BSS 4 : 12

491 7 0
                                    

"Wala naman kayong dapat ipaghingi nag patawad eh. Dapat ako pa nga yung mag sorry sa inyo"

Chapter 12 : Thank you

Nandito kami ngayon sa bahay nila Jhope.

Inaya ako ng kanyang ina na pumunta dahil birthday ng unica hija niya.

"Oh Lein,bat ka nandito? Nababagot ka na ba?" Si Ate Jeyw

"Ahhh. Kayo po pala. Hindi po,gusto ko lang magpahangin." 

"Masyado ka namang pormal. Magiging sister-in-law mo na ako" Tumawa naman siya ng napakalakas.

Parehong pareho silang dalawa ni Jhope.

Masayahin.

At close na close.

Kanina halos matumba na si Jhope sa sobrang yakap ng kanyang ate.

Paano kaya kung buhay pa si Kuya.

Siguro pareho rin kami ni Jhope ng sitwasyon.

Hay. Kung di talaga dahil sa akin.

"Uyy! Ang lalim naman ng iniisip mo.  Dyan ka na nga muna. Papasok lang ako,baka hinahanap na ako sa loob"


"Hehehe. Sige ate" Tumayo na ito at naglakad palayo sa akin.

Nag unat unat muna ako bago tumayo.

Ang ganda dito.

Puro berde ang makikita mo at makukulay na bulaklak.

"Ah. Omo!!" Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang gulat sa nakita ko

"Ano ka ba! Gusto mo ba akong patayin?" Inis na tanong ko sa kanya

"Hindi no. Hindi pa nga tayo kasal, biyudo na ako kaagad" Ani nito at ngumiti ng nakakaloko.

Parang Sira talaga.

"Heh!! Dyan ka na nga" Tinulak ko ito at nag lakad papasok ng bahay

"Ay ang sweet niyo namang dalawa doon sa labas. Ang cute cute niyong tignan" May lahi ba silang kabuti. Parang kahit saan nalang sila ay lumalabas.

I smiled at her as my reply and excuse my self.

--

"Lein, anak." Tumingin ako sa taong tumawag sa aking pangalan.

Nandito ako ngayon sa bahay na kinalakihan ko.

Bahay na tinuri kong tahanan.

Lugar na poprotekta sa akin.

"Lein, kamusta ka na?"

"Ayos ka lang ba?"

"Nagugutom ka ba?"

"Anong gusto mong kainin?"

"Naghanda pala ako ng paborito mo"

"Anak, wag kang....."

"Mama" Bigla siyang napatigil sa pagsasalita

"Mama I'm sorry" Nilapitan ko ito at niyakap

"Lein" Napabitaw ako sa pagkakayakap kay mana ng tinawag ako ni Papa

Nakita kong papalapit ito sa aking direksyon.

Dahan dahan naman akong umusog.

"Lein,anak. I'm sorry. Sana mapatawad mo si Papa" Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat

"Pa, wala naman kayong dapat ipaghingi nag patawad eh. Dapat ako pa nga yung mag sorry sa inyo"  Salaysay ko. Niyakap niya naman ako

"Hindi anak. Ako. Ako dapat." Hindi na ako kumuntra at niyakap ito pabalik. Sumali narin si Mama.

Salamat at nagkaayos na kami.

BSS 4 : I NEED U [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon