Chapter 1

153 6 0
                                    

NATIGILANG napasandal si Lerie sa sandalan ng mahabang sofa habang nakikinig sa malamyos na tugtog mula sa smart phone na araw-araw niyang pinapakingan.
Ang pakikinig ng mga magagandang awitin galing sa playlist niya ay kumukumpleto ng araw niya tulad ngayon. Mula kagabi ay tuloy parin ang pagpapatugtog niya.

"It's not very easy, living all alone. My friends try and tell me, find a man of my own. But each time I try, I just break down and cry. Cause I'd rather be home feeling blue. Cause, I'm saving all my love for you..." Habang sinasabayan niya ang kantang iyon sa  isip niya ay hindi niya maiwasang makaramdam ng emptiness. Parang gusto niyang maluha tuwing naririnig ang lyrics ng partikular na kanta.

Natatandaan niya ang awiting ito ni Whitney Houston na "Saving all my love for you". Sayang nga lang at pumanaw na ang magaling na singer.

Tandang-tanda niya rin kung paanong minsan ay naging mahalaga sa kanya ang kantang ito. May koneksiyon ito sa isang taong naging bahagi ng buhay niya noon.

Si Ashen Madrigal

Sinagot niya si Ashen, ang una at huling naging boyfriend niya habang tumutugtog ang kantang ito sa mismong car stereo ng lalaki. Parang nagkukulay rosas ang paligid nila. With the background song, it makes the ambiance complete.

Hindi man nila pag usapan, alam niya na sa sulok ng puso nila ay ginawa na nilang theme ang particular na kanta para sa isa't isa.

But that was long ago.

Mend My Heart Published Under LIB YEAR 2014 (COMPLETED) Revised EditionWhere stories live. Discover now