Hindi ito romance at alam kong walang magbabasa nito pero gusto ko lang I share sa inyo. Hindi ko alam kung saan ako mag sisimula mag kwento, hindi ko naman kayo pinipilit na basahin ito pero gusto kong ishare sa inyo ang ilang tagpo sa buhay ko na nagpabago sakin ngayon. Umpisahan natin noong bata ako, isa akong only child ng parents ko, hindi kami mayaman pero binibigay nila sakin lahat ng gusto ko noong maliit ako, nakatira kami sa isang bahay na dati ay malaking tignan dahil maliit pa ako, nasanay ako na konting lambing lang ay ibinibigay nila sakin ang kaya nila, merong linggo linggo kaming nagpupunta sa mall para mag bonding na isang pamilya. Alam kong madalas kaming mangutang noon sa bumbay, hindi ko na matandaan pero tingin ko ay dahil pinipilit akong bigyan ng mga magulang ko ng masaya at normal na pagkabata, hindi naman naging ganon ka perpekto araw araw, mayroong napapagalitan rin ako at madalas mapalo, hindi ko pa noon naiintindihan ang lahat, kaya ang kaya ko lang gawin noon ay magtanim ng sama ng loob. Madalas na nag aaway si mama at papa at hindi ko alam kung ako ba talaga ang naging dahilan kung bakit kami lumipat sa mga magulang ni mama, ilang buwan kaming hindi nakasama ni papa dahil nag nagtatrabaho siya. Ilang buwan ay hindi na nakatiis si papa at sumunod na sa amin kung saan kami nakatira, hindi ko na matandaan ang lahat pero isa lang ang natatandaan kong sigurado ako, mula noong dumating kami sa probinsya kung saan nakatira ang mga magulang ni mama ay nagumpisa nang magbago ang lahat. HIndi nila maayos na ipinaliwanag sakin ang lahat basta ang natatndaan ko nalang noon, bigla nalang kaylangan ko nang matuto sa mga bagay bagay na dati ay hindi ko naman ginagawa. Grade 6 ako noong nag umpisa akong maglaba, mamlansta at mag asikaso ng bahay, malaki ang naging tampo ko noon sa mama ko dahil hindi ko maintindihan ang lahat ng bagay bagay sa paligid ko biglang nalang parang naging magisa ako, ang dating masayang bata na akay ng mama ko ay bigla nalang naging magisa kahit na alam kong andyan sila araw araw at kasama ako. Walang nagpaliwanag sakin ng mga nangyayare kaya sinabayan ko nalang ang paglipas ng araw. Hindi ko napansin na lahat ng mga sakit at hinanakit ko ang siyang huhubog saking pagkatao. Naintindihan ko ng paunti unti ang mundo. Hindi pala ito katulad ng inakala ko, na katulad ng mga bida sa mga fairytales na binabasa saakin ng mama ko na masaya at mukang madali lang ang mabuhay. Lumipas ang ilang mga taon at mas naintindihan ko na ang mga nangyayare sa paligid ko, alam kong mahal na mahal ako ng mga magulang ko at mahal na mahal ko rin sila. Ang mga tao ay dumarating at umaalis rin, at ang mga taong nandyan ay hindi laging andyan, dadating rin ang panahon na aalis rin sila. Masaya ang pamilya namin at madalas nag aaway pero nagkakabati rin, kaya napakasaya ko rin na sa dinami rami ng magiging pamilya ko ay sa kanila ako ibinigay marami kaming magpipinsan at ipinagmamalaki ko na close kaming lahat at kahit na nagiisa akong anak ay hindi ko na iyon nararamdaman. Masaya kami hanggang sa bigla nalang isang araw nagising ako na nagumpisa na, umpisa na ng pagkakalamat ng lahat, akala ko dati ako lang ang makakaramdam ng ganon pero, naramdaman ko na buong pamilya namin ay hindi na katulad ng dati. Simula nung binawi saamin ang pinakamamahal naming si tito Victor ay nag umpisa nang magkagulo ang lahat, may panahong pakiramdam ko ay iniwan na ako ng Diyos, may panahong sinisi ko sya sa lahat ng mga bagay, may panahong tinanong ko sya ng madaming bakit, ang dating saglitang away ay hindi na naaayos, naniwala nalang ako na ang lahat ng nangyayare sa paligid ko ay may malaking dahilan at may magandang kahahantungan. Ang dating mga ngiti sa aming mga labi ay hindi na katulad ng dati, ang dating masayang isang barkadahan naming magpipinsan ay hindi na ganoon kasaya. Tumanda na ang lahat nagkakasakit na si lolo at lola, ang mga pinsan ko mga nagsipag asawa na pero ako naghihintay parin ng himala na babalik ang dati sa lahat, ung ngiti na hindi pilit, ung mga away na madali lang solusyunan. Iyong mga panahong maliit pa ako at alam kong sa kendi lang ay masaya na. Mga batong ginagawang mga laruan, mga panahong magkakatabi pa kami ng mga pinsan ko sa pag tulog. Ang hirap palang tumanda hindi pala ganoon kasaya at mahirap palang bumuo ng saya kapag tumatanda na..........
BINABASA MO ANG
Journal
Randommy very own kind of journal.......... I'm not telling you to read it but if you want too thank you!