Althea's POV
"Ang huling project ninyo para sa quarter na ito ay, kailangan n'yong mag interview sa isang private school at kailangan ninyong alamin ang pagkakaiba ng private at public school. By pair ang pag gawa ng project na ito, kayo na ang bahalang mamili ng inyong makaka partner. The deadline is on Monday, no more extension. Class dismissed." saad ng aming guro. Hindi ko s'ya masyadong pinakinggan dahil ako ay wala sa wisyo ng mga oras na iyon.
*PAK* nagulat ako nang hampasin ni Chloe ang aking lamesa
"siraulo ka ba?" pagalit na sabi ko
"partner tayo" saad ni Chloe
"saan"
"sa project boba" inirapan n'ya ako. "Ano bang nangyayari sa'yo be? kanina ko pa napapansin na wala ka sa wisyo" dugtong n'ya.
"sige." pag sang-ayon ko. Akmang aalis na ako sa aking kinauupuan ko upang umuwi nang pigilan n'ya ako.
"ano nga munang problema?" pangungulit n'ya
"walang problema, wala lng ako sa mood. Tara na" kinuha ko ang bag n'ya upang sumunod dahil wala atang balak umalis ang mokong na 'to.
She's Chloe Nicole Reyes, my friend since we're kids. My mom and her mom used to be close friends. Chloe and I have been in the same school since grade school and now we're in grade 9.
Habang kami ay naglalakad sa corridor nakasalubong namin ang teammates namin na sa tingin namin ay papunta sa faculty upang kitain ang aming coach.
"Saan kayo?" tanong ni Chloe
"Faculty, pinapatawag tayo may importanteng sasabihin si coach" saad ko. Lumingon ako kay Chloe na ngayon ay gulat na gulat.
"Alam mo? eh bakit tayo uuwi?"
"Hindi tayo uuwi, susunduin lng natin sila, para sabay-sabay na tayong pumunta sa faculty"
Nang makarating kami sa faculty ay bungad sa amin ang iba pang estudyante na hindi pamilyar sa amin.
"Andyan na pala sila" saad ni coach. "She's Althea, ang team captain." pagpapakilala sa'kin ni coach.
I'm Althea Kim, 3rd year in highschool in Florentino Torres High School. I choose public school because why not. Team Captain of women's volleyball in our school. They describe me as "masungit" na team captain at kaibigan.
"Thea, sila ang bagong trainees gusto kong kasama kayo sa kanilang pag eensayo upang makapag handa sa paparating na laban." dagdag pa n'ya.
"Since we have new trainees, tuwing kailan ang training namin?" tanong ni Ash
"Every weekend an-" hindi pa ako tapos ng sumabay si sarah
"Pero alam mong hindi kami p'wede ng weekends, thea" pagrereklamo n'ya
"And every thursday and friday. Hindi sapilitan ang pag punta ng weekend sa ating anim, kung sino lang ang available go. Pero make sure thursday and friday ay nandon kayo sa training natin."
Ilang saglit pa nang matapos ang aming pagpaplano para sa training at matapos silang ipakilala ni coach isa-isa ay umuwi na kami.
Pagdating ko sa bahay agad akong naligo, hindi ko na inabalang puntahan si mommy sa kwarto n'ya dahil baka natutulog ito. Pagkatapos ko maligo agad kong sinabihan si Chloe na ako na ang hahanap ng school at ako na din ang kakausap sa principal upang humingi ng permiso sa gagawin naming interview.
While searching, Holy Child Catholic School caught my attention. I send email sa principal nila upang humingi ng permiso, agad naman itong nag reply at binigyan ako ng pangalan ng mga teacher na p'wede kong kausapin upang ipaalam sa kanyang estudyante. Maya maya pa ay may nag reply na saakin at pumayag s'ya na interviewhin ang dalawang estudyante n'ya.