-Bestfriends?-

51 2 0
                                    

Faye's POV

So far eh maayos naman ang 1st few days of school ko. Except lang sa palageng pambibwisit ni Jayden. Lage nalang sya nakabuntot kung san ako pumunta. Tulad ngayon.

"Faye trip mo talagang tambayan 'to no?" ang kulit talaga. Andito kasi ako ngayon sa study park. 

"Syempre. Peaceful kaya dito. Walang magulo kundi ikaw lang. Dun kana nga sa tambayan mo." Nalaman ko kasi na hilig nyang tambayan yung Lover's park. Mlanding lalaki talaga 'to.

"Dito nalang ako. Mas maganda pala dito. hahaha"

"Faye pinabibigay ni Bryan oh, napadaan ako sa room eh," sabay abot sakin ni almafe ng cookies. 

"Wow, penge" si Jayden na naman.

"Gusto mo? Bili ka :P" hahah.. favorite ko kaya 'to.

"Damot naman nito. hmfp. Binigay lang naman sayo yun ah"

"Yun na nga eh. Binigay sakin. I repeat. SAKIN.Capital letter  S-A-K-I-N."

"hahaha.. eto fudge bar. Yan nalang sayo. Kay Faye naman kasi yun eh.hahah."

Oo nga pala. Lage na kami magkasama ni Almafe. We're treating each other as bestfriend na naman eh. Panira lang 'to si Jayden eh. Feeling close samin.

"Wait lang ah, bili lang ako ng juice." Hilig talaga nito ni almafe sa canteen. Siguro may sinusulyapan 'to dun.hahaha.

"Ui Fayetot, bat ba ang sunget mo?" biglang tanong ni Jayden.

"Maka-Fayetot naman, close tayo?" feeling close talaga eh. hmfp. 

Bigla syang umusog papalapit sakin. Siguro 5 Inch nalang pagitan namin.

"Oh ayan close na tayo. (^_^)" Sapakin ko kaya 'tong mokong na 'to.

"Sapak with tadyak you want?" 

"Eto naman, di na mabiro. Eh kasi bat ba ayaw mo ako maging friend? Mabait naman ako ah. Dagdag mo pa na gwapo ako"

Di rin sya mayabang 'no. 

"Basta ayoko."  Ewan ko ba pero ayoko talaga sya maging friend. Sa totoo lang, Most of my friends pa nga eh mga lalaki eh. Dun nga dati sa school, bestfriend ko lalaki eh. Si Ryan. Kaso galit ata sakin yun kasi hindi ako nakapagpaalam sa kanya. Biglaan kasi yung pagtatransfer ko dito. Nagulat nalang ako nung umuwi sina mama ang sabi dito na nga daw kami sa manila mag aaral. eh sakto vacation na yon kaya di nako nakapagpaalam sa kanya. hindi rin ako makapagcommunicate sa kanya kasi bawal pa sakin cp eh. Mabibigyan pa daw ako after graduation. 

Musta naman yun diba? kelangan mamaintain ko daw yung grades ko. HELLO!!!!!! Namaintain ko naman ah. Akala ko nung nag top ako sa klase nung 3rd year bibigyan nako, pumunta kasi kami nun sa mall after recognition. Walanjo! binilhan lang ako ng damit tas binigyan ng pera. tss. Nanay ko talaga.  -______-

"Bakit nga muna kasi?"

"Ang kulit. Ou na payag nako na friends tayo." Bahala na nga. Ang kulit eh.

"Gusto ko bestfriend"

"Demanding? Gusto talaga bestfriend?" 

"Eh si Alma nga bestfriend mo na eh. Dapat ako din" sabay pout. naku naman talaga.

"Oo na, manahimik ka lang. Pero ayoko sa lahat yung makulit ah. Wag ka istorbo pag nag-aaral ako ok?" Hay nako, hayaan na nga lang natin sya.

"Sure ka? Di ka lang napipilitan?" paninigurado nito.

"Ayaw mo ata eh? Cge wag nalang"

" 'to naman, nagtatanung lang eh."

"tss...oh sya, tsupi na... mag aaral pa ko" at tinaboy ko na sya. di peaceful pagkasama ko yung kulugo na yon eh. 

"sige, bye bestfriend ^___^"

The next morning....

"Guys, bestfriend ko nga pala, si faye" pakilala niya sakin sa mga kagrupo nya.

"Si Miss Sunget napaamo mo? Whoa!" makareact naman 'to si Marwin wagas! 

"Bestfriend ba talaga, pre?" si Roi.

Kasama na pala nila sa grupo si Roi. Akala ko nung una tahimik lang 'tong lalaking 'to. Ubod din pala ng kulit. Hay nako, nagsama sama ang mga makukulit.

"Syempre naman. Walang talo talo ano ba kayo, diba bestfriend?" sabay akbay sakin. Mabilis ko namang tinanggal yung kamay nya.

"That's right! Di kita type no! tsaka pwede ba, hini porke bestfriend na tayo eh kung makaakbay ka wagas?" reklamo ko.

Bwisit 'tong unggoy na 'to. Kala mo naman napakapangit ko kung makapagsabi ng walang talo talo. Hmfp!! Excuse me huh! Kahit papano alam ko sa sarili kong maganda ako. -____-

"Oh Bryan, may pag asa ka parin naman eh. Bestfriend lang sila ni Faye" narinig kong sabi ni Jc. Talaga 'tong mga 'to walang magawa.

"Hoy Bryan, dahil bestfriend na ako ni Faye ngayon sakin ka muna dadaan" mayabang na sabi ni Jayden.

0__0  Ano daw?

"Hoy Jayden manahimik ka nga dyan. Gusto mo ng sapak with matching tadyak?

"heheh.. Sorry "

At the end napagdesisyunan namin na imerge nalang yung grupo nila Jayden at grupo namin nina Alma. Para daw mas masaya. Sabagay, ngayon lang din naman ako magkakaron ng tinatawag na barkada. Dati kasi nung 3rd year ako bahay school lang ang routine ko. Lalabas lang ako ng bahay kapag may project kami. Sapilitan pa yon. Kasi ang lagi kong ginagawa ako nalang yung gagawa nung project namin para di nako lumabas pa ng bahay. Kaya naman walang problema sakin sina mama dahil alam nila na gud girl ako. Di rin ako umiinom. Ayoko talaga sa amoy ng alak. Swear! Amoy palang nasusuka na ako.

Lucky To have youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon