Ang Simula

11 0 0
                                    

"Ma!" Naiiyak na tawag ko sa mama ko. Tumakbo ako papalapit sa mama ko sabay yakap ng mahigpit sa bewang niya.

"O bakit ka umiiyak?" Tanong sa akin ni mama habang hinahaplos niya ang mahaba kong buhok.

"Ma hik-si .. Si Cloud po k-kasi..hik- hinagisan niya p-po ako ng i-ipis" umiiyak na sabi ko kay mama. Kasalukuyan kasing kumakain sa lamesa ang mga magulang ko kasabay ng mga magulang ni Cloud.

Matalik na magkaibigan ang mga magulang namin kaya naman naging malapit din kami ni Cloud sa isa't isa. Kahit palagi niya akong inaaway at inaasar, siya lang ang tinuturing kong kaibigan. Best friend.

"Sshhh.. Tahan na." Malambing na sabi sa akin ni mama na siya naman nagpakalma sa akin. Ilang sandali pa ay lumapit na si Cloud sa amin. Nakalagay ang dalawang kamay niya sa kanya likod na para bang may tinatago. Agad naman akong yumakap kay mama ng mahigpit. Baka kasi mamaya ipis na naman yun!

"Cloud. What did you do to Rainie?" Tanong ni Tita Veronica, mommy ni Cloud

"Mom I was just playing around. I did not mean to scare her like that. I'm very sorry." Nakayukong sabi ni Cloud.

"I am not the one to whom you should apologized for." After Tita Veronica said that, lumapit na si Cloud sa akin and then inilahad niya yung kamay niya sa akin. Napapikit naman ako bigla atnapayakap ng mahigpit kay mama. Natakot kasi ako. Baka kasi ipis yun!

"I'm sorry Rain. Please forgive me." Sincere na pagkakasabi ni Cloud sa akin. Na naging dahilan kung bakit inangat ko ang tingin ko sa kanya.

He was holding santan flowers with 3 different colors. Red. Yellow. Pink. They were all beautiful. Kahit na corny, that made me smile.

Bumitaw ako sa pagkakayakap ko kay mama at nilapitan si Cloud. Kinuha ko yung mga santan sa kamay niya.

"Thank you. Wag mo ng ulitin yun ah!" Banta ko sa kanya. And then he chuckled.

"Yeah. Sorry again. I did not know that you will be scared like that. Promise I'll never do that again." Then hinawakan niya ang pisngi ko at pinahid ang mga tumulong luha sa mukha ko. He was looking straight to my eyes.

I froze right at that moment.

I did not know what happen but suddenly my hearts starts to beat fast at the moment he put his soft hands on my cheeks. Parang tumigil ang mundo at napako lang ang mga mata namin sa isa't isa. Ramdam na ramdam ko ang tibok ng puso ko na parang gustong kumawala sa dibdib ko.

"Hey Rain, you okay?" Those brown eyes and long eye lashes works perfectly in his face. Ngayon ko lang napansin na sobrang gwapo pala niya talaga like what our school mates always say.

"Hey" sabi niya muli at bahagyang inalog ang mukha ko. Bigla naman akong nagising sa katotohanan.

Napuno naman ng tawanan ng parents namin ang paligid. Kanina pa nila kami pinapanood at mukha natutuwa sila sa nakikita nila. Bigla namang nag-init ang pisngi ko at para bang gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko.

"A-ahh. Ok lang ako. Sige na you're forgiven na!" Sabay tanggal ko sa kamay niya na nasa pisngi ko. Tapos tumakbo ako paakyat sa kwarto ko.

7 years old. The first time my heart beats for an unknown reason.

My Casanova Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon