Chapter 1

3 0 0
                                    


Naglalakad na ako papuntang sakayan ng tricyclelan ng may tumawag sakin.

" Selene pre!

"Nung gagawin mo bukas weekend? at bakit magisa kalang uuwi asan sila reign?" Tanong ni troy kaibigan ko simula high school.

"Si reign may family dinner daw si Gia may pinuntahan kasama si Giselle at wala akong gagawin ngayon weekend okay naba aalis na ako" sabi ko at akmang maglalakad na ng hatakin niya ang braso ko

"Teka lang, kain tayo kwek kwek libre ko" sabi niya at ngumite.

"Bakit ano nakain mo huh?" Tanong ko dahil sa biglaan niyang palibre.

Hindi siya sumagot. hmmm i smell something.

Hinatak niya ako sa may tawiran hindi ako tumanggi dahil favorite ko yan.


umupo muna kami sa may upuan na bato at kinain na ang kwek kwek na binili namin.


"Alam kong may kaylangan ka kumag" pagsasalita ko at sinubo ang kwek kwek sa bibig ko.


Nagkaroon lang ako ng kutob dahil hindi naman niya ugali yung manlibre. sa lahat ng kuripot siya ang pinaka kuripot.


"Sabihin mo na bahala ka may limit kabaitan ko tanga. Pero huwag lang plates ang ipagawa mo hahampas ko pa sayo yun." Pahabol ko


Napakamot siya sa likod ng ulo niya.


"Eh ano kasi selene niyaya ako ng ka team ko sa birthday niya ayoko naman pumunta mag isa niyaya kuna sila reign pero busy sila sunday na yun ikaw nalang pagasa ko ssob" Sagot naman niya.


"Asan na ba yung girlfriend mo?" Sagot ko naman.


"Kung meron lang hindi ko yayain katulad mo, atsaka kaya pala minalas na naman buhay pag ibig ko kasi nalaman ng katulad mong malas" pakunwaring  inis niya


"Aba tanginamo. Akala ko ba may nililigawan kang nursing student?"


"Ghinost ko na" sagot naman ni troy


"Ulul sabihin mo binasted ka" pangaasar ko naman sabi.


Tumunog ang cellphone  niya hudyat na may nag text.


"Dali na selene sunduin kita bukas 7:00 nang gabi kaylangan nakabihis kana una na ako pinapatawag ako ni coach mauuna na ako" Mabilis niyang sabi at binuhat ang duffel bag niya at tumakbo


"Hoy tanginamo troy hindi naman ako pumayag!" Sigaw kong sabi dahil ang layo na niya.


Tumingin ako sa langit dumidilim na kaya binuhat kuna yung bag ko.


Wala naman akong magagawa kaya sasama nalang ako kay troy mamaya pa naman uuwi si gia kaya wala akong kasama.


Nakabihis na ako and i wear a simple black dress and i partner white high heels sandals and i put my make up on.


saktong seven dumating si troy naka kotse kami ngayon dahil hiniram niya sa daddy niya.

Ilang oras lang ay nakita ko na yung mga ilaw baka doon yun himinto kami sa may gate at may pinakita siya sa guard baka invitation patunay kung walang invitation to baka pag kamalan na may gagawing hindi maganda sa loob. Kimi!


Pinarada na ni troy ang kotse at pumasok na kami sa loob. Madami dami narin tao binati ni troy ang kaibigan niya parang palmilyar siya sa akin pero hindi ko alam kung saan ko siya nakita.


"Happy birthday par,kaibigan ko pala si Selene, Selene si Jake" pagpapakilala niya.


"Happy birthday Jake nice to meet you" sabi ko at ngumite.


Masusubok na naman ang peke kong ngiti nito hays di ko pa naman prinactice baka mahalata.


"Thank you nice to meet you too, uhm upo nalang kayo puntahan ko muna andyan na sila primo" sabi naman niya.


Umalis na siya sa harap namin sinundan ko siya ng tingin may kakadating lang na
Apat na lalaki tinignan ko sila habang nakaupo nahagip ng mata ko yung nasa dulo na naka tuxedo he's so manly.


"Hoy selene wag mong dalahin pagkalutang mo dito nakakahiya ka" bulong ng asungot na katabi.


"Alam mo epal mo nag dday dreamin ang tao ng iistorbo ka" inis ko namang sabi ngumite lang siya.


"Napaka lutang ko kasi kanina pa ako nagsasalita dito nakatulala ka dun kayla primo" sabi naman niya.


Inirapan ko lang siya. ang likot ng mata ko may hinahanap ako ng mahagip ko ang lamesa nila nakatingin siya gawi namin tumingin ako sa likod baka may tao lang pero wala samin talaga siya nakatingin shit shit! mabilis kong niyuko ang ulo ko


Hindi ko alam kung bat ako natataranta hindi ko rin alam kung pano ako makakapag nakaw ng tingin para makita kung nakatingin parin ba siya.


"Natatae kaba selene" tanong naman niya na parang nangaasar.

"Tanginamo talaga troy" bulong ko sa kanya mahina lang syempre mukha kasi akong good girl ngayon. Eme!

ilang oras lang ay nagsimula na ang celebration.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 30, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chasing in the Crowd Where stories live. Discover now