Sorry, I Lied

5 2 0
                                    

"Kian kilala mo si Karl yong sa kabilang department?" Tanong ni Monica sa kaniyang bestfriend na si Kian

"Karl? Si Karl Santos ba ng Engineering B?" May mahinang ngiti na tanong ni Kian

Si Kian at Monica ay matagal ng magkaibigan, pareho silang Engineering ang kinuhang kurso

"Yup!" Nakangiting sabi ni Monica

"Oh anong meron?" Takang tanong ni Kian na may blankong mukha

"Hmmm, nanliligaw siya sa akin" namumulang sabi ni Monica

Natigilan si Kian sa kaniyang mga narinig at sinabi "okay then?"

Ngumiti si Monica at sinabi "Okay lang ba sayo?" Mahinang tanong ni Monica

"Kung anong desisyon mo okay lang" walang magawang sang ayon ni Kian

Sa katunayan may Gusto si Kian kay Monica ngunit ayaw niyang masira ang kanilang pag kakaibigan, ganun din si Monica sinusubukan niya lamang kung mag seselos ba si Kian, ngunit nakita niyang walang reaksyon si Kian

"Hindi kaba nag seselos?" Nahihiyang tanong ni Monica at pinilipit ang labi

"Bakit ako mag seselos? Magkaibigan lang tayo" nag aalangan na sabi ni Kian at ngumiti ng mapait

Tumingin lang si Monica at hindi nag salita, makalipas ang ilang buwan naging mag kasintahan si Monica at Karl, ipinakilala ni Monica si Karl kay Kian. Bakas ang pag seselos ni kian ngunit ngumiti lamang siya at nakipag kamay at binati ang dalawa, nakita ni Monica ang selos sa mukha ni Kian ganun din si Karl.

Naging maayos ang relasyon ni Karl at Monica ngunit makalipas ang dalawang buwan sa isang silid nag uusap si Karl at Monica

"Monica, gusto ko lumayo ka kay kian alam ko may gusto siya sayo" nakasimangot na sabi ni Karl

"Ano kaba? Mag kaibigan lang kami ni Kian ang tagal na natin hanggang ngayon pinag seselosan mo pa rin siya?" Galit na sabi ni Monica

"Paanong hindi mag seselos! Sa bawat labas natin mas sweet pa kayong dalawa! Tsaka date natin yon bakit ba palagi mo siyang sinasama?" Galit na sabi ni Karl

"Kaibigan ko si Kian kaya gusto ko siyang isama" walang magawang sabi ni Monica

Sa totoo lang kaya sinasama ni Monica si Kian ay para walang magawang hindi kanais nais sakaniya si Karl

"Kaya nga simula ngayon umiwas kana sakanya! Ako ang boyfriend mo!" Galit na sabi ni Karl na may dilat na mata

"Boyfriend nga kita kaibigan ko naman si Kian" galit na sabi ni Monica

Tumingin si Karl at sinampal si Monica at binugbog ngunit walang laban si Monica dahil malakas si Karl, walang nakaalam tungkol sa nangyare, hindi din binanggit ni Monica kay Kian ang ginawa ni Karl at tinatago niya ang mga pasa gamit ang make up

Maka lipas ang ilang araw, sa paaralan napansin ni Kian ang matamlay na Monica napansin din niya ang pag babago kay Monica kaya naman lumapit siya at tinapik ang balikat ni Monica ngunit pag tapik ni Kian ay umaray si Monica

"Aray" masakit na ekspresyon ni Monica

"Oi mahina lang iyon, hindi ba sobra yata ang reaksyon mo?" Takang tanong ni Kian

"Ah eh, nabigla lang hehe" mahinang sabi ni Monica at ngumiti ng mapait

Nakita ni Kian ang gasgas sa braso ni Monica

"Anong nangyare sa braso mo? Sinasaktan kaba ni Karl?" Malamig na tanong ni Kian

"H-hindi, nagasgas lang ako" mahinang sabi ni Monica at hindi makatingin kay Kian

Napansin ni Kian ang reaksyon ni Monica na may itinatago kaya hinayaan niya lamang, nakita ni Karl ang closeness ni Kian at Monica mula sa labas ng silid ngunit hindi siya pumasok, kinagabihan na private room inilabas ni Karl ang galit niya kay Monica at muling binugbog si Monica ngunit sa pag kakataong ito nawalan ng malay si Monica kaya naman nag panik si Kian at hindi alam ang gagawin, kinuha niya ang ang telepono ni Monica at tinext si Kian at sinabi ang eksaktong lokasyon kung nasaan sila, matapos ito ipadala umalis si Karl ng silid

Nabasa ni Kian ang mensahe ngunit tila may mali, dali dali siyang tumakbo patungo sa lokasyon na ipinadala sakaniya. Pag dating sa harapan ng pintuan ng private room kinakabahan si Kian at dahan dahang binuksan ang pinto, pag bukas ng pinto nakita niya ang walang malay na si Monica, tumakbo siya at sumisigaw sa natatarantang estado

"Monica! Monica! Monica!" Tatlong beses isinigaw ni Kian ang pangalan ni Monica ngunit walang tugon

Napansin ni Kian na dahan dahan humihina ang hininga ni Monica kaya naman tumawag siya ng ambulansya at kaagad na itinakbo si Monica sa malapit na Ospital

Makalipas ang ilang oras, lumabas ang doctor mula sa operating room

"Doc, kumusta ang kaibigan ko" kinakabahang tanong ni Kian

Umiling iling ang doctor at sinabi sa pakikiramay na boses "Im sorry, hindi kinaya ng katawan niya, napakaraming nasirang laman at namuong dugo sa katawan niya, may mga nasira din siyang panloob na organo at ang trauma sa katawan niya ang naging dahilan upang mamatay siya"

Nang marinig ito ni Kian dali dali siyang tumakbo sa operating room at nakita doon ang walang buhay na si Monica kitang kita rin niya ang mga pasa sa buong katawan at mukha ni Monica

"Im sorry Monica, hindi ito mang yayare kung hindi ako naging duwag, Sorry I Lied nung tinanong mo ako kung nag seselos ba ako, sana umamin ako para ako ang nag protekta sayo, Im sorry Monica mahal na mahal kita, Sorry, I Lied" humahagolgol si Kian habang sinasabi ang mga linyang ito na may labis na pag si-sisi

-The End-

Sorry, I liedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon