Chapter 4: Awkwaaaaard

20 0 0
                                    

Nakakaloka tong si Sir. Anong ipangbabayad ko dito sa napakaeleganteng resto na 'to? Akala ritskid ako aba.

Okay. Okay. Okay. Ayusin mo sarili mo. Kalma. *isip isip*

*BRIGHT IDEA*

Maghuhugas nalang akong pinggan pagkatapos. Pero papaunahin ko munang umuwi si Sir. Tama. Tama. Ang talino mo talaga Yammy.

Pagkatapos ng ilang minuto natapos na din ang napakaawkward na unexpected dinner with Sir Cruz.

"Oh, yammy umuwi ka na agad at gabi na."
"Ahh sige po sir. Mauna na po kayo."
"Hindi. Mauna ka na."
"Hindi po sir. Nakakahiya kayo na nga po nagbayad nung pagkain po kanina eh. Hintayin ko nalang po kayo makasakay." pagpipilit ni yammy
"Ano ka ba. Okay lang yun."
"Oh siya, sige mauuna na nga ako natalo ako sa kakulitan mo."
"Ingat po kayo sir."
"See you next meeting, Yammy."
"See you din sir."

HAY. SALAMAT NAKAHINGA DIN AKONG MAAYOS WALA NA SI SIR. MAGLALAKAD NALANG AKO MALAPIT NALANG NAMAN SA BAHAY NAMIN 'TO. YEHEY.

Bukas ko nalang gagawin yung diary ko.

Kinaumagahan, nagising na si yammy para gawin ang diary niya.

June 6, 2012

Dear mahal kong diary,

It was a tiring day dami naming inaral at tinapos ngayong araw pero hindi ko pa rin makalimutan na na-late ako at napahiya sa klase.

At ito pa, dahil na-late ako kailangan ko raw ilibre yung Prof ko sa canteen. Pero kanina akala ko hindi naman totoo 'yon.

Nagulat nga ako na totoo pala 'yun hanggang sa nakita ko si Sir Cruz na nasa likod ko pero dahil sarado na ang canteen, sabi niya sa iba na lang daw kami kumain.

Bhie sa Yakimix kami pumunta napakamahal do'n kamusta naman yung bulsa ko 'di ba? Nagi-isip na akong maghugas na lang ng pinggan after kapag umalis na siya pero after namin kumain, siya yung nagbayad.

Diary, hindi ko alam mararamdaman ko sa mga nangyari kagabi. Yung parang hindi normal sa pakiramdam. OA lang ba ako? O normal na kumain lang naman kami ng dinner sa labas kasi student niya ako?

AHHHHHHHH ik-kwento ko 'to mamaya kay Mila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 24, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

If We Fall InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon