Chapter 18: Sketch Me

18.6K 529 257
                                    

Chapter 18: Sketch Me

"Nasan si Ma'am Eli?"

"She's with Sir Victor, she will talk to you later,"

Nag-alala ako sa sinabi niya at kinabahan at the same time dahil baka pagalitan niya ako at tuluyan na wag ako paaralin. Naku! Hindi ko talaga alam ang gagawin!

"Galit ba siya?" Nagdalawang isip pa ako sa sinabi.

Imbes na sagotin ako ay hinawakan niya ang gilid ng panga ko at maingat na hinimas ang labi ko. Medyo makirot pero hindi ko pinahalata ang sakit. She looked at me with her hazel brown eyes.

"She's worrying instead of that," then she sigh, and suddenly laugh.

Kumunot ang noo ko.

"Anong nakakatawa?"

She shook her head and stop from laughing.

"Nothing…I just realized that Mavy got the worst bruise than yours." She said and tapped my head like I'm her pet."That's my girl.." malambing niyang sabi.

Mahina ko tinabig ang kamay niya sakin at tumingin tingin sa paligid sinigurado walang tao malapit samin. Laking pasasalamat ko dahil uwian na at walang masyadong studyante dito sa pwesto namin.

"Parang proud ka pa a!never ko na uulitin yun. Ayaw ko na manakit.."

"How sure you are?" Her brows furrowed.

"Seryuso nga, hindi ko na yun gagawin. Hindi na ako mananakit."

"Di mo sure," madiin na pag tatagalog niya.

Ngayon ako naman ang kumunot ang noo.

"Bakit? Nahuhulaan mo ba buhay ko?"

She watched my eyes like she was examining it.

"I think I can. The truth is you can still hurt someone and you can't avoid it Skye. You don't know it..until it comes."


Mahina ko siya pinisil sa tagiliran na ikina galaw niya ng mahina.

"Huh?! Pinagsasabi mo?"


"I'm saying that you will hurt me someday.." she said as her voice became soft, she smile at me.


Natahimik ako sa sinabi niya. Tinignan ko lang siya sa mga mata niya. Hindi tinatanggap ang sinabi niya.

"Walang masasaktan pag walang mananakit, Maurice. And I will never do that to you." I said as I secretly hold our hand down there.

Ayos lang na saktan niya ako mentally pero hindi ko kaya ang saktan siya pabalik. Kaya ko pa tiisin ang sakit na ipaparamdam niya sakin pero ang saktan siya hindi ko kaya.

BINAGSAK ko ang katawan ko sa malambot na kama. Kakarating lang namin galing sa school at dumiretso na ako dito sa kwarto ko para mag pahinga. Habang pauwi kami mabuti hindi ako pinagalitan ni Ma'am Eli. Imbes na galit pag-aalala ang pinakita niya.

Hinawakan ko ang labi ko ngayon may bandage na. Bago kami umuwi dumiretso muna kami sa hospital para lang ipagamot tong' sugat ko sa labi at ibang pasa sa katawan. Ang shala. Gusto ko man tumangi pero alam ko hindi sila papayag.

Mas nag alala pa ako kay Victoria kaysa sa sarili ko dahil mas marami ang natamo niyang pasa kaysa sakin. Katulad ko nagpa hospital rin si Victoria kasama ang kapatid at ama niya. Pareho kaming mukhang punching bag habang ginagamot sa hospital. Bff goals ika nga niya.

Taming The Wild (Del Galiego Series#1 || UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon