Simula

3 0 0
                                    

"Naiintindihan mo ba ako Ledaia? Gusto kong malinis ang lahat ng kwarto sa second floor," Medyo napapitlag ako sa boses ni Manang Mirna. Sanay na ako sa mga mata niyang laging nanunuri. Tumingin ako sakaniya at marahang tumango, panay ang pigil kong tumawa nang mapansin kong hindi na naman pantay ang kilay niya.

Bago pa maginit ang bunbunan niya sa'kin ay kumaripas na ako ng takbo bitbit ang mga kakailanganing panglinis sa second floor. Limang kwarto ang naroon at panigurado ay matatagalan ako.

Hindi ko alam kung anong meron ngayong araw at aligaga ang lahat ng kasambahay kaya siguro hindi na naipantay ni Manang Mirna ang kilay niya. Napahagikgik na lang ako sa naisip.

Bitbit ang mga panglinis ay pumasok ako sa unang kwarto. Malaki ito ngunit hindi naman gaanong marumi, halos wala ngang gamit. Hindi ako nahirapang linisin dahil kaunting push lang naman ay okay na.

Nang mayari ako sa unang kwarto ay dahan dahan ko pang isinara ang pinto at pinagmasdan ang buong kwarto na para bang sa oras na isara ko ay magugulo ito. Napailing na lang ako sa sarili. Dumiretso ako sa ikalawa at ganon lang din ang naging paglilinis ko hanggang sa nakarating ako sa ikalimang kwarto.

Pagbukas ko ng pinto ay patay ang ilaw ng kwarto. Kinapa ko pa ang switch ng ilaw at nang makapa ay agad ko itong pinindot at bumungad sa'kin ang kwartong punong puno ng mga nakasabit na papel sa itaas. Kung hindi eroplanong papel ay mga jet naman ang mga ito. Hula ko ay bata ang nakatira rito dahil sa disenyo ng kwarto.

Kulay blue ang kabuoan ng kwarto, maraming gamit ngunit nakaayos naman. Isinawalang bahala ko na lang at nagsimula nang maglinis dahil baka bugahan na ako ni Manang Mirna na nasa ibaba ngunit naririnig ko pa rin ang kaniyang boses na tila natataranta na at hindi na alam ang gagawin.

Nang mayari sa paglilinis ay napapunas na lang ako ng pawis sa noo. Haay, nakakapagod. Hindi ko alam na may anak pa lang bata sila Ma'am Prozy dahil halos dalawang linggo pa lang rin ako rito sakanila ngunit kailanman ay hindi ako nakakita ng bata rito sa mansyon.

Simula kase nang mapunta ako rito at magtrabaho ay halos sa kusina ako tumutulong at kung paglilinis naman ay puro sa guest room. Ngayon nga lang ako naglinis dito sa second floor dahil lahat kami ay may mga nakatokang gawain. Dahil na rin siguro may ganap mamaya kaya't busy ang lahat.

Sa bilis ng araw ay hindi ko na rin namalayan na medyo matagal na rin pala ako rito. Everything was just like a bliss. Kung bakit ako napunta rito at naninilbihan sa magasawa.

Nang mangyari yon ay inalok ako ng malaking pera ni Ma'am Prozy ngunit agad ko itong tinanggihan. Ang tanging sinabi lang niya ay napakalaking utang na loob ang ginawa ko that time. Agad akong tumanggi ngunit agad din siyang nakaisip ng paraan, at kaya ako narito ngayon.

Actually okay lang naman sa'kin to, ang manilbihan kesa tanggapin ang ganon kalaking pera at marangal na sumahod. Buti na lang talaga at malapit lang ang university na pinapasukan ko kaya nilalakad ko na lang sa umaga.

Agad akong bumaba upang puntahan si Manang at maghintay ng mga susunod niya pang utos. Ngunit pagkababa ko ay agad akong napapunta sa front door ng lahat ng mga kasambahay ay luminya at tila mga estatwang tumayo roon habang ang pinto naman ay malayang nakabukas.

Puno ako ng kalituhan nang may pumaradang sasakyan sa tapat ng pinto. Dahan dahang bumukas ang pinto ng kotse at iniluwa noon ang isang matangkad na lalaki.

Napaayos ako ng tayo nang magtama ang mga mata namin. Napahigpit ang hawak ko sa mga balde at panglinis nang feeling ko ay mabibitawan ko sila. Tila natulos ako sa pwesto ng mapagmasdan ko ang kaniyang mga mata.

"Welcome back, Sir Khaine!" They all greeted him. Napatingin ako sa gawi ni Manang Mirna na pinanlilisikan ako ng kaniyang mga mata at agad ko namang nakuha ang ibigsabihin nito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 17, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Sparks Of Delicacy Where stories live. Discover now