PROLOGO

1 0 0
                                    

Unang araw ng Pebrero ang mga lawa'y nanunuyot ngunit ang panaho'y may kasing lamig ng yelo at ang bulaklak na nanggaling sa puno ng sakura ay nalalagas.

Kasabay ng pag ihip ng malamig na hangin ay may malakas na tunog mula sa lawa na para bang may bumulasok pababa.

Dali-daling kumaripas ng takbo si Anton papuntang lawa at natalisod pa siya dahil sa bilis ng kaniyang takbo nagalusan ang kaniyang kulay kayumangging balat. Pinaghalong kaba, takot at kuryusidad ang kaniyang nararamdaman sa mga oras na 'yon.

Nag tago siya sa isang malaking puno ng Nara na minsan na siya'y nakakita ng hindi tao.Ang kaniyang mga kamay ay nangingig sa pag aakalang isang mabangis na hayop ang nahulog.

Unti-unti niyang sinilip ang malalim na tuyong lawa at ang una niyang nakita ay ang balingkiting katawan at may mala anghel na mukha ng isang binibini.

BahaghariWhere stories live. Discover now