The One Act Play

709 19 8
                                    

Para lang sa masisipag magbasa kasi mahaba... :D

Habang binabasa, isiping nasa nanonood kayo sa theater room... ^-^ Since sa theater room naman ginaganap ang mga role-play... right??? :) Kung hindi niyo gagawin yun baka malito kayo ... Script po kasi ito... Keri niyo ba??? >.<

Basta enjoy!~ ♥

DETECTIVE CONAN INSPIRED... SYEMPRE :D 

One Word Title: “Kutsilyo”

<Alternate Title: The Heart Stab Murder Case Investigation>

(One-Act Play)

Story:

(Magsisimula ang lahat ng madilim pero magkakaroon ng spot light sa bidang Detective na biglang susulpot sa likuran sa ng mga audience… nasa likuran siya pero makikita pa rin siya ng lahat. Samantalang ang stage naman ay madilim pa din at nakasara pa ang kurtina.)

(Naka-serious look si Sherla.)

Narrator: Siya si Sherla Miyano, 17 years old, may pagka-Inglisera… Isang First Year College Student na half-Filipino, half-Japanese... Oo, isa lang siyang estudyante pero huwag mo siyang mamaliitin, dahil kahit na 17 pa lang siya at bata pa kung itawag ng iba, marami na siyang naresolbang kaso at nagging kakampi na ng batas… Dahil doon ay marami na rin ang nakakakilala sa kanya. Marami na siyang kasong naisara at marami na ang nakamit ang hustisya ng dahil sa kanya. At mukang ngayon, isa na namang kriminal ang mahuhuli… Oras ngayon… 4:30 pm.

(Sinusundan ng spot light. Maglalakad si Sherla sa gitna papunta sa stage at habang naglalakad ay mapapahinto. Tumunog ang cellphone na nasa bulsa niya…. Kinuha niya ito at sinagot.)

Sherla: Hello Inspector, napatawag ka?... Ano?!... May namatay?! Sa may Makati ba kamo? Teka, medyo malapit lang yun dito…  Papunta na ako!

(Ibinaba ni Sherla ng cell phone niya at ibinalik ito sa kanyang bulsa. Habang sinusundan ng spot light ay tatakbo siya papunta sa stage. Habang ginagawa niya iyon ay pahinto-hinto siya at lilingon kung saan-saan.)

(Mawawala ang spot light na umiilaw kay Sherla).

Narrator: Trenta minutos ang nagugol bago niya marating ang lugar. Time Check… 5:00 pm.

(Maya-maya pa ay liliwanag ang stage sa pagbukas ng kurtina nito. Ipapakita ang settings na banyo at ang iba pang characters.)

Narrator: Ang iimbestigahang lugar… ang banyo…

(Silang lahat ay nakatingin sa bangkay na nasa may bandang daanan ng pintuan.)

Sherla: So ang namatay ay si Carmen Salcedo, 27, at siyang may-ari ng bahay at ayon sa

 imbestigasyon ko at ng mga pulis, nalamang ng oras ng pagkamatay ay pagitan ng 1 to

1:30 pm. At ang dahilan ng pagkamatay, saksak sa dibdib.

(Tumingin sa tatlo)

Sherla: Kayong tatlo, Jenny Nelvada, Christian Ramirez, at Lizel Dianzon, maari ko bang malaman kung sino-sino kayo at ano ang ugnayan niyo sa biktima? Ano ang alibi niyo at nasaan kayo ng mga oras na maganap ang krimen?

Jenny: Teka lang! Sinasabi mo bang suspects kami?!

(Napatingin si Sherla sa kanya.)

Sherla: Ano pa nga ba… Kayo ang mga nandito ng maganap ang krimen. Sino pang paghihinalaan ko? Kayo lang naman ang nandito eh… At isa pa, may problema ba doon? Baka naman…may itinatago ka? Hindi kaya?

The Heart Stab Murder Case Investigation (One-Act Play)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon