Maja's POV
"Ate Maja!! Bumangon ka na daw!!"Ang aga-aga ang ingay ni Macky.Pinsan ko.hindi ko siya pinansin at na tulog lang ulit ako!
"Ate Maja!Ang sakit na ng bibig ko!!Please naman Nagagalit na Si Tita!!"
"Pabayaan mo siya!"
"Ate Maja,Patay ka aakyat na siya!!"
Nagtransform agad ako na kunwari nagaayos ng kama at kanina pa gising.
"Hoy Maria!Kanina ka pa sinisigawan ng pinsan mo ah.bat di ka man lang Sumasagot?"
"Eh Tita,Busy ako."
"Busy?Busy?" Sabay pingot saakin.Etong si Tita Alma bumibingo na to saakin eh!!Dapat Alma U Mapanakit ang pangalan neto eh!!
"Bilisan mo at papasok ka pa!"
"Opo Tita"
Saka siya umalis.
Dahil wala na ang Tita ko ay humiga ulit ako.
"Ate Maja!Ang tagal mo naman...Ano bang ginagawa mo jan?! Binibilang tigyawat mo?
"Tumigil ka na nga jan,Macky.Baka masargo kita ng wala sa oras!!"
"Bilisan mo na lang,Te!"
"Wag mo akong madaliin jaan!!"
"Tsk."
Grabe talaga.Ibang klase talaga mga tao sa bahay nato..ako lang yata matino.Di na rin nakapagtataka ako lang maganda eh.Chos.
---------------------------------------------
Paalis na kami ni Macky papunta kami sa School namin.3rd year high school siya at 4th year ako.Pareho kaming nagaaral sa Shining star in the sky.Mga rich kid lang pwede dun pero Since naknakan kami ng talino ng pinsan ko eh pasok kaming dalawa.Habang Nagalalakad kami ay may dumaan na isang mamahalin na kotse at sa sobrang bilis eh na out of balance ako at na paupo sa putikan.
"Ate Maja,Ok ka lang?"
"Aggghhhh!Hindi ako ok!!"
"Tulungan kita tumayo jan.Nasarapan ka yata sa pagupo eh."
Tinulungan niya ako tumayo.sabay kami lumingon dun sa sasakyan.Pumasok ito sa parking lot ng school ko.
"Ang dumi ko tuloy at ang panget ko na tignan!"
"O?May nagbago ba?"
"Epal ka din talaga eh!"