Prologue

4 1 0
                                    

Help

Nakatago at pasilip-silip ang batang babae sa batang lalaking tahimik na nakaupo habang nagbabasa ng libro. Tila ba ay iniinis-stalk nito ang batang lalaki. Habang busy ito sa palihim na pagsilip sa lalaki ay hindi niya namalayan na may salagubang na palang nakakapit sa kaniyang kamay. Medyo na istorbo ang batang babae dahil sa may gumagapang sa kaniyang braso at agad niya itong tinignan at takot na napatili ang batang babae sa kaniyang nakita.

" Ahhhhh " tili ng batang babae at halos mangiyak ito dahil sa salagubang na gumagapang sa kaniyang braso. Agad na napalingon ang batang lalaki at dali daling pinuntahan ang puwesto ng batang babae na kung saan doon siya nakatago.

" Miss, anong nangyare? " nag-aalalang tanong ng batang lalaki.

" M-may s-salagubang kase sa braso ko. " utal utal na sagot ng batang babae at halata sa boses nito na natatakot.

" Ha? saan ba? " mabilis na tanong ng batang lalaki.

" H-here oh. " sagot ng batang babae at pinakita ang salagubang na malayang gumagapang sa kaniyang braso. Agad na kinuha ng batang lalaki ang salagubang na gumagapang sa maliliit na braso ng batang babae.

" Thanks. " sabi nito at ngumiti.

" Ano ba kasing ginagawa mo diyan? Yan tuloy may kumapit na salagubang sa braso mo. " seryusong saad nito.

" A-ah ano kase may tinitignan lang ako, sige babye na. " kinakabahang sagot ng batang babae at agad na tumakbo patungo sa bahay nila.

Magkalapit lang ang bahay nila kaya palaging tinatanaw ni Shane ang batang lalaki na si Andrus. Bata palang ito ngunit halata ng may pagtingin ito sa batang lalaki. Pareho lang din sila ng paaralang pinapasukan at magkaklase din ang mga ito. Simple lamang na bata si Andrus at tumutulong din ito sa mga gawaing bahay, mistezo din ito at may chinitong mga mata at merong nakakaakit na mga dimples kaya hindi malabong marami rin ang humahanga sa batang ito. Isa din siya sa mga honor student sa kanilang klase kaya mas humahanga si Shane sa kaniya, hindi lang dahil sa gwapo ito ngunit matalino rin, ngunit ibang iba sila ng sitwasyon sa buhay, si Andrus ay simple lamang ngunit si Shane ay may marangyang buhay, spoiled din ito dahil siya lamang ang nag-iisang anak ng mga Chavez, maganda siya at matalino ngunit mas matalino sa kaniya si Andrus, minsan din silang parang aso't pusa kung mag-away pero kahit minsan ay nagbabangayan ang dalawa ngunit hindi parin nawawala ang pagtingin ng batang babae sa lalaki.

Ilang taon ang lumipas at naging grade 12 na silang dalawa, patuloy parin ang pagbabangayan nito at palagi rin silang top sa klase ngunit nangunguna palagi si Andrus. Habang tumatagal ay mas nahuhulog ang dalaga sa binata, mas lalo din itong gwumapo at marami rin ang nagkakagusto sa binata, ganon narin ang dalaga, marami din itong mga admirer ngunit hindi niya ito pinapatulan at pinapansin. Minsan gusto ng umamin ni Shane kay Andrus tungkol sa kaniyang nararamdaman ngunit natatakot ito, natatakot ito na baka ma reject siya o kaya umiwas sa kaniya ang binata kaya nililihim nalang muna niya ito.

Under the SkyWhere stories live. Discover now