Chapter 19: Paparazzi
PORTIA SOLACE SEVIERRA
"Ate Portia, they are Daddy's friends and they want to meet you," nakangiting sambit ni Khaki. Bakit naman nila ako gustong makilala?
"A-Ah, hi?" awkward kong bati at tinaas pa ang kamay. Mukha akong tanga, alam ko. Pero ano bang sasabihin ko?
Unang lumapit sa akin ang babae na tumayo at umalis sa pagkakahawak ng kasamang lalaki. Boyfriend niya siguro 'yon.
Kinuha niya ang kamay ko at ngumiti sa akin. "I'm Sasha. And that man." Turo niya sa lalaking mukhang masungit itinaas lang ang wine glass. "is my husband, Jax."
Mukhang hindi naman nalalayo ang edad niya sa akin pero kasal na pala siya. Wow!
"Uh, nice meeting you." Nginitian ko rin siya at nagkamay kami. Bumalik siya sa pagkakaupo sa tabi ng asawa.
"Grabe ka, Sasha. Hindi mo man lang pinakilala ang pinakagwapo mong kaibigan." Lumapit sa akin ang lalaking mukhang inosente na may hapyaw pa lang dimples sa kanang pisngi kapag nakangiti. Hindi ito ganoon kalalim katulad nang kay Dominic.
Kinuha nito ang kamay ko. "Pierce Castellano is the name. Always on your service."
Nagulat ako nang yumukod ito sa harap ko at akmang hahalikan ang kamay ko ng may humigit sa kaniya patayo. Magkasing-tangkad lang pala sila. Medyo matangkad lang ng kaunti si Sir.
"Stop bothering, Solace." Si Sir Yael pala. Mariin itong tumingin sa akin at bigla akong inirapan. Napataas naman ang kilay ko do'n. Problema nito? Inirapan ko rin siya kahit nakatalikod siya sa akin.
"Nagbibinata na ang binata natin," asar nung Pierce dito at kinindatan pa ako bago binitawan ang kamay ko kaya hindi ko maiwasang mamula.
Pero parang familiar ang pangalan niya. Saan ko nga ba narinig 'yon?
Pierce Castellano... Pierce Castellano?
"Ikaw 'yung nasa 'Huwag kang bibitaw'?!" hindi ko napigilang isigaw at tinuro pa siya.
Natawa naman sila sa reaksyon ko kaya parang gusto kong magpalamon sa lupa.
"Cute," sambit niya. I can see that he's both surprised and delighted by what I said.
"Oo ako nga. Grabe, sa lahat ng pwede mong maalala. Iyong pinakaluma pa," he stated, chuckling.
Siya 'yung batang gumanap sa 'Huwag kang bibitaw' bilang si Jeremy. Iyong batang bida sa palabas na iyon. Ang bait-bait niya doon kahit pa ang sama-sama ng ugali ng mga magulang niya.
Crush na crush ko 'yon dahil ang galing-galing niyang umarte. Siya ang pinakauna kong crush na artista.
"T-Talaga? Ikaw 'yon? OMG!" Nakalimutan ko na ang hiya ko nang kumpirmahin niya 'yon kaya hindi ko napigilang humiyaw.
"Oo nga. Nakakatuwa naman ang rekasyon mo."
"Ang panget mo raw kasi sa personal," sambit nung Jax. Napalingon ako sa kanila. Ganoon din ang reaksyon nila. Natutuwa. Kahit ang masungit kong amo ay nakataas ang gilid ng mga labi.
Hindi ko sila pinansin at binalik ang tingin sa idolo. Ngumiti ako ulit dito. Pakiramdam ko nga kumikinang ang mga mata ko, e. Tila nakikita ko kasi ito sa mga mata niya.
"Hindi lang ako makapaniwala. Alam mo bang crush na crush kita? Ang galing-galing mong umarte doon. Isa 'yon sa mga palabas na inaabangan ko noon. Inililiban ko pa nga ang pagtitinda minsan para lang mapanood ka. Lahat din ng mga palabas mo noong bata ka pa ay sinubaybayan ko. Maliban lang 'yung mga bago ngayon dahil wala akong oras. Tapos ngayon... ngayon kaharap na kita. Hindi ako makapaniwala," manghang-mangha ang boses ko kaya alam kong mukha akong tanga.
YOU ARE READING
Forced to Conceal (COMPLETED)
Romance[Bachelor's Club Series #2] A superstar and a provincial girl. Bound by a secret to conceal. Portia Solace Sevierra is a fresh graduate, a bubbly province girl, and the eldest daughter of her family who came to the city in the hope of finding work...