ONE SHOT STORY: Monologue ni Barbara
©happyeverafterexists
Naranasan mo na bang mahulog sa building mula sa 14th floor? Hindi pa? Uhhh.. Kung mula sa 10th floor? Hindi pa din? Eh mula sa 5th floor? Na-try mo na? Ah.. Hindi pa din. *Sigh*
Sige. Ayos lang kahit wala ka pang nasusubukan sa mga 'yon. Don't worry... Ako din naman, wala pang nasusubukan. Hmmm... Pero na-try ko nang mahulog... Hindi nga lang sa building...
Nahulog ako sa tao.. ang kaso, di ako sinalo.
Hinga. Buga. Haaay... Kaya ko lang naman naisipang tanungin kayo kung na-try niyo nang mahulog sa building eh para malaman kung ano nga bang mas masakit... Yung mahulog mula sa mataas na palapag o mahulog sa taong inaasahan mong nandiyan para sumalo sa'yo pero bigla nalang nawala... yung pisikal ba o yung emosyonal? Oh God. Ang corny pakinggan.
Ay nako. Sorry naman ah. Epekto ata 'to ng pagka-broken hearted ko. Nagiging corny. Pagbigyan niyo na.. lilipas din 'to.. pag naka-move on na ako.
(At kelan naman kaya 'yon?!)
Ako nga pala si Barbara. Wag niyo nang alamin hitsura ko at background. Unnecessary. Hindi ko naman sinulat 'tong kwentong 'to para idescribe ang sarili ko eh. Nandito ako para mag-drama, mag-emote, at mag-labas ng inis at sakit.
Putspa naman kasi! Kung kelan ako nagkagusto sa kanya, tsaka naman siya nagkagusto sa iba.
Mga pa-fall talaga. Nandyan lang para pakiligin ka.. Para iparamdam na special ka at minamahal ka. Pero sa panahong ready ka nang mahalin sila, tsaka sila mawawala. Wow ha.
Pero kasalanan ko din naman eh. Gusto lang talaga kitang sisihin para maging dramatic 'tong kwentong 'to.
Pero, totoo naman eh. Kasalanan ko. Kasalanan ko kasi, natakot ako. Natatakot akong mag-assume kasi naranasan ko na yung sobrang sakit mula sa sobrang pag-aassume.
Natakot akong bigyang kulay yung paglalambing mo sakin, yung mga sulat at tula mo para sakin, yung pagsayaw mo ng mga nirerequest ko, yung pagpunta mo sa classroom ko para kulitin ako. Pati na rin yung paghatid mo sakin pag-uwi kahit sobrang late na ng uwian namin.
Itinanim ko sa utak ko na, wala lang lahat 'yon. Na sweet ka lang talaga sa 'close friends' mo.
Pero pano ko ba ma-eexplain yung saya ko sa tuwing kakausapin mo ako? Yung napapangiti nalang ako nang lihim everytime na binabati mo ako sa hallway. Yung nag-aasaran lang tayong dalawa at nagtatawanan sa mga walang kwentang bagay. Masaya eh.
Tapos nung sinabi mo saking 'I love you' at natulala lang ako kaya binawi mo... wala na kasing pumasok sa utak ko eh. Pakiramdam ko, nanlamig ang sistema ko, naputol ang dila ko at napatigil saglit ang pagtibok ng puso ko..
Pagmamahal na ba 'yon?
Shet. Mahal na pala kita dati. Bakit di ko nasabi? Ah. Oo nga pala, takot ako eh.
Pero salamat ah. Salamat parin. *Sigh* Wala na akong balak sabihin sa'yo tutal sabi na rin naman ng kapatid mo, may iba ka na daw gusto. Ayoko nang magulo pa ang utak mo at ko.
Sa sobrang takot ko, di ko nasabi. Nasaktan kita. Nawala ka. Nakahanap ka ng iba.
Pero, kahit ganun ako... Sana man lang, naintay mong ibalik ko sa'yo yung ipinaramdam mo sakin. Sana man lang, napanindigan mong gusto mo ako. Sana, di ka kagad nag-sawa. Sana, di ka muna nagmahal ng iba. Sana, ako ulit. Sana. Sana. Puro Sana.
Ang monologue ni Barbara.
BINABASA MO ANG
ONE SHOT: Monologue ni Barbara
RomanceNahulog ako sa tao.. ang kaso, di ako sinalo. March09/13