Chapter 2

316 4 0
                                    

Pagkatapos nilang mag pakasal. Tiningnan na agad nila ang bahay kung saan sila titira. Maganda pero luma na rin ang bahay. Gawa ito sa kahoy, ang sahig nito ay kahoy rin. Kasama nila ang may ari ng bahay na iyon na  si Mang Reynaldo o mas kilala sa tawag na Mag Rey.

“Ohh, eto nga pla yung bahay na titirahan niyo, Maganda ditto pero luma na nga lang ang mga gamit ditto pero nagagamit parin”   Sabi ni mang rey

“Oo nga maganda sya, konti punas at pag pag lang yan at lilinis na rin ito”   Sabi ni Diana

“Soo. Honey pwede na ba ito sa atin?”   Tanong ni Ryan

“Oo naman honey ko, maganda naman dito ehh”   Tugon naman ni Diana

“Mura lang naman ito, cge maiwan ko na kayo”   Singit ni Mang Ryan

“Cge po Ingat po kayo tatang”   Sabi ni Ryan

“Kung gusto nio ng tulong, nandyan lang ako sa kabilang bahay”

“Opo Mang Rey, tawagin na lang po naming kayo pag kailangan, salamat po ulit”

Iyon na nga ang binili nilang bahay. Antique ang mga gamit pero magaganda parin naman ang mga ito.  Ang bahay ay malapit sa bundok malamig ditto kasi medyo mataas ang kinatatayuan.

Mag gagabi na noon, umalis si Diana upang kahanin ang mga gamit nila sa Bayan. Bumaba Siya ng bundok at habang nasa biyahe sya ay biglang..

“Aaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhh!!!!!”    Sigaw nito

Nabunggo si Diana sa may puno, dahil nakita niya na parang may babaeng dumaan sa kalye at akala niyang nabunggo niya ito kaya kumaliwa sya at nabangga sa isang puno. Buti na lang naka seat belt sya at hindi naman sya nasugatan.

Agad bumaba ng sasakyan si Diana upang tingnan ang babaeng kanyang nabunggo. Pero pag baba niya ay wala man lamang isang bahid ng dugo ang kanyang nakita sa Daan kung hindi ang nakita lang niya ay isang Camera.Luma na ito pero nang kanyang pindutin ay nagana ito. Uwumi na ito at dinala ang Camerang nakita niya sa may Daan at hindi na lang pinaalam ang pangyayaring iyon.

Pagdating sa kanilang bahay ay nilinis niya ito para hindi mahalatang luma na at para hindi na mag tanong ang asawa niya kung anong nang yari at saan binili ang Camera.

(Isang Araw..)

“Honey, Picture tayo”   Sabi ni Ryan

“Sige Honey”

“Eton na... 1.. 2.. 3..... Yan good pose”

“Isa pa honey”   Sabi ni Diana

“Sige. 1... 2... 3... Click”      “Yan honey ang ganda”     Sabi ni Ryan

“Ayy honey gamitin mo un akin”

“Honey meron ka Camera?”   Tanung ni Ryan

“Ahh oo bigay ng boss ko. Matagal tagal na rin kasi akong nagtatrabaho dun ehh”

“Ahh nasaan? “

“Eto ohh honey ganda noh?”

“Wow honey ang ganda nito ahh! Iba na talaga un shop nio”

“Haha Hili ka nman honey ko, sya sya game na pose na ulit ako haha”

“Game na ulit  1... 2... 3...”  C l i c k  “Wow Honey ganda mo dito”   Sabi ni Ryan

“Isa pa Honey”   Sabi muli ni Ryan.

“Sige Honey ha ibang pose naman ako”  Sabi ni Diana.

“Eto na.. 1............ 2.............3...................   Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh

(Biglang nabitawan ang Camera)

“Honey anong nangyari sayo?”  Pag aalalang tanong ni Diana.

“Honey un mata ko”

“ Ano meron sa mata mo? “   Tanong muli nito

“Nakakasilaw un Liwanag sa Camera mo!”

“Ha? Bakit naman, ano meron sa Camera ko?”  Nag aalinlangang tanong ni DIana

“Baligtad ata Flash nian ehh “

“Hindi ahh. Baka nag loko lang”  Sabi ni Diana

“Meron nga, nag loloko yan”

“Ahh, sige try ko ipaayos”  Tugon ni Diana

“Tara na nga tulog na lang tayo”

“Mas maganda pa nga”

Kinabukasan Habang nasa trabaho si Diana at si Ryan naman ay nasa bahay lang. Naisipang tingnan ni Ryan ang Camera ni Diana para Makita ang mga kinunan niya kagabi. Habang binubuksan niya ang Camera ay parang may nag mamasid sa kanya, Lumingap si Ryan sa kanyang paligid pero wala naman nakatingin sa kanya. Nang mabuksan na niya ang camera, pinunta niya ito sa may Image gallery pag kakita niya sa Camera ay si Diana ang Nakita niya at pag kalipat niya ay biglang...

Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!”    Sigaw nito!

Nakita nya sa Camera ang isang babaeng nanglilisik ang mga mata at para bang papatayin sya, tumaas ang kanyang balahibo at biglang namatay ang mga ilaw.

Nang biglang nawala ang imahe ng babae sa camera ay bigla niya itong kunuha bilang gawing ilaw. Pag ka kuha niya  sa Camera ay Biglang lumakas ang ihip ng hangin, habang lumilingap ng tingin si Ryan ay may humawak ng kanyang balikat.

Agad niya itong hinampas at natumba naman ang humawak sa kanyang balikat. At bigla nalang may sumigaw

“Aray ang saket!”

“Sino ka?”   Tanong ni Ryan

“Tanga ka ba? Ako to si mang Rey”

“Ayy, Mang Rey, Pasensya na ha, hindi ko talaga sinasadya”

“Ano bang nag yayari sayo?”  Tanong ni mang rey

“ Nawalan kasi ng ilaw ehh, kaya natakot ako, lumakas pa ang Hangin, bakit kaya.”

“Baliw ka ba? Sa likod ako dumaan ehh, binuksan ko yung pinto  kaya lumakas ang hangin. Malapit kase tayo sa bundok. Kuha mo ba?”

“Pasensya na talaga mang rey, hindi ko talaga sinasadya, sorry po ulit”

“Ohh cge cge, sa susunod mag iingat ka na ha!, hindi un mang hahampas ka pa ng tao”

“Opo mang rey”

“Kukuha lang ako ng Kandila ahh.”

(Biglang nag kailaw)  

“Ano ba naman yang meralcong yan,  nag babayad naman tayo pero lagi tayong nawawalan ng kuryente. Bwiset lang.”

“Pabayaan na natin tatang, ang mahalaga meron na ilaw”

(Pagdating ni Diana)

“Hi Babe, Musa ang araw”   Sabi ni Diana

“ Ayos naman babe, ikaw musta sa trabaho?”

“Ayos naman babe, dami rin costumers”

“Kain na tayo babe?”   Tanong ni Ryan

“Sige Gutom na rin  ako ehh”   Tugon din naman ni Diana

“Alam mo, masarap ang ulam”

“Ehh talaga? Ano ulam natin?”

“Mechado ang ulam”

“Wow ang sarap naman, Si honey talaga nag abala pa.”

“Tara na Honey”  Sabi ni Diana

Sabihin kaya ni Ryan kay Diana ang nangyari sa kanya kanina? Tunghayan sa susunod na Kabanata?

Unbroken CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon