"Alam niyo ang pagbangon sa umaga na may pasok parang pagmu-move on lang yan." Kunot noong napatingin kami sa prof namin. "Mahirap pero kailangan."Seriously?! Ang tanda na humuhugot pa. Napatawa naman yung mga iba kong blockmates. Tiningnan niya ulit si Myko na mukhang antok na antok. Napagalitan kasi siya dahil natutulog sa klase. Eh sino ba namang hindi aantukin? Ang aga ng pasok plus ang boring subject. Business terms na may kasamang history about dun, boring right?!!
"At dahil natulog si Mr. Aranza which is you all know that i hate while I'm lecturing, magpapaquiz ako. Get 1/2 yellowpaper." Masungit na sabi nito tsaka humarap sa blackboard para magsulat.
We groaned. Ni hindi pa nga siya natatapos sa paglelecture eh. Gahd! Some of my blockmates including Amethyst, throw daggers to Myko. He just mouthed sorry.
Pagkatapos magsulat ay humarap na ulit siya sa amin. "Dont worry class, this is just easy." Again, i rolled my eyes. Of course it would be easy, siya ang gumawa ng quiz eh. "Okay, #1 what is..." Blahblahblah hindi ko na siya masyadong pinakinggan. Basta may keyword akong alam sa tanong niya then isusulat ko na agad yung sagot.
Hanggang sa hindi ko namalayan na tapos na pala ang karumaldumal na quiz which is 25 items. "Pass your papers and copy the assignments on the board." What?! Kakatapos lang ng quiz, may assignments pa? Geez. This is torture. Yung mga itsura ng blockmates ko parang nag aantay lang ng go signal at susugudin na yung prof namin.
"This is torture." Bulong ni Amethyst habang nagsusulat. I know bestfriend, i know.
"Wag na wag kayong papasok sa klase ko na walang assignments." Ano kami highschool student?! "Yun lang. Have a good day, class dismissed." Nginitian niya muna kami bago siya lumabas.
How can we have a good day if he already ruined it? Tsk. Lumabas na din kami. 6th floor pa kasi yung room namin and magii-stairs lang kami. On going na kasi yung paggawa ng elevator. Ewan ko ba sa may ari at ngayon lang naisipan. Mabuti na lang din at magaling na yung paa ko, wala nang bandage.
Wala pa naman yung prof namin kaya naisipan kong mag cr.
Kinalabit ko si Amethyst. "Punta tayo sa cr." Yaya ko sakanya.
"Ikaw nalang. Malaki ka na, kaya mo na yan." Sabi niya ng di nakatingin sa akin dahil busy siya sa phone niya.
"Whatever." I mumbled. Kinuha ko lang yung pouch ko at pumunta na sa cr.
"I heard, magta-transfer daw dito si A Reyes." -Girl 1
"A Reyes? Taga Westridge yun right?" -Girl 2
"Yeah, yung cheerleader dun." -Girl 1
"Bakit daw?" -Girl 2
"Ewan ko, narinig ko lang naman." -Girl 1
"Eto naman makikinig na lang hindi pa inalam kung bakit lilipat dito." -Girl 2
"Edi ikaw ang magtanong. Gagang to inutusan pa ko." -Girl 1
"Whatever. Tse! Akin na nga yung lipstick ko. Wag ka ng hihiram." -Girl 2Sinara ko lang yung compact powder ko at lumabas na din agad sa cr. Baka mamaya mag away pa yung dalawang babae madamay pa ko. Kung bakit ba naman kasi pinoproblema ang paglipat ng taga westridge dito. Hayy! Isasara ko na sana yung pouch ko ng mabangga ako nung babae na pababa ng hagdan.
"Watch were you're going." Singhal nito sa akin.
Aba, siya pa tong galit. Pinulot ko lang yung pouch ko at tiningan siya. "Ikaw na tong nakabunggo sa akin, ikaw pa ang may ganang magalit."
"Its your fault. Hindi ka tumitingin sa dinaraanan mo." Naiinis niyang sabi sa akin tapos tiningnan yung paa niya. "Oh gosh, kakapa-pedicure ko lang. Look at what you did."
BINABASA MO ANG
Falling for a Playboy (ON HOLD)
RandomPaige Kelsie Vera are surrounded by boys, Playboys to be exact. Mula sa kuya niya hanggang sa mga pinsan niya. Madadagdagan pa ang listahan ng mga kilala niyang PB (playboy) ng pumasok ulit siya pagkatapos ng kanilang summer vacation. Okay lang nama...