Chapter 1: Unexpected

56 1 0
                                    

Author's Note: Nais kong linawin na lahat ng mababasa niyo dito ay HALF ILUSYON at HALF REALIDAD.





———————————





FIRST DAY OF SCHOOL - June 4, 2012 - Monday

Hi, ako nga pala si Yammy. Yes. Yammy. Hindi ko talaga yan tunay na pangalan. Simula nang nagenter ako sa college I decided na ibahin ang tawag sakin just for a change. Since i've been living for 16 years na palaging name ko ang naririnig ko. But my real name is Yasmin Sandoval. Taking up Public Administration sa University of Caloocan City. 16 years old.

Sabi 'daw' nila Weird. Kalog. Boyish. Mabait. Masipag mag-aral ako.

(ang panget naman kung ako mismo magdedescribe ng sarili ko diba?)

So, ayun na nga. Ito na talaga.

2ND YEAR NA AKO!

Naeexcite ako at the same time kinakabahan.

.

.

.

Naeexcite sa mga magiging kaklase ko.

.

.

.

Kinakabahan sa mga bagong profs ko. Jusku!

.

.

.

.

.

.

Sino kayang magiging prof ko dun? Lalaki kaya o Babae?

Bahala na. Basta gagawin ko nalang ang best ko.

.

.

.

.

*lumipas na ang ilang oras*

Nameet ko na rin ang iba kong professors. Halos puro mga babae sila. 1 subject nalang ang natitira. At ipinagdadasal kong sana may lalaki naman akong professor.

Nagring na ang bell tapos na ang lunch break namin. Kaya bumalik na din ako kaagad sa room namin. Ilang minuto nalang at makikilala nanamin ang bagong professor namin sa SCIENCE.

Basketball player ang height

Katamtaman lang ang complexion

Ang pleasant tingnan

May eyeglasses siya.

At hindi ko namalayang natulala na pala ako.

Yammy's POV

Natapos na mga klase ko ngayong araw. At hanggang ngayon ang bilis ng tibok ng puso ko. Ewan ko nga ba kung bakit eh. Parang may kuryenteng pumasok sa katawan ko. Nakakaloka naman this! Hayaan na nga. 5PM na at kailangan ko ng umuwi. at baka gabihin pa ako. Lalakarin ko lang kasi simula City Hall hanggang Sangandaan. Baka hinahanap na ako ng nanay ko.

Nang malapit na ako sa sangandaan.....ay biglang umulan. At dahil napakaswerte ko nga naman talaga ay wala akong dalang payong. Di ko naman kasi naisip na uulan. Kahit malaki ang allowance ko per week gusto ko pa ring maglakad. May pinagiipunan kasi ako eh. Kaya ang ginawa ko nalang binilisan ko ang lakad ko para makadating agad ako sa bahay. At sa kaswertehan ko talaga, parang naground ako kaya nabitawan ko yung hawak hawak kong mga librong hiniram ko sa library kanina. Gusto ko na rin kasing mag-advance reading para sa lesson next week. Ayun basa pa naman ang kalsada, at basang basa na ako. Nagulat ako nang may anino sa likod ko. At parang di na ako nababasa ng ulan.

*tingin sa likod*

"SIR CRUZ?! O.o

"Ba..bakit po kayo nandito?" Utal at gulat kong pagkakasabi.

"Pauwi na din ako at bigla kong nakita ang uniform ng UCC. Napansin ko ding wala kang payong at nabitawan mo yang mga libro mo." sabi niya

"Ahhhh ganon po ba? Salamat po, sir. Pero kaya ko na po 'to. Gagabihin na po kayo."

"Sigurado kang kaya mo? Basang basa ka na nga oh."

"Hindi po sir. Okay lang po ito. Matutuyo naman din po 'to mamaya pagkauwi ko." nahihiya kong sabi.

"Wag ka nang mahiya. Okay lang yan. Baka magkasakit ka pa nyan. At di ka makapasok sa klase mo bukas. Tulungan na kita."

PERO DEEP INSIDE GUSTO KO NAMAN TALAGA. ANG PABEBE MO YAMMY IKAW NA NGA TONG TINUTULUNGAN, IKAW PA TONG MAARTE. UMOO KA NA KASI.

"Grabe nakakahiya po talaga sir. Pero salamat na din po talaga."

Author's Note: Lol. Nakakahiya di ako marunong gumawa ng story. Pero bahala na si Batman. \m/

If We Fall InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon