Ang sarap gumising sa umaga lalo na't makikita mo agad ang maamong mukha ng mahal mo. Hinaplos ko ang kaniyang pisngi. Hindi ko ata kakayaning mawala siya sa tabi ko. Naalala ko pa noong nag usap kami noong nakaraang taon.
Flashback
" wife, kinukuha ako nila uncle steve na nurse sa canada. Magandang opurtinidad na 'yon. Gusto ko sana paunlakan ang trabaho."
Gusto ko ng magingawang buhay pero iniisip ko pa lang na magkakahiwalay kami ay napapaiiyak na ako.
"Maayos naman ang buhay natin dito diba? Maayos naman ang sahod mo. Medyo malaki rin ang akin."
Napawi ang mga ngiti sa labi ng aking asawa. At sinabing, " wife, mas malaki ang kikitain ko doon. Ayaw mo bang umasenso? 3year contract daw iyon kung sakali." Sabay hawak sa balikat ko.
Bigla akong tumalikod dahil pinipigilan ko ang pag-iyak. " hindi ko kayang malayo sayo. Tatlong taon? Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo draven? Isa kang nurse pero hindi ba't mas masayang maglingkod sa sarili mong bansa?" Hindi ko na napigilang taasan siya ng boses.
" Ayan ba talaga ang dahilan ng pag iyak mo, mahal ko? " hinarap niya ako at hinawakan ang aking pisngi. Nakita kong siya ay ngumiti.
" Ayaw ko lang ng ideyang aalis ka. Parang pinipiga ang puso ko kung iisipin kong mapapalayo ka sa akin. Hindi ko kaya, mahal ko. Gusto kong sabay tayong gigising araw-araw. Kapag iniwan mo 'ko parang gugustuhin kong sumunod dahil paniguradong mararamdaman ko lang na may kulang sa akin."
" Mahal kita katelyn. Alam mo naman 'yon diba? Naghintay ako ng dalawang taon para lang mapasagot ka. Kaya kung ayaw mong umalis ako, mananatili nalang ako dito sa tabi mo. Sa tabi ng misis kong sobrang sweet! Kaya itigil mo na yang pag iyak mo. Ayaw kong umiiyak ka ng dahil sa akin. Diba nangako ako sa harap ng Diyos na hindi ako gagawa ng bagay na magiging dahilan ng pag-iyak mo?"
Akala ko itutuloy niya ang pag-alis. Napaswerte ko talaga sa asawa ko. Napaka maintindihin niya. Sobra sobrang pagmamahal ang ipinaparamdam niya sa akin.
" Oo na mahal ko, basta 'wag kang mang iiwan ha? Ipapahanap kita kahit saan at susunod ako sa'yo. Kung nasaan ka, dapat nandoon din ako, okay? Tara na nga't matulog!" Napatawa naman ng mahina ang mahal kong asawa. Dahil gabi na, napagdesisyonan naming matulog nalang.
End of flashback
Ang sarap alalahanin ng gabing iyon. Kahit hindi kami yumaman dito sa Pilipinas ay ayos lamang. Hindi naman big deal 'yon sa akin. Dalawang taon na kaming mag asawa at hindi pa kami nagkakaroon ng anak. Wala namang may problema sa amin. Plano lang talaga naming ienjoy ang buhay mag asawa atsaka na ang pagkakaroon ng pamilya. Nag ipon na rin kami para sa magiging baby namin. Ayaw naman ni draven na mabigla kami sa mga gastusin.
" Good morning mahal ko." Sabay halik ni draven sa aking labi.
" Goodmorning din." At binawian ko naman ito ng halik sa pisngi.
" bakit sa cheeks lang? Mandaraya ka wife ha? Ako sa labi pero ikaw-"
Bago pa niya ituloy ang kaniyang sasabihin ay hinalikan ko na siya. Hindi na namin pinatagal pa 'yon dahil pareho na kaming malelate sa trabaho.
Sabay na kaming naligo at kumain ng umagahan. Hinatid niya ako sa opisina, isa kasi akong sekretarya. Nagtapos ako ng Office Administration. Si draven naman ay tapos ng BS Nursing. Magkalapit lang ang building ng punagtatrabahuhan ko at ang ospital kung saan siya ay isang nurse. Kaya't tuwing lunch ay magkasama kaming kumakain.
Sabay din kaming umuuwi sa aming tahanan. Masaya kaming namumuhay kahit kaming dalawa pa lang. Paano pa kaya pag may anak na kami?
Dumaan ang tatlong buwan at nalaman kong ako ay buntis. Nalaman ko 'yon dahil hindi ako dinatnan noong nakaraang buwan. Nagpacheck up ako at sobrang natuwa ng malaman kong 6 weeks na ang bata sa sinapupunan ko.
" Mrs. Alvarez, 'wag po kayong masiyadong magpapagod. Makakasama po sa baby pag nastress kayo. Congratulations ulit." Masayang wika ng OB Gyne.
" Maraming salamat doktora. Aalagaan ko ang anak namin ng asawa ko. Siguradong matutuwa iyon pag nabalitaan niya. Sige po, mauuna na ako." Nagpaalam na ako upang dumiretso sa ospital. Hindi ako doon nagpacheck up sakanila. Gusto ko kasi siyang isurprise, baka magtaka lang 'yon kung makita niya ako sa ospital nila.
Pumasok ako sa St. Catherine ng may ngiti sa aking labi. Sobrang natutuwa ako at may anghel na kami. Ano kaya ang magiging reaksiyon niya? Nae-excite na talaga ako.
Napatigil ako ng may narinig na malakas na putok ng baril. Napakalakas na parang nabingi ang aking tenga. Agad na bumilis ang tibok ng aking puso. Pumunta ako sa room kung saan naka assign ngayon si draven. Habang papalapit ako lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. Sana naman maayos lang si draven, ngunit napaiyak ako ng may nakita akong lalaking palabas sa room 234. May hawak siyang baril at tumakbo siya palabas ng ospital. Agad akong nagmadaling pumasok sa silid.
" d-dra-ven! Tulong! Tulungan niyo ang asawa ko! " ang puti niyang uniporme ay naging pula. Maraming dugo ang nawala sa kaniya. God, 'wag po muna please? Kailangan ko pa po siya!
" tulong parang awa niyo na, tulungan niyo ang asawa ko" patuloy lang ako sa pag iyak hanggang nawalan ako ng malay.
After three years
" draven, mahal ko. Ayos lang ba kayo ni baby? Alagaan mo siya ha? Baka 2years old na siya. Gusto ko na kayong makita. Gusto ko ng sumunod diyan mahal ko. Miss ko na kayong dalawa. Masaya na 'ko draven. Diba sabi ko naman hindi ko kayang mawala sa tabi mo? Pasensiya ka na kung medyo natagalan. Hindi ko kasi siya agad nahanap. Pero ngayon, ayos na mahal. Katulad ng pag patay niya sa iyo. Pinatay ko na rin ang lalaking iyon. Binaril ko rin siya draven. Isang bala lang, para patas kayo. Mahal na mahal kita. Nakuha ko na ang hustisya. Hindi na ako makapaghintay na makasama ka. Mamamatay din naman ako dito sa kulungan. Akala ko hindi ko kaya ang ilang taong wala ka. Pero guess what? Uuwi ka na diba? Sunduin mo na 'ko. Tapos na ang pagtitiis ko ng tatlong taon. Excited na ko makita ang pamilya ko.I love you draven, naririnig mo ba ako? Magkikita na tayo mahal. Hintayin mo ko, tapos na ang 3year contract. See you mahal ko."
END
BINABASA MO ANG
WIFE'S REVENGE
Mystery / ThrillerWe we're so happy together. I want it to last forever Then i wake up with nothing Nothing but a lonely bed Where was he? He told me he'll stay He wants to have a happy family How can i give him one if he's not here? I am lonely without you. Please c...