Binabati kita!
Oo, ikaw na bumabasa nitong gawa kong kwento, malamang isa ka rin sa mga taong matalino pero hopeless romantic.
Hindi mo dapat ito basahin kung makitid ka mag-isip, sapagkat ang mga ideyang naririto ay hindi para ipakita ang awa sa mga taong may ganitong klaseng problema.
Isa itong sulatin para sa mga tulad natin upang bigyan kayo ng kaalaman kung ano ang mga dapat gawin sa tuwing papasukin natin ang pag-ibig.
Mabigyan kayo ng katuruan sa buhay pag-ibig at kung paano niyo maiiwasan ang umibig sa maling oras o panahon, sa taong hindi naman tayo gusto, o sa taong nagpapanggap na gusto nila tayo.
Para ito sa mga taong may problema sa buhay, sa pamilya, sa kaibigan, at sa pakikitungo sa kapwa.
Para ito sa mga taong humihiling ng isang tao na makapiling nila at maging pahinga sa sandaling ang tadhana'y subukin na pagurin at sirain siya.
Para ito sa mga taong nagkikimkim ng pagdaramdam dahil sa inggit na nararamdaman nila patungkol sa buhay pag-ibig.
Para ito sa mga taong ilang beses nang sumubok, pinatunayan, nagpakita ng pagaalaga at pagmamahal, at nagbigay ng interes, lalo na kung ito ay sumobra.
Para ito sa mga taong tinutuon ang sarili sa akademiko sa maling pamamaraan, lalo na kung sawi ito sa pag-ibig.
Para ito sa mga taong matatalino pero hopeless romantic.
YOU ARE READING
Mga Letra Para Sa Matatalinong Hopeless Romantic
RandomMinsan hindi ka ba nagtaka na sa galing na meron ka sa akademiya ay mahina ka sa pag-ibig? Hayaan mo, sa mga kataga at letrang maisusulat ko rito ay malalaman mo kung bakit. Mangulila pero gagawa!