A/N : Dedicated sa Bestfriend ko. Hi Grant Adrian Villacater Fernandez ! Hahaha :D Enjoy reading ;))
His Voice
Ang torpe ko. Matagal ko nang gustong umamin sa kanya. Kay Brielle , sa Bestfriend ko. Mahal ko sya matagal na. Simula nung una ko siyang makita. Siya yung unang nag.approach sakin first year plang kame. Nung una nahihiya talaga ako sa kanya. Ang ganda niya kase. Kapag ngumingiti sya napapangiti din ako. Yung mga mata nya punong puno ng expression. Minsan kapag kasama ko sya gusto ko ng umamin pero dinadaga talaga ako. Pero ngayon napagdesisyunan ko na mag.confess sa kanya. It's now or never. Bahala na kung tanggapin nya ko o hindi.
Basketball game namin bukas. At gusto ko nandun sya. Bukas na rin ako aamin sa kanya. Masyado ng matagal yung tatlong taon na pagiging bestfriend ko sa kanya. Pagkatapos ng game namin kinuha yung mic tapos hinanap ko sya. Di ko sya makita kaya nagsalita na lang ako. Habang nagsasalita ako maraming naghihiyawan. Pero sya lang talaga ying gusto kong marinig. Gusto kong manggaling sa kanya na tanggap nya ako, na sana gusto niya rin ako. Napatingin ako dun sa babaeng tumayo, nagulat ako kase umiiyak sya. Teka bat umiiyak sya?! Napansin kong palabas na sya ng gym kaya tinawag ko sya.
"Brielle, san ka pupunta? Bakit ka umiiyak?" Tinignan nya ko sa mata, pain yung makikita mo sa kanya tapos nagsalita sya.
"Bat ka nandito? Ituloy mo na yung pagtatapat mo. Aalis lang ako masakit na e" teka masakit? Masakit ng alin? Masakit na ba yung paa nya? May nangyari ba sa kanya?
"Masakit na yung puso ko grant, masakit na" humagulgol sya ng iyak at akmang tatakbo na palabas pero niyakap ko sya.
"Paano ko itutuloy tong ginagawa ko kung yung dapat makarinig nito eh iiwan ako dito? Ikaw yun Brielle, ikaw yung gusto ko, ikaw yung mahal ko"
Halata mo yung gulat sa kanya. Pero mas nagulat ako sa sinabi niya.
"IKAW HAYUP KA. MAY PAIYAK IYAK PA KO DITO KASI AKALA KO MAY MAHAL KANG IBA ! NAKAKAINIS YANG KATORPEHAN MO. MATAGAL NA KITANG MAHAL BWISET KA!
Sa sobrang tuwa ko binuhat ko sya. Sobrang saya yung nararamdaman ko. Sana di na matapos to IM LUCKY IM INLOVE WITH MY BESTFRIEND.
IM LUCKY INDEED ♥