Simula

10 0 0
                                    

Malamig na hangin ang bumabalot sa 'kin habang nakatingala sa kalangitan. Niyakap ko ang mag kabilang binti at sinandal ang ulo sa pader.

Unti-unting lumalagas ang mga luhang kanina ko pa gusto pakawalan. Ang sarap lang sa pakiramdam kapag nalalabas iyon, i feel like i need to cry to atleast ease the pain before standing up and continue the unfinished task. 

"Ang hirap nyo naman mahalin..." mahinang saad ko. "I'm trying my very best to be the daughter you want me to be..." na basag ang boses ko, tuluyan na akong humagulgol at sinandal ang noo sa tuhod.

"P-Pagod na ako..."

Ilang segundo ganoon ang posisyon ko bago ulit tumingala sa kalangitan, pinagmamasdan ang mga bituin na kumikinang.

Kailangan kaya darating ang araw na kikinang ako?

Pinunasan ko ang mga luhang umaagos gamit ang palad ko.

"Steady... Okay, Cut! Nice work Jurelle." Direct Garold said. "Hair Stylist and Make up Artist, paki-ayusan na si Jurelle for next scene."

Tumayo na ako at pumunta sa dressing room. Sumunod naman sa 'kin sina Bri at Isra.

"Ni hindi ka man lang pinag emote ng matagal," komento ni Isra ng makapasok na kami ng dressing room, sinara naman ni Bri ang pintuan.

Nag-tungo ako sa upuan at uminom ng kape na binili ni Bri kanina bago siya pumunta dito. Nahuli na naman kasi.

"Ewan ko nga sa isang 'to," turo ni Bri sa 'kin. Nasa mag-kabilang gilid ko na silang dalawa. "Mas pinupursue ang pagiging aktres kaysa pag momodel, e halata naman na mas gusto niya ang pag rampa." Tumango naman si Isra bilang pag sang-ayon.

Hinayaan ko na silang bumunganga. Araw araw ba naman. Nagiging immune na ako sa dalawang 'to.

"Kaysa naman sa isa diyan, parang concealer lang kasi ginawang panakip butas," pag-paparinig ko.

"Wasn't me." Mabilisang tugon ni Isra at nagsisimula na akong ayusan.

Tinawanan naman siya ni Bri. "Tinamaan,"

Inirapan naman ni Isra si Bri. "Nahiya naman ako sa isa diyan, kung ako ginawang panakip butas. Ano na lang kaya yung isa?"

"Ginawang Stylist para sa kasal ng ex," agaran kong sagot.

Funny how traumatic events of our life ay nagagawa pa nating gamiting biro. Well, pwede naman pero piling tao lang. At imbes na tapusin nila ang pag-aayos saakin ay puro pa sila batuhan ng mga katangahan sa buhay pero kahit ganiyan sila nagpapasalamat ako sa kanila sa maraming dahilan. 

Agad naman siya nag react. "Wow, nahiya ako sa inyo ha, sa sobrang galing mo umarte pati yung taong gusto mo –" she was cut off by the staff.

"Tawag ka ni direk,"

I let Isra finish my make up and then I stood up para puntahan si direk. Sana naman makatulog ako ng maaga hindi sa umaga. This will be my last project then I will pursue my modeling career.

Actually hindi na dapat ako kukuha pa ng proyekto para makapag focus ako sa pag momodelo at may time na rin ako para sa sarili kaso sayang din naman at sinabi ko na rin sa sarili ko na huli na ito.

It wasn't a big project, so I said yes. Isa rin sa dahilan kung bakit ko kinuha ang proyektong ito dahil ang role ko dito ay isang anak na gustong-gusto marinig at pakinggan, pero hindi sapat ang lakas na loob na meron siya para magsalita. Bago sa 'kin ang ganitong eksena kaya naman I take the opportunity. Yes, I had heavy scenes before but it was all because of break-ups. Lagi kasi na pupunta sa 'kin na proyekto ay romance na kailangan ng loveteam.

And here I am, pouring all my efforts and passion in acting just to give justice to the role.

Nakita ko si direk na may kausap na staff at si Barlie.

"Direk," tawag ko kay direk ng makalapit na. Lumingon naman sila sa 'kin.

"Hi Jurelle," bati ni Barlie. Kumaway pa at ngumiti.

Kung hindi lang kami nasa set baka sinunggaban na ako ng yakap ng baklang 'to.

"Hi Barlie," ngumiti ako.

Lumingon na ako kay direk. "Tawag nyo raw ako direk,"

"Ah yes, you only have few more scenes to shoot kaya naman sa susunod na iyon dahil sabi ni Barlie ay may pupuntahan daw kayong event."

"Yes direk, we are very late kaya naman mauuna na kami." Hinila agad ako ng bakla. Nag pahila na rin ako dahil puro ma bibigat na eksena na rin ang nagagawa ko ngayong araw.

Nakakaubos na rin ng luha minsan.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko kay Barlie nang makaupo sa shot gun seat at sinuot ang seatbelt.

"To meet your partner for your new project," pormal niyang sabi at pinaandar ang makina.

Nilingon ko siya. "Do i need that?"

Nilingon niya rin naman ako. "Didn't you tell me you want to pursue your modeling career?" Nakataas isang kilay niyang tanong. "One famous clothing brand want you to be their model for their new collection, pero..." tumingin na siya sa harapan at nagsimulang magmaneho. "Pero may kasama ka." Pagpapatuloy niya.

Well hindi naman big deal sa 'kin iyon, atleast meron na akong bagong proyektong pag-kakaabalahan.

Hindi na ako nagtanong pa dahil biglang tumawag sa 'kin si Isra kung nasaan ako at bakit hindi ako nag-paalam sa kanila. Sinabi ko sa kanila na hinila lang ako ni Barlie at may pupuntahan kami para sa bago kong proyekto. Natuwa naman sila lalo na't gusto rin nilang ipagpatuloy ko ang pagmomodelo.

Half hours later. We arrived here sa tulaka bar. Really?! Sa bar? I thought meeting ang pupuntahan ko kasama ang may ari ng clothing brand.

I didn't know it was just a simple "nice to meet you" scenery.

Lumingon ako kay Barlie na pinapatay na ang makina. Halata sa itsura ko ang pagtatanong kaya naman umiling lang siya sa 'kin bilang sagot.

"Let's go," maarte niyang sabi.

Lumabas na siya kaya naman sinundan ko lang siya. Para akong tuta naka sunod lang sa likod niya.

Malakas na tunog ang sumalubong sa 'min. Naglakad siya, hindi ko alam saan siya papunta pero nakita kong papunta kami sa VIP area.

Huminto siya kaya huminto rin ako. May kinakausap na siya kaya naman sumilip ako at nagtama ang mga mata namin. I stood up straight sa gilid ni Barlie. That's why... kaya pala... iba ang mood niya kanina pa.

"Elle..."

I got goosebumps the way he mentioned my name. I never thought we will meet again. Kung magkikita man, hindi sa ganitong pagkakataon. Hindi sa ganitong lugar. At mas lalong hindi ngayon dahil hindi pa ako handa harapin siya ulit. 

"Mr. Alvarez." Malamig kong bati.

It's him.

The man I wanted to run away in every scenery.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 02 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chasing SceneryWhere stories live. Discover now