Chapter 10

39 5 0
                                    

Natutuwang pag-masdan ni Lerie ang pag-lalambingan ng dalawa sa kanyang harapan. Na lihim niyang nasabi sa kanyang sarili sana maging ganito din kasaya ang kanyang magiging love life sa darating na bukas. Pagkatapos nilang magmeryenda ay sinamahan na siya ni Claire sa magiging kuwarto niya. May sampung silid ang kuwarto mayroon sa bahay na yun at tatlong palapag ang bahay, sa ika-apat ang magiging kuwarto niya malapit sa Veranda. Ngunit sinabihan muna siya ng mga ito na siyang master bedroom muna ang kanyang gamitin. Dahil hindi naman madalas nalalagi doon ang kuya ni Benji minsan lang daw ito umuuwi sa villa. Mas lumalagi daw ito sa rest house nito sa kabila na malapit sa farm ng mga Madrigal upang madali nitong mapuntahan ang mga trabahador pag may-emergency.

Nilibot niya ang kanyang paningin nag-hinayang siya bakit wala dito ang Kuya na siyang kinukuwento sa kanya ni Claire. So strange, bahay ito ng lalaki pero bakit wala dito at mas madalas daw ito mag-lagi sa rest house nito sa kabila. Na curious pa naman ang kanyang isip kung sino talaga ang binata. Parang may kiliti sa kanyang damdamin na makita na ito. Pero iwinaksi niya iyon sa isip. Hindi pa napapanahon na mag-mamahal muli siya at masasaktan. Alam niya sa sarili lahat ng taong nag-mamahal ay may kaakibat na saya at sakit. Hindi matatawag na-mag-mamahal ka kung wala ang dalawang ito pag-dating sa usaping pampuso.

"In time at makikilala ko kung sino talaga ang Kuya ni, Benji. Sana mali ang nasa isip kong tao. Sana hindi ang taong nag-panakit sa damdamin ko. Sana...Sana."  Bulong ng munting isip niya ng mga oras na 'yun.

ABALA si Claire sa pag-aayos ng mga kakailanganin nito para sa kanyang nalalapit na kasal. Katuwang niya si Lerie ang pinakamamahal niyang pinsan. Pati ang damit na kanilang gagamitin sa kasal nito ay maayos na. Halos okay na ang lahat pati ang reception na pag-pagdadausan ay maayos na, katuwang siya sa pag pagdedecorate ng lugar nang mga ikakasal. Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa din niya nakikilala ang Kuya ni Benji. Umuuwi kaya ito sa sarili niyang tahanan? Ang laging tanong sa kanyang isip. Lalo tuloy nag-memesteryo sa kanyang isip na makilala ito.

"Si, Kuya Ashen. Sana makadalo siya sa kasal namin ni, Benji. Madalas kasing busy yun sa pag-papatakbo ng kanyang negosyo."  Kuwento ni Claire kay Lerie habang patuloy ang pag-aayos nila sa mga invitation card na ipapamigay sa mga kaanak ng Madrigal.

"Madalas ba na hindi siya umuuwi dito?"  Nag-tatakang tanong ni Lerie sa pinsan.

"Lagi, Lerie. Sobrang busy kasi yun si Kuya malaki kasi ang lupain na pinapatakbo niya dito. Masipag 'yun. Actually pinahinto na nga rin niya sila Papa at Mama na tumulong sa kanya. Dahil matatanda na ang mga ito. Si, Benji. Naman ay walang t'yaga pag dating para tumulong sa farm. Nakita mo ba yung mga dinaanan natin nung isang araw bago nag-tungo dito. Halos lahat yung natatanaw mo pag-aari yun ng Madrigal.

"Wow..."Napakalawak naman pala ng lupain nila."

"Yup, cousin. Sila ang pinakamayaman sa lungsod na ito. Kaya ma-swerte na rin ako dahil ang gwapo ng mapapangasawa ko pati bulsa panalo." Nakangiting turan nit okay Lerie.

"Sigurado ka ba talaga na mahal mo si, Benji? Or dahil lang sa kanyang pera, kilala kita, Claire." Taas kilay na tanong nito kay Claire.

"Cousin naman, nagbago na ako. Sinisigurado ko sa'yong mahal ko ang pakakasalan ko ngayon. Tatapusin ko ba naman ang pagiging masayang single ko kung hindi ko mahal si, Benji?"  Umikot ang dalawang eye balls ng mata nito kay Lerie habang sinasabi ito dito.

"Nagtanong lang naman ako at nanigurado. Mas maige na yung nag-kaalaman tayo kawawa naman yung tao. Alam mo naman dati na playful ka pagdating sa relasyon. Pati boyfriend mo dati tumatakbo sa bahay para tulungan na mag-kaayos kayo." Nangingiting alala ni Lerie sa nangyari sa naging boyfriend nito dati na malimit siyang puntahan ng mga ito. Pag nag-tatago ang dalaga dahil ayaw harapin ang mga ito. Gayon pa man ay masaya na rin siya at nag-bago na talaga ito.

"Claire, lumabas ka dito alam ko nand'yan ka mag-usap tayo. Pag-usapan natin itong problema natin. Mahal kita hindi ko kayang iwan mo ako." Kalampag ng sino ma'ng tao sa labas ng kanyang gate. Agad naman niya itong nilabas.

"Wala dito si, Claire." Asik niya sa lalaking nasa labas ng kanyang gate.

Ngunit patuloy pa din ito sa pagkalampag ng gate. "Alam ko nandito si, Claire. Pumunta ako sa bahay nila. Ang sabi ng katulong dito siya pumunta. Pakiusap, Lerie, gusto ko'ng mag-kaayos kaming dalawa."

"Anthony, nakikiusap din ako. Kung ayaw na sa'yo ni Claire huwag mo ng pilitin ang sarili mo. Saka nakakaeskandalo kana dito at na kakahiya."  Bigla sumulpot si Claire sa kanyang likod.

"Anthony, please umalis kana. Wala na tayong dapat pag-usapan." Nilapitan ito ni Lerie.

"Claire, dito ka lang ha, may kukuhanin lang ako sa loob."

"Lerie, huwag mo akong iwanan dito. Hindi ko ito kayang mag-isa."

"Dito ka lang, basta babalik ako may kukuhanin ako sa loob. Para magtigil na iyang ex mo. Imviernes na ako sa kakulitan niya.

"Okay, sige bumalik ka agad ha?" Tango na lamang ang sinukli niya sa pinsan at tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng bahay. Agad niyang tinungo ang k'warto ng kanyang tatay at kinuha ang armalite nito doon. Dating sundalo ang kanyang ama gamit pa nito iyon sa tuwing sasabak sa misyon kung saan ito naka-assign na lugar upang mag-duty. Dali dali siyang lumabas ng k'warto nito bitbit ang hawak na armalite.

"Hoy, lalaki kapag hindi ka tumigil sa kaka-eskandalo mo sa pamamahay ko. Papasabugin ko 'ya'ng bungo ng ulo mo. Layas!" Asik niya dito, kinasa pa niya ang hawak na baril at saka itinutok niya iyon sa lalaki.

Halos pag-pawisan sa noo si Claire dahil sa ginawa ng pinsan. Ganoon din ang lalaking nakatayo sa harap ng gate.

"Lerie, baka pumutok yan, at ng dahil sa akin ay makulong ka pa." Pigil nito kay Lerie.

"Huwag kang aalis d'yan lalapitan ko siya sa gate." Iniwan nito si Claire na hintatakot pa dahil sa inasal ni Lerie. Hindi niya masukat na gagawin ito ng kanyang pinsan.

"Mr. Anthony Costales, lalayas ka ba or papuputukin ko ang baril na ito? Mamili ka sa dalawa." Sabi niya dito habang kita na niya ang butil sa noo ni Anthony na nag-sisimula ng kumawala dahil sa nerbiyos na'ng dahil sa hawak niyang baril na nakatutok dito."

"L-Lerie..." Hindi na nito natapos ang sasabihin at kumaripas ito ng takpo palayo ng ng gate. Muntikan pa siya mapatawa dahil muntikan na itong matisod dahil sa ginawang pagtakbo upang tuluyan lang lumayo sa kanya. Muli siyang bumalik sa kinatatayuan ni Claire na halos mamutla din sa takot dahil sa kanyang inasal.

"Ayos ba, Claire? Wala itong bala kaya wala ka'ng dapat na ikatakot. See..." Pinakita pa nito sa pinsan na totoong nag-sasabi siya na walang laman ang hawak niyang baril.

"Your so evil, Lerie. Tinakot mo yung tao pati na din ako."

Tumawa lang ito." Actually muntikan ko na sana ipa-junk shop itong bulok na armalite ni, tatay,  buti nalang hindi ko pa naituloy. Kitam kumaripas sa takbo ang loko." Sabay na nag-tawanan ang dalawa dahil sa kanyang ginawa.

Mend My Heart Published Under LIB YEAR 2014 (COMPLETED) Revised EditionWhere stories live. Discover now