Chapter 6:

3 0 0
                                    

Ivy's POV

No choice. Sinabi ko ang lahat kay Couz. Wala kasi akong masabihan ehh. Medyo gumaan ang nararamdaman ko.

"So couz you mean inlove ka sa Calex na to pero nagpanggap ka? Tsk. Ano ba yang pumasok sa utak mo??"

Medyo inis na sabi ni Erica.

Hindi na lang ako kumibo. Alam kong kasalanan ko ehh.

"Talk to him couz. Yan lang ang solusyon. If mahal ka talaga niya, matatanggap ka niya."

At umalis na si couz. Naiwan naman ako na napaisip sa huli niyang sinabi.

Sasabihin ko? Na nagsinungaling ako?

What if kamuhian niya ako?? Urgh!

**

3rd person's POV

Nang makalabas si Erica sa kwarto ng pinsan ay agad itong pumasok sa sariling kuwarto.

Agad hinanap ng dalaga ang cellphone at nang matagpuan ay agad nagdial ng number.

Hinintay niyang sagutin ito at medyo nababadtrip na dahil ang tagal sagutin.

Nakasampung ring pa bago sagutin iyon.

"Hello Erica? Bakit?"

Sagot ng lalaki sa kabilang linya. Hindi agad ito nasagot ng lalaki dahil bukod sa gabi na ay may nangyari pa sa tinutuluyan niya. Napaaway siya sa bisita ng ate niya na binastos ito.

"Ano ba Calex bakit ang tagal mo sagutin ha?!"

Inis na tanong ng dalaga rito.

"Pasensya na may nangyari lang. O ano ba yung importante mong sasabihin at bakit hindi pwedeng ipagpabukas?"

Medyo inis ding tanong ng binata dito.

"May itetext akong number sayo. Alam kong kailangan niyong mag usap. Ayusin niyo ito at sana ay magkaayos kayo."

Muling sabi ng dalaga at binaba ang tawag.

Tila nahiwagaan ang binata sa sinabi ng dalaga at maya maya nga ay may natanggap itong mensahe mula sa dalagang kausap nito kanina. Si Erica. Ang babaeng minahal niya noon ngunit ngayon ay kaibigan na lamang ang turing nila sa isa't isa.

Ngayon nga kasi ay may kasintahan na itong binata ngunit naguguluhan siya dahil binlock siya nito sa facebook at mukhang nagpalit ng number na.

Walang maisip na dahilan ang binata sa ginawa ng kaniyang kasintahan.

Nang naisip niyang itext ang number na binigay sa kaniya ng kaibigan.

To: 0905*******
Uhm. Hi?

Sent!

*****

Erica's POV

Makatapos kong makausap si Calex ay agad kong tinext sa kaniya ang bagong number ni Ivy.

Oo naging kami ni Calex dati pero may nangyari kaya kami naghiwalay. Pero hindi naman yun importante.

Ang mahalaga, sana magkaayos sila ni Couz.

*******

Nagiging seryoso ang takbo ng kwento. Hahaha. XD

Ayun. Ex way zi pala ni Erica si Calex. Ano kayang mangyayari next? XD

-ayemprincessdreamer

Her True IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon