Part 19

1.1K 12 0
                                    

Chapter 18

*Mahal kasi kita*  

[Kryzel's POV]  

"oh game! Game!" sumenyas si Drew and lumapit si Stephen at Rence sa kanya. 

Pinagpatong-patong nilang tatlo ang mga kamay nila "maalis taya!" they all said in chorused. 

"oh yes I'm safe!!" sabi ni Rence habang nagtatatalon 

"me too!" nag high-five si Rence at si Drew. 

"cheaters!! Ulitin natin to! Hindi maaari!!" pagrereklamo ni Stephen habang nakasimangot 

Inakbayan ni Rence si Stephen "sorry bro, hindi na pwedeng ulitin eh! " 

Lumapit naman si France atsaka ipinulupot ang kamay niya sa braso ni Stephen "baby loves, alam ko naman na

gustong gusto mo akong makatabi eh! " 

"tigilan mo ko!!" 

Nag maalis taya ang mga boys kung sino ang makakatabi ni France for two weeks, at kung suswertehin nga naman

si France, si Stephen ang natalo. 

Tinignan ko sila habang nagtatawanan.  

Mukhang masaya naman si Rence eh. Nakakapagdalawang isip tuloy kung totoo yung sinabi niya saakin kanina. 

"masisisi mo ba ko Kryzel? Nakikita ko ang babaeng gusto ko na nasasaktan dahil sa walang ka-kwenta kwentang

lalaki at wala akong magawa para alisin sa kanya ang sakit na nararamdaman niya. Masisisi mo ba ako kung bakit

ako nagkakaganito?" 

Waaaaaaaaaaaah nababaliw talaga ako! Ano ba talaga ako sa kanya? Gusto niya ba talaga ako? 

Pero paano? 

I mean, hindi naman kami talaga magkakilalang dalawa eh. Saglit pa lang kami nagkakasama. Ni hindi nga kami

close eh. At isang beses ko pa lang siya nakakakwentuhan, at lasing pa ko nung mga panahon na yun na nahantong

pa sa.. you-know-what. 

Kung meron man talagang nangyari. 

Paano niya ako magugustuhan? Ano yung love at first sight?  

No, I don't believe at love at first sight. Dahil kung ganoon nga nangyari, hindi naman pagmamahal ang tawag dun,

dahil mukha ko lang ang nagustuhan niya hindi yung tunay na ako. 

But still... 

*sigh* 

May biglang nag doorbell, binuksan naman ni Naomi yung pinto. 

"oh ma'am Icalla" 

Si Ma'am Icalla yung professor na kasama naming pumunta dito. 

"kamusta kayo dito?" 

"ok lang po ma'am" 

"nag dinner na ba kayo?" 

"yes ma'am!" we all said in chorus 

"by the way, Drew and Kryzel, wala pa kayong naka schedule na activities tomorrow so free kayo mamasyal.

Ikaw din Rence" 

Si Rence? Wait kasali din ba siya?

"yes ma'am!" 

breaking his heart💔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon