My Bestfriend

16 1 0
                                    

My Bestfriend [ONESHOT].

This is a work of fiction. Names, Characters, Businesses, Places, Events and Incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Written by: P R I N S E S A N G D E R P

A L L R I G H T S R E S E R V E D 2 0 1 5 ©

Start: May 13 2015

End: May 13 2015

X PLAGIARISM IS A CRIME X

WARNING: SI MIKAELA AY AKO, ANG MGA SASABIHIN NYA TUNGKOL SA KANYANG MGA KAIBIGAN AY MGA KABIGAN KO RIN, PARANG ITONG STORYA NA MAG-E-EXPRESS SAAKIN.

PARANG KWENTO NG BUHAY KO. WELL, EXCEPT DUN RIN SA 'HINDI KO NAGAWA' THINGY. LAHAT NG KAIBIGAN THINGY, AY TOTOO. DAHIL AKO MISMO ANG NAKARANAS NG MGA GANUNG BAGAY.

YUNG BANDANG ENDING, AT YUNG PAGIGING INLOVE NI MIKAELA KAY MIKEL AY IMAHINASYON KO LANG. HINDI YUN NANGYARI SAKIN DAHIL HINDI PA AKO NAIINLAB SA BESTFRIEND KO. THANK YOU FOR UNDERSTANDING!

***

Mikaela's PoV

"Uyyy! Anong problema mo?", tanong ko kay Mikel. Kanina pa kasi sya nakatulala sakin, "ah eh, ha?", Anu ba namang klaseng sagot yun?

"Nevermind mo nalang yun Mika! Tara puntang Park!", hinila nya ako palabas ng bahay, "Uy, saglit lang naman! Di pa ako nakakapag-paalam kay Mama! Lagot ako dun!", muhka tuloy kaming nagtu-tug of war dahil hinihila ko na rin sya paloob ulit ng bahay.

"Ite-text nalang natin Mama mo.", tapos hinila nanaman nya ako palabas, "Eh kung di ka ba naman shunga! Wala naman tayong dalang Cellphone. Putspa!", ang tungeks naman nito ni Bespren! Ite-text daw wala namang dalang Cellphone! Napa-Facepalm tuloy ako.

"Tara naaa! May payphone naman ata dun sa Park.", Muntik na akong mpa-kanta ng Payphone ng Maroon 5 at ayun, tuluyan na akong nahila palabas! Sumakay kami ng Taxi dahil medyo malayo yung Park dito sa Subdivision namin. Gastos nanaman tuloy!

Ah eh, Hello sa inyong Mind Readers! Ako si Mikaela Shani Lucillo. Yung kausap ko naman kaninang Lalaki ay si Mikel Francisco. At... bestfriends kami. Pero Sadlife kasi Inlove ako sakanya, eh sya naman inlove din. Pero kaklase nya daw.

Well, nagising nalang kasi ako ng mahal ko na sya pero hindi ko alam kung sasabihin ko ba. Nag-aalinlangan kasi ako pag umamin ako. Isusugal ko pa yung pagkakaibigan namin para lang dun sa pagmamahal ko sakanya.

It's a One-Sided Love, i know..

At ayoko nang maulit ang nangyari dati...

Minsan nalang ako magka-roon ng kaibigan dahil gusto kong sila yung makakasama ko hanggang huli. Sila yung po-protekta sakin pag nasa panganib ako, Mga tutulong sakin para bumangon.

Mga taong hindi ka iiwan sa Ere, Hindi yung tipong papansinin ka lang kapag may kailangan sya sayo. Mga kaibigan na makakapag-bigay sayo ng Kilig, Lungkot at Saya. Mga magiging kasama mo sa bawat Pagsubok na haharapin mo.

Kaya naman kokonti lang ang mga binigyan ko ng Respeto. Kadalasan kasi ng mga tao ngayon, Plastik na. PERO...Alam ko namang may dahilan ang pagiging ganun ng ugali nila. Kaya naman, nag-iingat ako sa nga kinakaibigan ko.

Well..

Hindi naman sa mapili ako sa mga kakaibiganin ko. Hinanap ko lang yung mga Totoo.

At kapag hindi malamig ang pakikitungo ko sayo, ay ibig sabihin nun ay tinuturing na kitang isa sa mga Kaibigang Pinahahalagahan ko.

My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon