Yuri's POV
"Hoy tanga ano oras ka uuwi?" Tanong sakin ni Alex na kakapasok lang. "Pag katapos ko gawin tong ppt na to." Gusto ko nalang humimlay sa haba ng ppt na ginagawa ko ngayon.
"Kanina pa yan ah uwi na tayo doon mo na yan gawin." Alex. "Kailangan ko to tapusin may trabaho pako mamayang gabi alas-otso." Yuri. "Doon mo na nga sa dorm tapusin yan para naman maka idlip ka pag ka tapos." He rolled his eyes.
Napaka mapilit talaga.
"Oo na nga sige na tara na." Nilagay ko ang laptop ko sa bag at si alex na nag buhat ng mga libro ko. Alex is my cousin and his stubbornness is from his father. Manang-mana sya sa daddy nya. His dad and my mom are siblings.
"Ano gusto mo kainin your highness?" Umirap pa na tanong nito habang nasa kotse.
"Drive thru nalang tayo sa mcdo gusto ko ng kape nila." Sagot ko. "Okay masusunod po kamahalan." Alex.
"Inamo tigil-tigilan moko sa kamahalan na yan, kumusta kayo nung Elijah?" Kala mo di ko itatanong ha. "Okay naman kami na busy lang sya pero nag kikita pa naman kami." Alex.
Sakin lang sya nag kwe kwento ng about sa lovelife nya minsan kay Kian pero madalang nalang din namin makusap yon lalo na't mag kaka anak yung siraulong yun.
"Kailan nyo balak lagyan ng label?" Tanong ko. "To be honest hindi ko rin alam kase halo-halo binibigay nya sakin tama ba yon ang ganda ganda ko tas bibigyan nya lang ako ng halo-halo." Sagot nya at natawa naman ako.
"Nyay okay lang yan bawi ka next life." Biniro ko sya.
"Ikaw kailan kaba mag kaka lovelife ha? Mag f fourth year na tayo oh sis ikaw nalang walang lovelife lam mo yon?" Heto nanaman sya.
"Alam mo naman na busy ako eh di ko muna priority yun." Sagot ko. "Tsaka priority ko grumaduate na may flying colors no." Dagdag ko pa.
"Edi ikaw na ang the best working student." Alex. "Oo ako lang talaga to." Nyetang traffic yan di parin umuusad.
"Diretso nalang tayo ng dorm Alex tinatamad na ako mag kape." Sumandal ako sa may bintana. "Okay." Alex.
Tahimik na ang paligid pero may biglang tumawag sa cellphone ni Alex.
"Oh ano yon Uno?" Sagot nito. Naka speaker yung phone nya kaya rinig ko din kung ano meron.
"Si Gray napa-away ya tapos na tulak sya nung naka-away nya causing him to fall down edi ayun natukod nya yung kanang kamay nya books nabali eh kawawang gray." Uno.
"Ha?!" Napa ha kami parehas ni Alex. Jusko po at bakit naman napa-away yung batang yon. Si Gray ay isa sa mga kaibigan namin na nasa 2nd year.
"Anong hospital pupunta kami." Alex. "Send mo nalang sakin Uno papunta na kami." Utos ko at binaba nya na ang tawag.
-hospital-
"Excuse me nurse nasan po yung bed ni Gray Cyden Meecado." Tanong ko. "Doon po sir sa ward 3." Tinuro nya kung saan banda ang ward 3 at pinuntahan namin ito.
"Hi ya!" Uno. "Hi nasan na si Gray?" Tanong ko. "Andun oh." Turo nya sa kama ni Gray.
"Siraulo ka ano nangyare ha?!." Bungad ko sa kanya. Nanatili lang tahimik si Alex. "Eto napa-away." Tumawa pa ito. Siraulo talaga.
"Bakit kaba napa-away ha?" Seryosong tanong ko. "Eh pano kase they are talking shits about you ayon sinagot ko kaya I ended up here." Ngumiti pa ang loko.
Okay lang naman sakin na kung ano-ano sabihin nila sa akin pero ang saktan si Gray hinding-hindi ko sila mapapatawad. Kung demonyo sila mas demonyo ako mga gago.
"Anong pangalan, year? Anong department?" Sunod-sunod kong tanong.
"Wag na ya baka mapa-away ka lang din eh." Umiling-iling ito. "Hindi Gray wala akong pake alam sinaktan ka nila hindi tama yon. Now tell me anong pangalan, year at anong department?" Ulit ko.
Alam ni Gray kung papaano ako mamilit at wala syang magagawa kundi sagutin ang mga tanong ko.
"Athena Kaye Dela Rosa, 4th Year, Civil Engineering department." Sagot nya.
"Ahh civil engineer dapat sa mga katulad nya sine semento ang mukha eh. Ang kapal naman ng mukha nyang mang-away ng 2nd year." Dapat talaga sa mga katulad ng babaeng yon ay sine semento ang mukha eh.
"Oo nga pala sino susundo sayo Gray?" Tanong ni Alex. "Kuya Ford ko nalang siguro pinsan ko." Sagot ni Gray. "Sino yon?" Curious kong tanong dahil hindi ko naman kilala ang taong binanggit ni Gray.
"Seriously ya?! Hindi mo kilala si Ford Zafra?" Tanong ni Uno at umiling lang ako samantalang si Alex ay napa facepalm.
"Speaking of Ford he's here." Alex. Tumingin ako sa direksyon kung saan naka tingin sila Alex.
Medyo pamilyar ang Ford na iyon naka suot sya ng jersey ng basketball team ng school namin sukbit sukbit ang duffle bag nya sa kanan na balikat.
I admit that he looks good even from afar.
YOU ARE READING
Lifetime, Together
RandomYuri Arellano a famous educ student he is known because he's one of the vocalist in their school band called "Parokya ni Aries" and also the secretary of their supreme student council, cross paths with Ford Zafra a 4th year engineer student the capt...