Bata pa lang kami gusto ko na sya. Bata pa lang kami iba na yung pagtingin ko sa kanya. San nga ba nag simula ang lahat?
" Tulala ka na naman Euna , mag 27 ka na next week. Anong plano mo? May asawa na kaming lahat na kaibigan mo pero hanggang ngayon sya pa din ba? Move on na girl." Sabi ng pakielamera kong kaibigan na si Shielle
" Oo na!! Ako na yung napag iiwanan kung maibabalik ko lang sana ang panahon sana pala umamin na ako sa kanya . Ang dami kong pagsisisi, dapat pala umamin ako sa kanya edi sana kaming dalawa na.Edi sana hindi sya nasasaktan." sabi ko habang humahagulhol sa harap nya.
Matagal na panahon na din pero masakit pa din, na may Mahal syang iba at hindi ako yun. Sana ako na lang. Kung pwede lang talagang humiling.Gagawin ko para kaming dalawa na lang ang gumawa ng sarili naming pamilya.
"Euna, hiwalay naman na sila . Susuportahan ka namin." Sabi nya pa.
Nginitian ko na lang sya at inayos ko ang gamit ko para makaalis na.
"Euna kailangan mo nang mag move on 20 years na Diba? Kailan man di ka nya maguguatuhan kaya tama na." Sabi ko sa sarili ko.
Sumakay na ako sa sasakyan ko ng may mapansin akong isang libro.
Hala ano toh? Wala naman akong binibili na gantong libro ah?
Biglang may nakakasilaw na liwanag ang pumalibot sa libro. And everything went black.