Old Red Tulips

6 0 0
                                    

Harana

Pupunta ako sa bahay niyo't kakanta
Daladala aking gitara, at nadarama
Pati narin ang mga salitang mahal kita
Napapangiti sa iyong mga tingin
Ano nga ba ang aking gagawin?
Ano na nga ba ang tono ng aking kakantahin?

Ang ngiti mo ay napalitan ng pag aalala
Nariyan na ang ate mo may dalang tubig na nasa timba
Nang biglang tumugtog ang gitara
Ang tila kaba ko ay napalitan ng paro paro
Ika'y nakatingin, nakangiti ang iyong mata at mapupulang labi
At ang ganda mong katangi tangi, ay nakakabighani

Hayaan mo akong ibuhos ang puso at nararamdaman
Sa isang harana
Upang malaman mo aking sinta.
Na iniibig kita.

Tulips.Where stories live. Discover now