Wala akong gusto sayo

434 34 32
                                    

Isang araw, may magkasintahan na nakatagilid na nakahigang nanonood ng isang pelikula kaya naman ang pwesto nila ay nasa unahan ang babae at sa likod naman si lalaki na nakaakap sa babae mula sa likuran. Bigla na lamang nagtanong si babae kay lalaki.



Dana: Bobby anong nagustuhan mo sakin?


Bobby: Wala. bakit?


Dana: E bakit naging tayo at niligawan mo ako kung wala kang nagustuhan sakin?


Bobby: Ewan, siguro nasanay lang ako sa presence mo.


Dana: Ganun? E nung unang kita mo sakin noon sa may Mang Inasal, sabi mo nagustuhan mo ako nun?


Bobby: E kasi payat ka pa nun e.


Dana: E nung nagmeet tayo sa isang Org meeting, do you find me attractive back then?


Bobby: Hindi na.


Walang kaemo-emosyong sabi nito sa kasintahan habang tutok padin sa kanilang pinapanood.


Dana: E bakit? nung sa Mang Inasal natripan mo ako, bakit nung meeting natin hindi ka na attracted?


Bobby: Hindi kana payat e.


Dana: Oy adik ka, payat pa ako nun. kasi nga naglalaro pa ako ng sports nun kaya hindi pa ako mataba nun.


Bobby: Ahh, ewan. wala na akong gusto nun sayo e.


Dana: Ahhh...ganun ba?...okay...



At malungkot na lumingon ang babae sa pinapanood nila. Hindi na ito umimik pa at bigla siyang nagsalita at sinabing...



Dana: E ano naman ang mga ayaw mo sakin?


Bobby: Madami. Minsan hindi na kita naiintindihan, pabago-bago ang isip mo. Tapos minsan sasabihin mong Okay lang kahit hindi naman talaga Okay. Pinipilit kong intindihin ka pero minsan naasar nadin ako sa ugali mo e. Sorry ha. Pero kahit naman ganyan mahal naman kita di ba?


Dana: Sorry...hindi ko naman din kasi alam kung ano ang tumatakbo minsan sa isip mo e. Sa sobrang bait mo minsan hindi ko alam kung totoo pa ba yun o pakikisama nalang ang ginagawa mo. Kaya sorry din kung minsan hindi mo na ako maintindihan. Pasensya na.



At sandali silang natahimik...


Dana: May sasabihin din ako sayo Bobby...Ahm...Ako din naman hindi kita gusto e, alam mo naman yun di ba? alam mo din kung ano ang ideal kong lalaki. Kaya nga nung umpisa palang hindi kita kayang mahalin agad tsaka alam mo naman yung isa pang dahilan hindi ba? Yung nangyari sakin sa past relationship ko. kaya sorry talaga. tingin ko kasi i'm being unfair sayo. Sorry talaga.



Sabi niya habang nakatingala na nakatingin sa lalaki.Hindi padin siya pinapansin ng lalaki at nakatutok padin sa pinapanood nila. Tumalikod nalang siyang muli. Hindi mawari ng babae ang kanyang mararamdaman sa mga tagpong iyon. hanggang sa magsalita ang lalaki.



Bobby: You know what...Let's just end this. Okay? Wala akong gusto sayo...





Kasi...




Kailangan ba ng rason para magustuhan mo ang isang tao? hindi naman di ba? Hindi kita gusto kasi....





Mahal kita.




At hinalikan ni lalaki sa ulo nito si babae...at tumingala si babae at sinabing...




Dana: Wala sayo ang gusto ko sa isang lalaki. as in wala...lahat kabaligtaran, pero hindi ko din alam bakit kita sinagot... hindi ko din alam ang rason ko... siguro sadyang wala naman akong dapat na rason para MAHALIN ka nga. MAHAL DIN KITA BOBBY. pero wala akong gusto sayo...









KASI IKAW MISMO ang gusto ko. Mahal kita...





At niyakap nila ang isa't isa at hinalikan ni lalaki si babae sa kanyang labi.






EN: Ito ang tinatawag na short story. Pasensya na wala lang po magawa. Salamat sa naglaan ng kanilang oras para basahin ang walang kwentang istoryang ito.

Wala akong gusto sayo [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon