Chapter 2

24 1 0
                                    

Chapter 2

"Hello Ryan?"

(Oh Abree?)

"Okay na ba yung tutuluyan ko sa batangas?"

(Uhh yeah yeah. Nasabihan ko na yung best friend ko don. Okay lang daw sa kanya)

"Oh talaga?! Thank you talaga Ryan pero...... sino yung bestfriend mo don ha?!"

(Abree wag ka na magselos ano ka ba?! Ikaw pa rin pinaka best friend ko. Saka magiingat ka don ah wag ka mag alala hindi ka mahahagilap ng possesive mong boyfriend mo na ex!)

"Wahhhh oo na thank you talaga! Maasahan talaga kita Ryan!"

(O sige na bye na. Palitan mo na yang cellphone mo at sim card mo ng makalayo ka na sa boyfriend mong baliw)

"Sige sige. See you when I see you!"

*CALL ENDED

Ryan is my bestfriend. He's so kind.......to me nga lang. He always protect me, especially sa crazy possessive boyfriend ko.

Andito ako ngayon sa isang coffee shop. Lumayas muna ako samin dahil ayoko nga makita yung Eric na yon!

Laking pasasalamat ko ng maraming tumulong sakin sa mala impyerno kong buhay. Hayyyy.

Napag pasyahan ko na sumakay na ng taxi.Bahala na kahit magkano ibabayad ko basta dalhin niya ko sa titirhan ko!

Iniwan ko na yung cellphone at sim ko don sa coffee shop kasi malamang ngayon palang hinahanap na ko ng tukmol na Eric na yon! At malamang sinabi niya na kay dad na nawawala ako at pati sila hahanapin ako! BAHALA SILA MAGHANAPAN!

Fyi. Marami akong pera. Mas sarili akobg trabaho. Mas sarili na rin akong bank account kaya walang problema sa paglalayas ko. I'M SO FREE!!

Well nalimutan kong magpakilala. Im Abrianna Nione Cortez. 21 years old. Daughter ng isa sa mayamang business man sa Pilipinas. Pasaway ako, madalas. Minsan daig ko pa yung teenager kung magkikilos at magsasalita e.

Mukhang malayo pa byahe ah. Goodbye muna. Matutulog muna ako. Ciao

-----------------

Nandito na ako sa tapat ng isang two storey house. Hindi naman siya kalakihan. Hindi mukhang mansyon pero hindi rin maliit. Sakto lang.

Tahimik din dito kasi medyo malayo sa bayan. Halatang ayaw ng maingay nung may ari.

DING DONG!

Wala pa rin?

DING DONG!

Wala bang tao?

DING DONG! DING DONG! DING DONG! DING DONG! DING DONG! DING DONG!

"What the hell sino ba yan?!"

Oh? May tao? Buti naman.

Sumilip naman yung lalaki na nasa loob ng bahay.

"Hi! Andyan ba yung may ari nitong bahay" ako

"Bakit?"

Ang tanong naman ni kuya!

"I need to talk to her kasi e" ako

"Bakit?"

Naiinis na ako ah.

"Just call her na lang. Tawagin mo na yung amo mo!" Ako

"A-ANO?"

Ano ba naman to. Bingi ba to?

"Tawagin mo na kako yung amo mo. Ano ba yan!" Ako

"A-amo?! Teka miss sino ka ba?!" Lalaki.

"Ako yung pinapunta dito nung friend ko. Ano ba?! Pwede na bang makausap yung amo mo?!" Nakakapikon na kausap to ah

"Ikaw? Ikaw si Abree Cortez?"

"Teka bakit mo ko kilala?......Dont tell me??...... Stalker ba kita?!"

"Kapal mo ha. Baka gusto mong hindi na kita patirahan dito dahil diyan sa katarayan mo!"

Omg dont tell me siya yung may ari?

"Dont tell me ikaw yung may ari?" Ako

"U-huh!" Lalaki

"Weh? Joke ba to? Dapat na ba akong tumawa para hindi ka mapahiya?" Ako

Hindi niya ako sinagot at tiningnan niya lang ako ng masama at parang sinasabi na serious-ako-look

"E sabi ni Ryan yung bestfriend niya daw nakatira dito?" Taka kong tanong

"EXACTLY At ako yon!"

OH MY GOD TALAGA! YARI KA SAKIN RYAN KAHIT TINULUNGAN MO KO ARRGHHH PAPATIRAHIN MO NAMAN AKO SA BAHAY NG ISANG GWAPONG NILALANG KASO NGA LANG UBOD NG SUNGET. NILAYO MO NGA KO SA BALIW NA LALAKI NILAPIT MO NAMAN AKO SA MASUNGET NA LALAKI!! AKO NA MABABALIW NITO EH!

"Are you sure?!" Ako

"Oo. Ano? Pwede kitang paalisin ngayon din dto sa bahay ko dahil pinagsasabi mo..... pero dahil mabait ako ngayon at naaawa ako sayo kaya pumapayag ako. Ano? Titira ka pa ba? Sabihin mo na ng malaman na si Ryan...." siya

Mabait pa siya sa lagay na yan?

Lul!

Mukhang safe naman ako dito kaya ito napili ni Ryan na pansamantala kong tirhan kaya hayaan na. Di naman ako lalagay sa alanganin non e pero humanda parin siya!

"Fine. Payag na ako makikitira ko sayo!" Ako

"Ikaw pa galit niyan?! Baka gusto mong hindi kita papasukin dito." Siya

Arrgghhn JERK!

"No! Sorry okay sorry? Pssh"Ako

"Okay bago ka pumasok sa bahay KO. Anything you want to say?" Siya

Ano naman sasabihin ko sa kanya? Baliw ba to?

"Ano?" Irita kong sabi

"You need to apologize" siya

APOLOGIZE?!

BALIW DIN BA TO?!

WHY WOULD I DO THAT

Kailangan pa ba yon!

"WHAT?! NO WAY!"

Why would I?! Sa ganda kong to mag sosorry sa kanya! Mamatay na lahat ng ipis sa mundo!!

"Okay sabi mo e. Ge hanap ka nalang iba mo titirahan" tatalikod na sana siya ng magsalita ako

"Okay fine .........I'm sorry. Okay?" Ako

No choice din. Mahirap na makita pa ako ng crazy Eric na yon!!

"Okayyyyy"

Binuksan niya ng mas malaki yung gate para lang makapasok ako ng maayos at pinapasok niya na ako

"Brat" narinig kong sabi niya saka naglakad papasok ng bahay

"Jerk"bulong ko

"What?!" Siya

"I said thank you" saka inunahan siyang pumasok ng bahay niya. I dont care gusto ko mauna e! Bahala siya.

YARI KA SAKIN TALAGA RYAN. HINDI NIYA MAN LANG SINABI NA LALAKI PALA TONG BEST FRIEND NIYA!!!

-----------
Abrianna Nione pronounced as Ah-bri-ya-na Na-yow-ni

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 27, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Instant Husband!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon