12:43am... Aug 17... Hindi gaanong maganda ang bumungad sakin pag mulat ng mga mata ko. Hindi ko matandaan kung bakit pero bakit nakadikit sa kisame ang imahe niya?
Sariwa pa sa utak ko yung nakita kong panloloko niya, di ko maalis sa puso ko yung galit at sakit! Bakit kaylangan pa akong masaktan? Bakit kaylangan pa akong lokohin? BAKIT!?*knock knock*
"Nak! Kain na handa na ang pag kain"
"Wala po akong gana"
"Aba kagabi ka pa di kumakain ahh... baka malipasan ka niyan"
"Wala nga po akong gana lo" pasigaw kong sabi.
"Hay... Bumaba ka pag gusto mo ng kumain"
*tango*
Ano ba nagawa ko? Ginawa ko naman lahat ng gusto niya... Binigay ko lahat ng kaylangan niya... Nagbigay ako kahit wala ng matira... Bakit niya pa ako pinagpalit? Ang masakit, sa likod ko pa.
*tingin sa CP*
= 1 MSG =
Ralph : Dude, asan ka na? Kanina pa kami nasa Com shop...
Oo nga pala, may laro kami ngayon. Pano kaya kung lahat tayo pinaglalaruan lng pala ng isang elemento... sila yung nag cocontrol satin sa bawat galaw... napagtripan lng ba nila akong saktan? o tlgang tinadhana akong saktan.
"Maghila nalang kayo ng ibang player... Wala ako sa tamang paguutak para mag laro", reply ko sa text.
"Hindi yan sa utak par, sa puso nayan... Get well soon pre"
Di na ako nag reply sa sagot niya, hahaba lng ang usapan pag sumagot ako sakanya.
Ako nga pala si Sith Mendiola. (Pinangalan ako ng tatay ko sa villains ng StarWars) Isang college student sa isang money collecting school. Di ko alam kung bakit pero lahat ng pwedeng mabenta ng iskuwelahan namin ibebenta. Pati sapatos ata kelangan bibilhin pa sakanila. Im 19 years old, nakatira kasama ang grandparents ko. If you ask where my parents are... well I'll tell you some other time. I suck at everything except computer games... yun lang ata ang nakakaintindi sakin. Sabi sakin ng lola ko mahilig daw ako dati mag drawing pero nawala daw nung binilihan ako ng laptop... nagsisi daw sila noon.
Pangarap ko sanang makapag tapos ng kursong Marine Bio. kaso ngayon ang tanging pangarap ko lng... ay makalimutan siya.Kwekwento ko sainyo kung pano kami nagkakilala ng babaeng sinaktan ako. Nag kakilala kami nung 1st year college. Meeting nun ng mga bagong students... maraming nagyayayang organizations na sumali ang mga new students sa org nila. Uupo na sana ako sa bangko ng bigla akong may naupuan na phone. Di ko alam kung kanino yun pero di naman ako pwedeng manghula kaya umupo nalang ako sa upuan at nag antay kung may lalapit. Biglang nag start ang assembly so nag si upo ang lahat, tinago ko muna yung phone sa bulsa ko. Nag salita yung Dean ng mahabang mahabang speech... mga salitang tinaboy ko bago pa pumasok sa tenga ko, ang tanging nasa isip ko lang nun ay kung sino ang may ari ng cellphone.
SA WAKAS! Natapos din ang pagsasalita ng mataba naming Dean! Pero di pa tapos ang pag hahanap ko. Inisip ko nalang na ma iwan sa sa assembly hall at mag antay ng tao na nagmamay ari nung phone.
After waiting for couple of minutes, nawalan ng tao sa hall... except for me and this mysterious girl. She seems to be looking for something... something like a phone. So lumapit ako, inch by inch na lumalapit ako medyo natatanaw ko yung itsura niya. She looks nice. With her white cardigan, slim fit pants, yellow dollshoes, she looks good! Nung nasa tabi niya na ako kinalabit ko siya...
"Uhh... Miss, anong hanap mo?" tanong ko.
"Ah wala... wala akong hinahanap"
"Then why are you looking na parang may nawawala?"
"Fine... nahulog ko kasi yung pen ko, by any means nakita mo ba?"
"Uhh... no mam I havent"
"Well... Salamat nalang din"
"If you really need a pen... Here take mine" sinabi ko sakanya habang kinukuha ang ballpen sa bulsa kong punong puno ng plastik ng candy.
"O.....kay..... thanks? I guess"
"Di, sige sayo nayan... Marami naman ako niyan. Bye"
"Salamat ulit... Bye! See you around!"
Okay so nakipag usap ako sa isang stranger. But she still isnt the owner of the phone. Sino kaya?
Papalabas na sana ako ng hall ng may nagmamadaling babae na nabungo ko... or nabungo ako. I caught a glimpse of her face. She looks beautiful! ang tanging kakaiba lng ay kung bakit tarantang taranta siya.
Ng bigla kong maisip yung phone. I checked kung nasa pocket ko pa, andun pa naman. So lumapit ako sakanya."Miss may hinahanap ka ba?" dahan dahan kong tanong.
"Ahh... Yes. Naiwan ko ata yung phone ko dito"
"If Im correct, is it this?"
"YAN NGA! Oh my gosh! Thank you! akala ko nakawala nanaman ako ng phone!" masaya niyang sabi.
"Ahh... mahilig ka pala makawala ng phone" biro ko.
"Di naman, talagang marami lang akong iniisip kaya nakakalimot ako.
" Hmm... Well advice ko diyan mag relax ka lang ng mga ilang oras... over coffee maybe?" medyo mayabang kong anyaya.
"Ha! Simpleng damoves ka ahh... Sure! Your treat?"
"My treat" sagot ko kahit nag titipid ako ng budget dahil pulibi na ang bulsa ko.
"Im Sith by the way"
"Beatrice, Tris for short"
"Nice name" (bakit laging pinupuri ang pangalan ng babae pag firat time mag meet?)
Ilang buwan din ang lumipas hanggang maging kami. Everthing went well. Everyday was full of fun, excitement, laughs, experiences and love. 2 years goes by and we're fine. I remember everything, every cuddle, every fights, every hugs, every tear, every kiss, every wish we made was for our future. Pero di ko talaga inaasahan yun... yung bagay na sisira samin. Yung bagay na magbabago sa paningin ko sakanya. Yung bagay na mag babago sa paningin ko sa lahat.
Paano ba? Paano ba makalimot?