R+18
Mature contentHAPPY VALENTINES DAY EVERYONE! BYE!" pumalahaw sa loob ng opisina nina Lurraine ang bosis ng kanilang Team leader na si Tine.
"Sana all di ba? masaya sa valentines may naghihintay eh!" kantyaw naman ng isa sa mga ka-opisina pa nilang si Jann.
Isang makahulogang ngiti naman ang isinagot ni Tine rito hindi tuloy mapigilan ni Lurraine na mapailing habang napapangiti sa palitan ng dalawa.
February 14, 20xx na! Valentines day ngayon, espisyal at exciting para sa lahat pero para kay Lurraine isa lang ito sa iba pang mga ordinaryong araw sa kalendaryo.
"Bye Lurraine!" pahabol na paalam ng officemate niyang si Jane na pasakay na ng kotse nang makita siya, nag-wave lang din siya ng kamay at ngumiti.
Nag-abang na kaagad siya ng taxi pagkalabas niya ng building nila dahil may pupuntahan siya ngayon.
Palibahasa Valentines day kaya halos lahat ng mga tao ay may lakad o mas madaling sabihing may date, kahit saan nga siya tumingin may mga nakikita siyang naka-holding hands na couple o di naman kaya ay may mga dalang bulaklak.
"Sana all talaga..." naibulong na lang niya sa sarili nang sundan niya ng tingin ang isa sa mga taong dumaan sa harapan niya.
Nasa mid-30s ng lalaki na may dalang simpleng bouquet at gaya niya ay nakapang office attire pa i mukhang galing din sa trabaho ang sinusundan niya ng tingin.
Ang sweet naman... ang swerte ng asawa niya, makakatikim ng kilig ngayon gabi. Ang nasa isip niya.
Eh ako kaya?
Napaismid na lang siya sa sariling naiisip. 28 na siya at mag-29 na ngayong taon may stable ng trabaho, nakabukod na rin sa kanyang mga magulang at may sarili ng condo unit, may savings na siya at life insurance. Kung tutuosin pwede na nga siyang mag-asawa sa lagay niya pero aso lang ang meron siya at kahit manliligaw ay wala. Pakiramdam tuloy niya ay napapag-iwanan na siya ng panahon.
"Ma'am sasakay kayo?" napukaw ang atensyon niya ng may humintong taxi sa harapan niya.
"Ah-opo kuya, sa may seaside restobar po." Kaagad siyang sumakay para kitain na ang mga naghihintay sa kanya.
"Hello Maye?" sagot niya sa tumatawag niyang kaibigan.
"Oo, papunta na."
Habang binabagtas ng sinasakyang taxi and daan patungong seaside bar, inayos ni Lurraine ang sarili. Nag retouch siya sa light makeup na lagi niyang suot, ayaw niya kasi sa heavy make up dahil pakiramdam niya ay mainit iyon sa mukha.
Nilugay niya ang natural niyang umaalon na maikling buhok, na hanggang balikat lang at nag-spray ng perfume.
"Ma'am andito na po tayo."
Kaagad siya'ng bumaba matapos magbayad sa driver at pumasok sa loob ng restobar. Kaagad din niyang de-nial and number ng taong kikitain niya at tinawagan ito.
"Andito na ako, anong table?"
"Table 6 dito banda malapit sa window, pakanan."
"Okay." matapos ng tawag ay hinanap na niya kaagad ang sinasabing table na ino-occupy ng mga naghihintay sa kanya.
Oo, marami sila, hindi date ang ipinunta niya rito kundi isang inuman na mapupuno mamaya ng iyakan. Valentines na Valentines ganito ang ganap nilang magka-kaibigan.
"Oh! dito na pala si Lurraine." binigyan kaagad siya ng upoan ng isa sa mga kaibigan niya'ng naghihintay sa kanya, si Kirk.
"Thanks." ngumiti lang si Kirk sa kanya matapos niyang tanggapin ang inalok nitong upoan.

YOU ARE READING
CAUSE I'M ALREADY YOURS
RomanceNakaligtas ka nga sa teenage pregnancy hindi ka naman nakatakas sa pagiging tuyong tita. Alone but not lonely. Yan ang palaging isinasagot ni Lurraine Celeste sa tuwing napapag-usapan ang pagiging single niya. Siya na lang ang natirang No Boyfriend...