Althiana Pov.Pagka balik nya dun sa upuan nya na katabi ko. Feeling ko medyo naging duwag ako. Kasi naman eh, isang dakilang scholar lang ako dito tapos kinalaban ko pa yung may ari ng school na pinapasukan ko. Para tuloy akong sumabak sa gera na tanging sarili ko lang yung dala ko.
Yung mga nababasa ko sa wattpad, kapag nakaaway nung bidang girl yung bidang boy na may ari ng school, pinarurusahan nung boy yung girl eh tapos in the end magiging sila. Sakin kaya, mangyayari kaya yun? Haha, I think hindi eh. Kasi naman, isang mukang kuko tapos ako? Ha.ha. baka magka happy ending. *sarcasm*
Lumipas yung ilang subjects namin pero hindi talaga ako gumalaw sa kina uupuan ko. Feeling ko kasi parang may deadly weapon na nakatutok sakin tapos kapag gumalaw ako, mamatay ako. Kasi naman eh.
"Huy, ok ka lang?" tanong sakin ni Jorcelle. Napansin nya siguro na parang naging tuod ako nung tumabi sakin tong pisting Jack na to.
"O-Oo naman. B-bakit?" sabi ko sa kanya tapos nag fake smile ako.
"Takot naman pala. Haha" biglang bulong sa kawalan nitong Jack na to.
"Sure ka?" paninigurado ni Jorcelle sakin. Tapos nag nod lang ako sa kanya.
Jack Pov.
Di ko alam kung matatawa ba ako o ma-aawa dito sa babaeng to eh. Kasi naman pagtapos nyang magpakilala sa harapan, hindi na sya gumalaw pa dun sa kinauupuan nya.
Nung tinanong sya nung katabi nya na kung ok ba sya. Natawa talaga ako tapos hindi ko na napigilang magparinig sa kanya. Kasi naman nag utal utal sya tapos nag fake na ngiti.
"Pre' ayos ka lang ba?" -Isaac
"Anong nakakatawa? Ngayon ka lang tumawa simula kanina ah" -Jaden
"Baliw kana ba, Pre" -Gert
"Kelan ba pinag bawal ang pagtawa?" seryoso kong tanong sa kanila. Kasi naman, tumawa lang parang ang big deal na agad sa kanila. Psh.
"Di naman sa pinag babawal. Na curious lang kami sayo. Yun lang yon" sagot naman ni Isaac.
"Oo nga" sabay na sabi nila Gert at Jaden.
"May nakakatawa kasi, kaya ko tumawa. Ano ok na?" sagot ko naman sa kanila.
Pagtapos ng pang apat na subject namin, break time na. Kaya lumabas na agad kaming apat ng classroom tapos dumiretso na kami dun sa may tambayan namin. Dahil nga sa wala kaming pag kain, inutusan ko muna silang bumili sa canteen.
"Hoy, Jaden! Bumili ka nga dun sa canteen" utos ko.
"Hala, bat ako? si Gert na lang" turo naman nya kay Gert na busy sa pakikipag text.
"Masama pakiramdam ko. Si Isaac na lang" turo naman nya kay Isaac na nagtutulog tulugan para hindi mautusan.
"Ayaw nyong bumili? Sige, madali lang naman akong kausap eh" sagot ko sa kanila tapos nag unahan na silang tatlo sa pagbili ng kakainin namin. Haha, takot naman pala eh.
Dahil wala kong kasama sa tambayan, lumabas muna ko saglit. Ang boring eh. Naglalakad lakad ako sa may loob ng campus ng maka salubong ko ulet si Althiana, yung babaeng napagtripan ko.
"Hoy!" tawag ko sa atensyon nya.
"Ano?!" nagulat ako hindi dahil sa sinigawan nya ko, kundi dahil sa umiiyak sya.
"Anyare sayo? Bat ka umiiyak?" taka kong tanong sa kanya.
"It's none of your business" sagot nya tapos nilagpasan ulit ako. Bwisit yun ah. Pangalawang beses na nya kong nilalagpasan.

BINABASA MO ANG
The Unexpected Love
Teen FictionUnexpected - Hindi inaasahan, biglaan. Kahit sino nakakaramdam ng LOVE. Minsan nga kahit bata nararamdaman na yan eh. Diba? At kahit kanino pwede mong maramdaman yan. Kung minsan maski kaaway mo sya kapag tumibok yung puso mo sa kanya, wala na. Inlo...