Look back

73 17 100
                                        

Kaagad na kumuwala ang masayang ngiti sa mga labi ni Allyson na natatakpan ngayon ng red brick lipstick.

Hindi niya mapigilan na mamangha sa kaguwapuhan ng binata na matiyagang naghihintay sa kanilang malapad na sala.

He's wearing a blue long sleeve polo shirt, paired with black trousers. Ang black formal shoes nito ay kumikintab pa sa bago.

Ewan niya kung sinadya ba ni Cedrick na iwang nakabukas ang tatlong botones ng polo nito, dahilan para ma-expose ang malapad at matigas nitong dibdib. O baka, nakalimutan lang nito iyon dahil sa pagmamadali. Pero aminin niya, lalong lumakas ang appeal nito dahil sa porma. 

Nang makita siya ni Cedrick ay kaagad itong tumayo sa kinauupuan at nagpakawala ng makalaglag-salawal na ngiti sabay hawi pataas ng buhok nitong nilagyan ng gel.

He's the same Cedrick na nakilala niya four years ago. Pilyo, gwapo at lahat ay pinakikilig ng killer smile nito.

The only difference with Cedrick now is that he has become elusive to women and he is obsessed with only one woman... At si Allyson ang maswerteng babaeng 'yon.

Ang haba ng hair niya dahil do'n.

"You're so beautiful, wifey," puri pa nito matapos pasadahan ng tingin ang kanyang kabuuan.

She is wearing a floral bodycon off shoulder dress paired with two inch-heels sandals. Request ni Cedrick 'yan at happy naman siya na pagbigyan ang hiling nito. Feeling niya, ang ganda nga niya sa gabing ito.

"Bagay sa 'yo," dagdag pa nito.

Nginitian niya ito habang dinadama ang biglang pag-init ng magkabilang pisngi niya.

He always gives her that effect. Every word that came out of his mouth and every gesture that he showed her made her face heat up and her heart beat faster.

"And you're handsome as god, hubby."

Masyadong cheesy ang dating sa kanya ng kanilang tawagan at hindi siya sanay since it was her first time having a boyfriend. Kagustuhan ni Cedrick na gano'n ang endearment nila at hinayaan na lamang niya ito.

She still can't believe that the guy she hated before has become her boyfriend.

Hindi naging maganda ang kanilang unang pagkikita four years ago. Second year college na si Cedrick noon at first year pa lang siya sa kursong kinuha niya sa isang unibersidad na pareho nilang pinapasukan.

Kumakain siya noon ng kanyang favorite ube cake mag-isa sa isang cafeteria. Cedrick was there too and was currently teasing his friends when a woman suddenly rushed to him and slapped him.

Shock!

Sandaling namayani ang katahimikan sa buong cafe at naging sentro ng spotlight si Cedrick.

Hindi naman maretis si Allyson pero hindi niya maiwasang makinuod sa eksena na sa palabas niya lang nakikita.

The woman burst into tears as she cursed him repeatedly.

"Balang araw, makakahanap ka rin ng babaeng magpapaiyak sa 'yo ng sobra! At mararamdaman mo kung gaano kasakit ang lokohin, Cedrick!"

Nginisihan lang ni Cedrick ang babae. That was so mean! Paano nito nagawang ngumisi sa kabila ng nakakaawang ayos ng babae? He's really a heartless person.

'I hate that guy!' naibulong pa niya noon.

Allyson suddenly lost her appetite and decided to finish the snack. Binayaran niya ang inorder niya saka lumabas at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nabangga niya ang walang pusong lalaki na no'n ay nagmamadali ring lumabas sa exit door ng cafe.

Look Back [ Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon