Bitterness Overload

108 7 4
                                    

(ONE-SHOT)

CADEN's POV

"Nice game pre!" Maangas na sabi ni Sheen habang inilalahad niya ang kamay niya para makipag kamay.

Tinignan ko lang ito at tsaka umismid "Tss" sabi ko sabay sagi sa balikat niya at diretsyong naglakad papunta sa locker area.

Intrams namin ngayon at nasa magkalabang team kami ni Sheen unang talo ng Team namin. Kila Sheen pa tskk nakakabadtrip talaga sobra!!!

"Blagg"Malakas kong ibinagsag pasara ang pinto ng locker ko.

"Oh! Pre badtrip? Sabi ni Clark kateam mate ko habang nagpupunas ng pawis niya.

"Tsk g*go di ba halata?!" Galit na bulyaw ko sa kanya

"Napakapikon mo talaga ito naman okay lang yun bawi na lang tayo" katwiran niya

"Pare sila Sheen yun okay lang sana kung sa iba bwiset magmamayabang nanaman yung lokong yun" pasinghal ko pabalik.

"Bitter ka pa din pre! eh ang tagal na nun noh? Uso move-on" sabi niya na parang nangaasar at patawa-tawa pa.

"G*go bahala ka nga diyan!" Galit na bulyaw ko sa kanya sabay labas ng locker area.

Tss kailangan ko ng fresh air para naman mawala bad vibes ko badtrip talaga...

"Nice game baby" sabi ni Fritzie

"Hahahah walang kiss?" Sabi naman
ni Sheen sarap pagumpugin badtripp dito patalaga sila naglandian.

Napatingin sa akin si Fritzie nakatingin ako sa kanila sa di kalayuan
"Uy Caden? Nice game din" sabi sa akin ni Fritzie sabay ngiti pa habang nakaangkla yung kamay niya sa braso ni Sheen.

Tinitigan ko lang sila sabay tango kay Fritzie at tumingin ng masama kay Sheen.
Dirediretsyo ako ng lakad hanggang makalabas ng gym nababadtrip ako baka makasapak ako ng wala sa oras, gusto kong magwala badtrip!!!

Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad ko wala akong pake kung may nababangga ako gusto kong sumigaw sa inis at galit.

T*ngin* bitter na kung bitter eh sa nagseselos pa din ako at inggit na inggit pa din kay g*gong Sheen.

Si Sheen dati ko yung Buddy/Bestfriend pero dati lang yun hindi na ngayon simula nung tintydor niya ako.

Si Fritzie dati kong nililigawan yun mahal na mahal ko yun pero Put*ngna di ko siya magawang kalimutan kung hindi ba naman talaga nangg*go si Sheen at niligawan din si Fritzie.

Halos mag-iisang taon na ang lumipas ng magkagusto kami ni Sheen sa parehong babae kay Fritzie ,ako ang nauna, ako yung unang nanligaw, ako yung unang nagpaimpress, at ipakita ang pagmamahal ko.

Ginawa ko ang lahat ng gusto niya dahil mahal ko siya pero kahit ako ang nauna at nagbigay ng sobrang pagmamahal ako ang natalo.

Tatlong buwan na akong nanliligaw kay Fritzie nun ng nalaman kong nagsimula ding manligaw si Sheen sa kanya. T*ngin* alam naman ni Sheen na nililigawan ko si Fritzie pero p*ta pinatos niya pa din at nangagaw pa.

Nang malaman ko yun nag-away kami ni Sheen at kinalimutan ko na naging kaibigan ko siya, kinumpetensya niya ako sa lahat sumali siya sa team, lahat ng sasalihan kong extracurricular activities sasali siya at makikipagkumpetensya kahit sa academics para kaming tanga laging nag-aaway para manalo ginagawa ko ang best ko nanalo ako sa mga competition ganun pa man di pa siya nagpatinag at natalo ako sa pinaka-unang pagkakataon natalo niya ako nakuha niya ang oo ni Fritzie at naging sila.

Simula nun kinalimutan ko na talaga ang pinag-samahan namin ni Sheen sinubukan ko na lang tanggapin yung nangyare na natalo ako pero ewan ko ba kung bakit bitter pa din ako sa kanila hanggang ngayon mahal ko pa din si Fritzie at hindi ko na alam kung anong gagawin ko para mawala yung nararamdaman ko sa kanya.

BITTER STORY {ONE-SHOT}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon