Everything I Didn't Say

599 31 4
                                    

Napabuntong hininga ako habang pinagmamasdan siyang palabas ng building nila.

Hanggang dito na lang ako. Hanggang sa malayo na lang talaga.

Her lips are smiling. But her eyes... I don't know if it's sad or empty.

And it's all because of me.

Because I let go. Bumitiw ako.

And I want to see her happy. Kahit hindi sa akin. Basta maibalik ko lang yung saya niya. Ang sakit kasi para sa akin na tinanggalan ko ng kasiyahan yung babaeng mahal ko.

Kahit pa gaano ko gustong ibalik ang oras. Yung tipong, pipikit lang ako, yakap- yakap ko na ulit siya.

Sinundan ko ng tingin ang mga galaw niya. Kasama niya ang ilan niyang mga kaibigan. Lunch time na.

Napansin ko, bukod sa namayat siya, nawala yung glow sa mukha niya. Yung mata niya, hindi na sumisingkit kapag tumatawa tulad ng dati.

Napahawak ako sa dibdib ko.

I want to see that smile again.

Sinundan ko sila hanggang sa makarating sa canteen at naupo. Tumayo ang dalawa niyang kaibigan para umorder.

Mukha akong tanga na nakasilip lang dito sa bintana at nagmamasid.

Nakabalik na sa table nila yung dalawa niyang kaibigan pero hindi pa rin siya kumukuha ng pagkain niya.

Hindi siya kakain? Hindi siya kumakain?

Huminga ako ng malalim. Ayoko siyang nagkakaganito. Hindi ko kayang nagkakaganito siya.

Luminga- linga ako sa paligid. May nakita akong isang lalaking matangkad, may itsura, at mukhang disente. Hindi yung tipong tulad ko na nang-iiwan ng basta- basta.

Ibinalik ko ang tingin ko sa babaeng pinakamamahal ko at nakita ko siyang sumisilip sa phone niya.

Parang kinurot ang puso ko. Siguro naghihintay siya ng text o tawag ko na hindi kailanman dadating.

Sorry, love.

Tumingin ulit ako dun sa lalaki na ngayon ay bumibili na ng kanyang pagkain. Lumapit ako sa kanya. Alam kong hindi ako makikita ni Angel kahit dumaan ako.

Nang nasa harap ko na ang lalaki, binulungan ko siya.

"Tol, bigyan mo naman ng pagkain si Angel Soriano sa table 6. Maganda yun, tol."

Pagkatapos kong sabihin yon ay luminga- linga yung lalaki sa canteen at nang makita si Angel na nakapangalumbaba, nag-iba ang timpla ng mukha niya.

Nakita ko tuloy yung sarili ko nung una kong makita si Angel. Ganyang ganyan. Love at first sight.

Nang ready na ang order niya ay naglakad siya dala- dala ang pagkain papunta sa table nina Angel.

At ang mahal ko naman, walang kamalay- malay sa paparating.

"Hi, miss. Pwede maki-join?" tanong nung lalaki, dahilan para magtinginan sa kanya ang mga kaibigan ni Angel.

Si Angel naman ay blanko ang mukhang nakatingin rin sa lalaki.

"Kuya, ang daming bakanteng table o." sabi nung mataray na kaibigan ni Angel.

Mukhang natigilan yung lalaki. "Uhm.. Gusto ko sana kausapin si Angel."

It's Angel's turn para maguluhan.

In the end, pinaupo na rin nila yung lalaki sa table nila at nakipagkilala.

"I'm Oliver, by the way." Sabi nung lalaki. "You can call me Ollie."

Natigilan ang lahat ng nasa table. Pati ako.

Sht. Kapangalan ko pa.

Nung mga sumunod na araw, parang ilang pa si Angel kay.. err, Oliver. Palagi ko kasi silang sinusundan. So far, ayos naman tong si Ollie.

Nang tumagal, naging mas komportable na si Angel kay Oliver. May isang beses pa nga na nasilayan ko ang tunay niyang ngiti.

Masakit man sakin na makita siyang sumaya sa piling ng iba. Pero, wala na akong magagawa. Hindi ko na siya mababalikan.

Hanggang panaginip na lang ako.

But maybe, in another life. Baka kami naman. Baka pagbigyan din kami ng Diyos.

Ganun ang naging gawain ko hanggang sa dumating ang oras na pinakahihintay ko. Taon ang lumipas at I could finally see her wear that white dress. Her wedding dress.

Naging tama ang desisyon kong si Ollie ang pakiusapan na samahan si Angel panghabang buhay. Wala ni isang saglit na nakita kong naging malungkot si Angel kay Ollie.

Habang naglalakad si Angel papuntang altar, iniisip ko na ako yung groom. Ako dapat yung groom.

Lumagpas na siya sakin at naglakad patungo kay Oliver kung saan ibinigay ni tito, daddy niya, ang kamay niya sa lalaking magmamahal sa kanya.

It was time to say their vows.

"Oliver Dela Cruz, my knight in shining armor, the man who saved me from falling into darkness, the man who showed me light when everything I have was gone. Thank you for coming to my life. Thank you for making me happy again.."

Naramdaman kong pumatak ang luha sa pisngi ko. Hindi ko na naintindihan ang mga sumunod niya sinabi dahil wala na akong narinig.

"Angel Soriano, my life, my angel. I am so grateful of that day sa canteen. Bumibili ako nun ng lunch. But then there was something na nagtulak sakin na bilhan ka din ng lunch. I don't know. Maybe it was him. You know who. And I also thank that guy. For choosing me. For choosing me not to take his place, but to share the responsibility of making you happy. I swear to God, hinding hindi kita iiwan. I hope you'll be happy spending the rest of your life with me. And I hope he's happy, too... In heaven..."

I am happy. I am at peace.

Because finally, those words are said. Those words I want to tell you. That I love you. That I want to make you happy. That you are my life. That you are my angel.

You were my angel, love. But this time, let me be your angel.

And that's everything I didn't say.

Everything I Didn't SayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon