1st verse:
Ang isang tunay na maginooy hindi pumupupog ng halik.
Sa halip tumutupok ng damdamin kayat natutunaw ka saaking mga titig.
Kayat nagdudulot ng hangin amihan mula sa mga natutunaw na yelo.
Nais kitang halikan sa noo habang may suot na belo.
Kabahagi ng bawat likhat naisusulat kong kwaderno.
Sa lamig ng tinig init na dinadaala parang giniginaw sa impyerno.
Sa bawat buga ng buntong hininga, hiling na sana itoy magkatotoo.
Parang hangin na tumama sa bula. Nagising ako sa panaginip ko.
Dahil palaging inaalala sanay mamuhay ng normal.
Sa itaas ng bundok tanaw ang parang doon sana tayo ikasal.
Dahil ganyan ang imahinasyon kapag umibig ang nobelista.
Pinapatay ang bawat komplikasyon na parang dalubhasa ng medisina.
Para sa binibining wala sa reyalidad na natatagpuan ko lamang sa panaginip.
Ito ay awit na inilalahad. Parang sa anghel na nahuhulog sa langit.
Maghihintay, marami pang araw ang mundo umiikot sa araw.
Samantalang ang aking mundo umiikot saiyo araw-araw.
2nd verse:
Hinahanap ang Sarili sa Guni-guning bumabalot sa Utak.
Bakit pinipilit kong tigasan ang Pusong malamabot pa sa Bulak.
Malalaman mong Labis ang Pagnais kung ang Bibig ay Maitulak.
Ang pagsusumamong may alinlangan kayat hindi Maipahayag.
Ang Tunay na Damdamin kahit Gustong Ipagsigawan.
Hindi ko lang Maamin baka akoy Iwasan.
Nakukuha kong Ngumiti kahit madalas Nahihirapan.
Sa Pagkubli ng nasa Isip dama mo kung akoy Tititigan.
Saaking mata, Binatana ng aking ng Kaluluwa.
Tanaw mo ang Damdamin sa kabila ng pagKaka- Ila.
Minsan naisip kong lumangoy na Malaya parang Isda.
Sa karagatan ng iyong Luha dulot ng Kakaibang Saya.
Sa pagtanggap sa Pagkataong Tinalikuran ng Ilan.
Na kung nagkaroon ng pagBabago'y ikaw ang Dahilan.
Alam kong Gas-gas na ang mga Linya ngunit Heto ang Ilan.
Kasing Ganda ka ng Palubog na Araw na lumulutang sa Karagatan.
3rd verse:
May tinig na tumatawag na nagmumula sa malayo.
May nahuhulog na bituin napahiling na maging tayo.
Kahit malawak ang imahinasyon hindi maeksplika kung anong kawangis.
Parang liwanag na tumama sa mata sinundan kayat sa dilim ay tumatangis.
Ng binatang aminadong naging sakit din ng lipunan.
Magiging labis ang pagkabalisa parang batang iniwanan ng magulang.
Kung hindi mapasaakin. Hindi ko rin maamin.
Sa mga pagkakataong nahihirapan ay ibinubulong ko na lang sa hangin.
Mamahalin kita ng walang alinlangan handa nako saking pagkatalo.
Ang masaktan ay katotohanan kung sakaling akoy maloko.
Susugal ako,sa larong walang kasiguraduhan,
ikaw ang nagpapatakbo Ng bawat pamamaraan at patakaran.
ang masaktan ay di alintana bastat mapadama sayo.
na ako ay tunay muli pa nung una ikaw ang iniibig ko.
Baka sakaling sa ganong paraan sakin unti unti kang mahulog.
Bawat araw na nagdaraan ay ipinagdarasal ka bago matulog.
Here's the link of my Demo Titled "Awit Para Sa Nahuhulog Na Anghel"
http://www.facebook.com/photo.php?v=465728990140864&set=vb.100001113010619&type=3&theater