Chapter 27

2 0 0
                                    

                   "Kendrick's Pov"

"Ken-ken ko uwi ka naman dito oh"

"Ano kasi Ma.."ako

Paano ko ba ito sasabihin kay Mama?
Ayoko naman umalis dito ng ganun yung kalagayan ni Charlotte. Siyempre kaibigan ko din siya

"Sige na anak, ikaw lang ang wala dito Balita ko kay Manong Berto na Bakasyon ninyo naman daw. Sige na miss na miss ka na ni Mama"

Napahinga naman ako ng malalim
Tama naman si Mama. Matagal na din naman akong Hindi nakakauwi sa amin. Siguro ito na yung tamang panahon para umuwi

"Ma ano kasi..."Ako

"Ano? Ayaw mo na umuwi? Masyado ka bang nasiyahan diyan?"nag tatampo na sabi niya

"Hindi naman Ma..ano kasi"Ako

Paano ko ba sasabihin kay Mama ito?
Nahihiya ako teka bakit naman ako mahihiya? Kaibigan ko naman si Charlotte

"Ano?"

"May kaibigan ako dito Ma. Naawa ako sa kanya sobrang lungkot niya kasi tapos wala siyang karamay"Ako

"Aww, ang bait talaga ng ken-ken ko na yan. Pwede mo naman siya isama dito"

Isasama? Pakiramdam ko nga hindi yun makakalayas dito tapos grounded pa siya at Hindi yun magiging okay sa buhay probinsiya naku sa arte nun?

"Ano kasi Ma, grounded siya"Ako

"Aw, sige punta ka na lang dito pag okay na siya"

heto na naman ako kinakain ng guilt.
Ang tagal ko na talagang hindi nakakauwi

Huminga ulit ako ng malalim

Teka nandito naman sila Gavin sila na lang muna bahala

"Sige Ma uuwi na ako ngayon mag papaalam lang ako sa kaibigan ko na yun"Ako

"Ay talaga?! Sige mag handa ka ng mga gamit mong dadalhin kanina pa nag hihintay sayo si Manong George sa labas ng bahay natin diyan"

Agad akong sumilip sa labas at nakita ko ngang nandun si Manong George

Tingnan mo itong si Mama. Kanina pa ako tinatanong kung Kailan ako uuwi, kung pwede na ba daw ako umuwi. Tapos nandito na pala si Manong George hay binigyan niya pa ako ng choice ha

"Sige na Anak bye! See you later mwaah mwaah I love you!"

Agad niyang pinatay yung tawag agad ko naman pinuntahan si Manong George sa labas

"Manong pasok po muna kayo"Ako

Ngumiti naman siya sakin at sumama sa loob ng Bahay

"Rick iho nakakagalak naman na makita ka ulit ang laki mo na talaga"Manong

"Naku si Manong talaga 'wag kayong ganyan baka mawalan ng sasabihin si Mama pag uwi"Ako

"Loko ka talagang bata ka"Tumawa pa siya

"Sandali lang Manong ha kukuha lang ako ng mga gamit na dadalhin ko"Ako

"Sige lang iho"Manong

Agad akong nag ayos ng mga gamit ko matapos mag ayos ay Nag tipa ako ng text kay Gavin

To Gavin Abnoy :

Ikaw na muna bahala kay Charlotte maarte. Uuwi muna ako sa amin

Agad naman siyang nag reply

From Gavin Abnoy :

Aba'y ginawa mo pa akong Taga pag alaga. Tsaka mayaman naman yun may yaya yun. Malaki na yun mas malakas pa nga uminom sakin yun ng mga Wine,Cocktail, and manymore
Tsaka grabe naman ang concern mo ah? May label na ba? 😏

Caught In A Bad RomanceWhere stories live. Discover now