Incomplete

18.9K 649 144
                                    

Allen's POV

3 years ago.

Hawak ko hawak siya sa mga braso ko at wala ng buhay, walang tigil ako sa kakaiyak at kakasigaw ng pangalan niya. Niyakap ko siya ng mahigpit at hindi ko matanggap ang pagkawala niya.

Pero nagulat ko ng maramdaman kong bigla siyang huminga.

"Jessy--buhay ka --buhay ka Jessy" sabi ko habang nakatingin sa kanya at umiiyak ako sa sobrang saya.

Di nag tagal may dumating na ambulance at sinakay siya sa stretcher tapos dinala sa hospital. Nagdatingan sina Lola Isabelle, Tita Tanya, Bam, Katie, Steph, Macoy at Alexis. Lumapit sila sa akin ng nag-aalala at umiiyak.

"Apo ano nangyari" umiyak na sabi ni Lola pero wala akong naisagot kundi luha.

"Sir dadalhin na po namin kayo sa hospital" sabi sa akin nung nurse.

Pero di ko siya pinansin at ika-ika akong naglakad papunta doon sa nasunog na sinasakyan nila Kristoff, maraming taong nakatingin at bomberong nag-aapula ng apoy.

Nakatingin lang ako doon at sige lang sa pagtulo ang luha ko. Ilang sandali nakaramdam ako ng pagkahilo, napaluhod ako tapos natumba at nawalan ng malay.

"Allen !"

Jessy's POV

Naglalakad ako sa isang mall, kasama ko si Brix pero nagpaalam muna ako sa kanya na mag-iikot-iikot lang muna.

Nasa isang store ako doon at tumitingin ng mga naka display na damit nang biglang may tumawag sa akin.

"Jessy !" pagtingin ko, isang babae ang tumawag sa akin na nandoon din sa mismong store na iyon.

Tinignan ko lang siya, di ko naman siya kilala kaya bumalik sa pagtingin ng mga damit.

"Hey Jessy !" sabi niya kaya tinignan ko siya at nakita kong papalapit na siya sa akin.

"Are you talking to me ?" I asked.

Nagulat ako ng bigla siyang tumawa.

"Ano kaba three years lang di mo na ako nakilala ? Di naman grabe yung ikinaganda ko no" sabi niya habang natatawa.

"Sorry pero hindi kita talaga kilala" seryosong sagot ko.

"Duh ! I'm Steph haller ? Tsaka anong drama yan bakit ganyan ang suot ko at nagpa straight ka na?" sabi niya sa akin.

Tinignan ko siya at inisip ng mabuti kung talagang kilala ko ba talaga siya pero hindi talaga. Tsaka bakit ganito, kung kausapin niya ako akala mo kilala niya talaga ako.

"Sorry miss pero nagkakamali ka ata" I said.

"Jessy what the ?" sabi niya na tila di makapaniwala.

Isa pa sa pinatataka ko bakit kilala niya ako. Ibinalik ko ang damit na hawak ko at umalis sa harapan niya.

Naglalakad na ako palabas pero nakita kong nakatingin parin siya sa akin. Ang weird niya sobra.

Nang makalayo ako ng konti nakita ko si Brix.

"Jes, saan ka galing ? Kanina pa kita hinahanap" sabi niya nang salubungin niya ako.

"Dyan lang, tumitingin-tingin lang" sagot ko tapos inakbayan niya ako at umalis na kaming dalawa.

Nung nasa sasakyan na kami at paalis na tinignan ko si Brix at tinanong.

"Brix may nakita akong babae kanina, kinausap niya ako at alam niya ang pangalan ko" sabi ko.

"H-ha sino ?" tanong niya.

"Steph daw ang name niya, kilala mo ba siya ?" tanong ko at tila napahinto si Brix.

The Guy Inside Of My Bed (The Monster Inside Of My Bed Part II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon