Nag simula ang lahat ng isang araw ay pumunta kami sa school at habang nagtuturo ang teacher ay hindi ko namalayan na nakatulog pala ako.
nanaginip ako na nasa Upuan ako na malapit sa lake na may fountain at may nakita akong babaeng nag iisa dun, sa Hindi kalayuan kaya pinuntahan ko siya at pag lapit ko sa kanya ay nakita ko na nag pipinta siya.
Pinipinta niya yong fountain, napaga galing niyang mag pinta parang Xerox copy lang at dahil pinapanood ko siya habang siya ay nagpipinta napansin niya ako at tinanong niya ako kong anong kailangan ko at sabi ko naman.
"Hi miss ang galing mo palang mag pinta"
Habang nakangiti ako sa kanya
At sabi niya."ahm. ganun ba? salamat, hilig ko kasi ang pagpipinta"
Sabay tanong ko
"Bakit magisa ka lang dito?""wala kasi akong mga kaibigan dito kasi bagong lipat palang kami sa lugar nato doon kami nakatira sa kanto"
And then I ask her name.
At ang sabi niya siya daw si Angel Sabi ko Wow! Ang ganda naman ng pangalan mo sabay tinanong niya rin ako
" ikaw anong pangalan mo?
"ako nga pala si bryan"
At nagulat ako ng bigla akong may naririnig na pumapalakpak at Bigla nalang akong nagising dahil sa lakas ng palakpakan dahil ginising ako ng teacher ko pero hindi niya na ako napagalitan dahil saktong uwian na pala yun.
Kaya nag uwian na lahat at habang nag lalakad ako pauwi na isip ko na sana makita ko ulit sa panaginip ang napakagandang babae na si Angel at pag uwi ko.
At pag uwi ko sa bahay namin ay kumain ako at nag review ng mga Lecture kanina.
at gumawa narin ako ng mga assignment at dahil masyadong marami ang mga assignment ko ay 10:00 PM na ako natapos kaya inaantok na ako kaya naisipan kong matulog na at bukas ko nalang ulit itutuloy ang mga assignment ko.at Nang nakatulog na ako ay nanaginip ulit ako na nasa lake ako na may fountain at katabi ko na si Angel at sabi niya na
"Hi Bryan kanina pa kita hinihintay dito para may kasama naman ako"
Nginitian ko siya.
"nag pipinta ka nanaman ba?
"Oo, kaso nakakasawa na tong lugar nato gusto ko naman makapunta sa dalampasigan yong tipong palubog na yong araw Gusto ko yong iguhit"
At hinawakan kong bigla ang kamay niya at bigla kaming nalipat sa lugar na gusto niya nabigla siya nun Baka kasi hindi niya pa alam na panaginip lang ang lahat nang ito.
Nang makita niya ang napagandang tanawin ng Dalampasigan ay agad niya itong ipininta.
Lumipas ang ilang minuto ay malapit ng matapos ang Pag pipinta niya tiningnan ko ang pinta niya napagaling parang picture lang.
at ng matapos siyang magpinta ay ipinakita niya ito saakin Sabay sabi na
"maganda ba?"
" Oo sobrang ganda"
"salamat"
BINABASA MO ANG
Panaginip
Teen FictionNagsimula lahat sa isang panaginip Na akala ko hanggang panaginip nalang. Pero hindi pala. This story was created by my brother.