Chapter 11

12.2K 300 53
                                    

Minsan oo minsan hindi..

Minsan tama minsan mali..

Umaabante umaatras..

Kilos mong namimintas..

Kung tunay nga ang pag ibig mo..

Kaya mo bang isigaw..

Iparating sa mundo..

Nakakuha si Aziel ng samot saring reaksyon nang magsimula na siyang kumanta. Marami ang naantig sa malamig niyang boses.

Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng kakaibang haplos sa puso ko nang mapakinggan ang kaniyang boses, kay sarap no'n pakinggan kaya pinagtataka ko kung bakit niya nasabing insecure siya sa boses niya gayung mas maganda pa yata ang boses niya kaysa sa main vocalist ng banda nila.

Tumingin sa aking mata..

Magtapat ng nadarama..

Di gustong ika'y mawala..

Dahil handa akong ibigin ka..

Kung maging tayo..

Sa'yo lang ang puso ko..

Ramdam ko kung gaano niya dinadama ang kinakanta niya. Hindi nakaligtas sa paningin ko si Catalina na bakas ang pagkamangha sa napapanod. Napasinghap ako nang magtama ang paningin nilang dalawa dahilan para muling umalingaw-ngaw ang tilian ng mga kababaihan.

Ito ba ang dahilan ng pagpapapunta mo sa 'kin dito, Aziel?

Bago pa magsipatakan ang luha sa mata ko ay mabilis na akong lumakad palabas ng University. Animo'y zombie ako na naglalakad sa tahimik na kalsada, hindi pa man din ako nakakalayo nang kaunti sa University ngunit dinig ko pa rin ang malamig at nakakaengganyong boses ni Aziel.

"Who would think that a woman like me will fall inlove to a man who's always give me a headache?" Sarkastika kong bulong sa sarili habang tahimik na naglalakad pauwi.

Habang nag-iisip at naglalakad pauwi ay may namataan akong puno kung saan may duyan na nakatali sa sanga no'n. Nagdalawang isip pa ako kung pupunta ako roon pero dahil kailangan kong mag-isip-isip ay mabilis akong lumakad at umupo sa duyan na 'yon.

Doon ako nakaramdam ng komportableng pakiramdam. Nakaharap ako sa malawak na palayan, kita rin ang anino ng bundok sa malayo at mga naghahabulang mga ibon sa ere, huling tingin ko sa oras ay 4:25 pm na ng hapon.

"Sinong mag-aakala na mahuhulog ako sa lalaking gaya mo, Aziel?" Pabulong kong saad. Saglit akong napapikit nang umihip nang bahagya ang sariwang hangin bago ako muling magmulat.

Tumingin ako sa kalangitan, unti-unti na namang kumukulimlim indikasyon na uulan na naman ngunit wala na akong pakielam.

Kinagat ko ang labi ko bago muling magsalita. "Hindi ko matanggap. Hindi ko matanggap na mahuhulog ako sa 'yo, Aziel." Nagsimula na akong mainis. "Ang tipo ko ay mayaman at city boy!" Napapadyak ako sa inis.

Muli ko na namang naramdaman ang pangingilid ng dalawang mata ko. Naiinis ako sa katotohanan na na-inlove ako kay Aziel nang ganoon kabilis gayung nahihirapan akong utuin ng mga sumusubok sa 'king lalaki!

"I don't deserve this! I really don't!" Singhal ko sa kawalan, muntik pa akong mapasigaw nang bigla ring kumulog ng malakas dahilan para tuluyan na akong mapahagulgol.

Wild And Heartless Mistake (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon