Repridyireytor

0 0 0
                                    


"Repridyireytor"


Written by: NightInVioletArmor



Naglalaro kaming magkakapatid ngayon ng tagu taguan at syempre ako ang maghahanap sa kanilang dalawa "9.....10! Nandiyan na ako!" Sigaw ko 

Hinanap ko sila sa kwarto, sa banyo, at sa ilalim ng hagdan pero wala sila, napansin ko ang bahagyang paggalaw sa likod ng kurtina kaya dahan dahan akong lumapit doon at hinawi iyon "Boom! Kuya hahaha" Napasimangot si kuya kaya lalo ako natawa, kuwawa naman. 


Ngayon naman ang bunso naming kapatid ang huling nagtatago, napangisi ako "Bunso! Ikaw na next! HAHAHA!" Kaya hinanap na namin siya sa buong bahay kahit sa mga lugar na pwede niyang pagtaguan at kung saan siya pwedeng magkasya pero



Wala siya. 



Hinanap namin siya sa lahat ng sulok ng bahay, kahit sa labas pero wala, sinigaw na rin naming ang pangalan niya at sinabing ayaw na namin at siya na ang panalo pero wala talagang sumasagot. Tinanaong namin ang mga kapit bahay namin at sa mga kalaro niya kung napansin nila siya o nakita man lang ang kanyang anino pero wala talaga eh

Pabagsak kaming naupo ni kuya sa upuan sa may lamesa at napabuntong hininga "Paano na yan kuya? Kinakabahan ako at baka kung ano ang mangyari sa kanya" Mahigpit kong hinawakan ang palad kong nilalamig, ang bilis din ng tibok ng puso ko at konti nalang di ko na makokotrol ang sarili ko sa pagka panik 


"Relax sis, wag kang mag aalala mahahanap rin natin siya at saka baka kusa rin yun umuwi dahil sa gutom alam mo naming isang yun gutumin" Alam kong pinapagaan niya lang ang loob ko sa pamamagitan ng biro na yun kahit siya rin naman ay nagpapanik din. "Kukuha ako ng malamig na tubig para huminahon ka" Kumuha siya ng isang baso at binuksan ang ref


"AAAAAHHHHHHH" Nagulat nalang ako sa kanyang pagsigaw at sa pagkabasag ng baso 


"Kuya, bakit?!" tinuro niya ang ref habang namumutla na siya na parang nakakita ng multo. Sinilip ko ang tinuturo ni kuya at nanlaki ang mata ko sa aking Nakita



Ang malamig na katawan ni bunso sa loob ng repridyireytor.

Mindful AthenaeumWhere stories live. Discover now