Althea's POV
"Monday na naman" saad ko habang nag uunat.
Alas kwatro pa lng gising na ako, ewan ko nga kung natulog ba ako o umidlip lng. Tumungo na ako ng banyo upang maligo, at dating gawi nag pagtugtog ako habang naliligo.
'Cause I'm so into you, into you, into you
Ooh, yeahOh damn, i remember you again.
Nang matapos ako maligo, nagbihis ako. Nag uniform ako ngayon dahil lunes, baka makuhaan ako ng id. Bumaba ako para kumain na at makaalis ng maaga. Pag silip ko sa sala andoon si mommy at daddy, may kinakausap silang dalawa sa telepono.
"Yes please, dodoblehin namin ang bayad. Mahuli lang ang Aldrich na 'yan."
Inaasikaso na pala nila ang kaso.
Umupo na ako sa upuang hinila ni kuya para sa'kin, hindi ko na nga napansin na andon na s'ya dahil pinapakinggan ko ang usapan nila.
"Let's eat na"
"Antayin na natin sila mom and dad" sabi ko kay kuya
"I'll send you off sa school mo"
"Nah, i can drive my motor naman. Tsaka gagawa ka lng ng ingay sa school kapag nakita ka nila"
"Ihahatid namin kayo" nagulat ako nang magsalita si dad. "Just to make sure na safe kayong dalawa" dagdag pa n'ya.
"From now on, magkakaroon na kayo ng personal bodyguard. At hindi na din kayo p'wedeng umalis na hindi alam ng bodyguard n'yo." saad ni mommy.
I understand na pinag iingat lng nila kami pero hindi ko alam na aabot sa ganito.
"Mom, about sa case. Kamusta ang investigation?" i asked
"The investigation is on going, nak. Don't worry, Aldrich will go to prison this within week." mom answered.
"Thea, thank you for doing this."
"Thank you, for what dad?"
"For hiring a private investigator. Sana before mo pa sinabi para natulungan ka namin" he answered
"Dad, anything for my twin."
Maya maya pa ay natapos kaming kumain. Gaya nga ng sabi nila, ihahatid nila kami. Nang makarating kami sa school ko, sinalubong ako ni Chloe at Yuri.
"Drive safely, dad. I love you both. Ingat ka din kuya" pagpapaalam ko sa kanila.
"You too, thea." kuya patted my head
Pumasok na kaming tatlo sa gate at nag kuwentuhan kung anong ganap ng bawat isa kahapon.
Nasa room na kami at tulala akong umupo sa pwesto ko, bigla na lang ako nawala sa mood.
'I missed you, thena.'
"I saw her" saad ni Chloe na nagpabalik sa akin sa wisyo
"Saan?" mabilis kong sagot
"Ayan, pag sakan'ya ang bilis tapos pag sa'min parang wala lang?" pangagasar ni Chloe
"Sorry, namiss ko lng kambal ko"
"Gusto mo ba s'ya dalawin mamaya?" Yuri asked.
"Ay Thea, tito told us pala about don sa bodyguard kineme n'yo. Kami daw munang bahala sa'yo hangga't wala pa kayong bodyguard" saad ni Chloe. Hindi na ako magtataka kung sakanila ako ibilin nila mom, sila naman kasi ang kasama ko palagi.
"Puntahan natin s'ya mamaya" sabi ko na sinang ayunan naman nilang dalawa.
Maya maya pa ay dumating na ang prof namin. Hindi ako masyadong makapag focus sa klase, dahil ang dami ko pa ding iniisip.