specialty dish ni Mommy" saad ko.

"Ganu'n ba Best, mabuti naman akala ko tututol ka sa ulam natin ehh" asar niya.

"Best di ako maarte sa ulam noh" irap ko naman.

"Okay sinabi mo ehh" sabat niya.

"Best ano ba itutulong ko?" tanong ko.

"Best paki-shake naman nung egg, kuha kana lang ng tatlo sa ref" utos niya.

"Sige Best, ito lang gagawin ko?" tanong ko ulit. Unfair naman kung yun lang gagawin ko.

"Yes Best, patapos na naman to mamaya malambot na ang ampalaya" sagot niya. Habang nakatingin sa stove.

Lumapit ako sa ref at kumuha ng tatlong itlog. Bale lima nalang pala yun, kailangan na pala namin mag-grocery ulit. Kakaunti na rin pala ang laman ng ref, alam niyo na mahirap maubusan ng stocks. Kaya hangga't may pera dapat bumili na kaagad.

Nag-shake na ko ng eggs at nilagyan na rin ng timpla. Para ilalagay nalang ni Brittany, mabuti nalang may kasama ako sa dorm ko na mahilig magluto. Dahil kung wala baka aasa lang lagi ako sa delivery. Mahilig lang ako kumain but hindi ako gano'n kagalingan pagdating sa pagluluto.

Aminin n'yo guys pareho lang tayo ng mindset. Mahirap naman talaga magluto kung hindi mo yun hilig. Sayang lang ang pagkaing gagamitin mo kung papalpak ka. Mahal pa naman ang mga bilihin ngayon. Oo may kaya ako sa buhay, pero kailangan pa rin natin na magtipid.

Hinalo na ni Brittany ang egg sa ampalaya. Kaya nagdecide na akong ayusin ang table at para kakain na lang kami. Pumunta na muna ako sa sala, naghahanap ng pwede kong linisin habang hinihintay na maluto ang ulam. Nakita ko ang gamit ni Brittany sa sofa, may projects yata itong ginagawa.

Medyo magulo ito kaya inayos ko na lang. Hindi man ako magaling magluto pero magaling naman akong maglinis ng bahay. Doon ko naman nalamangan ang bestfriend ko. Oh diba di naman ako lugi sa kanya we're both same. Habang inaayos ko ang gamit ni Brittany, may napansin akong isang note.

       Sana mapansin mo na ako ngayon Brittany. Ang tagal ko ng nanliligaw sa'yo, huwag mo na ako iwasan please.
Matagal na kitang mahal, kaya kahit hanggang ngayon naghihintay pa rin ako. I'm always here for you. And I will forever love you.

Your Lover♡

Kakatapos ko lang basahin ng hinablot na ito ni Brittany. Pambihira naman oh, lakas rin makiramdam nito ehh.

"Best! Bakit hawak mo to?" inis na tanong nito.

"Amm Best sorry, kasi inayos ko yung gamit mo. Alam mo naman diba di ako sanay na makalat" paliwanag ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 15, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FEELING'S FROM FARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon