Chapter Wan

6 0 0
                                    


"Love" yan yung pisting Feeling na kahit sino tinatamaan. Kahit nga minsan bata, nararamdaman na yan eh. Diba? Pag bata nakaramdam nyan, tawag puppy love. Pag teenager o matanda na, tawag Love na talaga. Eh pano kapag nagkagusto ka sa kaaway mo o kinaiinisan mo. Ano kaya tawag dun? Enemy Love? Haha, keh. ang korny.

"Earth to Ana! Earth to Ana!"

"Ha? Ano nga ulit yun?" tanong ko kay Jorcelle.

"Sabi ko ang ganda mo. Kaso bingi ka lang. Nakakaiyak tuloy" sagot naman nya.

"Pisti ka! Alam mo yun? Tara na nga. Baka mamaya First day pa lang, late na agad tayo" sabi ko naman tapos nauna na ko sa classroom namin.

Si Jorcelle Alonzo, sya yung bestfriend/only friend/pinsan ko. Kasi nga wala kong pake sa social life ko. Dun ako ngayon nakatira sa bahay nila since pagkamatay ng parents ko, cause by car accident. Sa mga pinsan ko, sya lang talaga yung pinaka close ko. Yung kapatid naman nyang pinag lihi kay satanas, yun yung pinaka malayo ang loob sakin. Kasi napaka sama ng ugali nun.

Bago ko pumunta ng classroom, dumaan muna ko ng canteen kasi nakaramdam ako gutom. Di na kasi ako nakapag almusal kanina sa bahay kasi minamadali akong pumasok ni Jorcelle. Akala mo naman tatakasan sya ng school eh. Haha, Chos lang.

Pagdating ko sa may canteen, naghanap na agad ako ng makakain ko ng mabilisan lang. At sakto, nakita ko yung hawaiian pizza sa may counter. Kaya dali dali akong pumunta dun tapos binili agad yung last slice ng pizza.

Pagkabili ko nung pizza, lumabas na rin ako ng canteen. Di naman ako mahilig tumambay dun, lalo na kapag hindi ko kasama si Jorcelle.

Naglalakad na ko papunta ng classroom ng biglang may bumangga sakin tapos tumilapon yung last bite na sana ng pizza ko. Pisting yan.

"Hoy, Kuya!" tawag ko dun sa bumangga sakin.

"Oh, Bakit Miss?" pisting to. Kitang bwisit na bwisit na ko, nginingisihan pa ko.

"Punyeta ka po. Kalalaking tao, ang gaslaw gaslaw mo" sermon ko sa kanya habang titig na titig na muka nya. Infairness, ang gwapo nya. Ay, pisti. Ano ba tong sinasabi ko? ang panget pala nya! muka syang patay na kuko!

"Wow ha? sino ba kasing tanga ang kakain na nga lang ng pizza nakapikit pa? Ngayon ka lang ba nakakain nyan? Hahaha, kawawa ka naman pala" sagot tapos ngisi ulit. Arggghhh! bwisit.

"FYI, Kuyang mukang patay na kuko. Ganon talaga ako kumain. Kaya kung gusto mo, gumaya ka" this time, ako naman yung ngumisi sa kanya

"Sinong mukang patay na kuko? Ha?" oj yung muka nya. Parang sasabog na sa sobrang galit eh. Hahahahaha.

"Late na ko. Bye!" sabi ko tapos nilagpasan ko na lang sila ng mga kasama nya na I think mga kaibigan nya.

Dali-dali akong nagpunta sa classroom kasi late na talaga ako. Sana wala pang teacher. Kundi, patay ako nito. First day na first day, may nakaaway na agad ako tapos late pa sa klase. Ang malas ko naman.

Pagdating ko sa classroom, may teacher na. Muka naman syang mabait, kaya siguro hindi ako pagagalitan------

"Excuse me, Miss? dito ka?" tanong nya with matching taas pa ng isang kilay. Paktay na. Mataray pala sya.

"Ah-eh. O-opo"

"Pumasok ka na! Ano? tatanga ka na lang ba dian? O inaantay mo na hilahin pa kita papasok?"

The Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon